Abante (02/22/05) Deretsahan Kung Bakit Mahal ang Recuitment Fee ni Horacio Paredes Matagal ko nang pinagtatakahan kung bakit napakalaki ng mga kinakaltas ng mga recruiter sa Pinas at pati na rin sa Japan sa ating mga OFW o kaya'y mga OPA. Ngayon ay lumilitaw na ang atin palang Embahada sa Japan ay humihingi ng "bond" o kaya'y katibayan na nagkakahalaga nang $20,000 sa bawat OFW na nakakapasok sa bansang Japan. Eto raw ay kwartyang maaaring ipanagot kung mayroon mang reklamo ang ating mga OFW sa kanilang pinasukan. Ang nagbabayad nito ay ang club kung saan na-empleyo ang ating Pinay entertainer. Ang kuwarta'y nasa isang escrow account na nakadeposito sa Landbank o kaya'y sa Philippine National Bank, na agad-agad ay pinadadala naman ng mga bangkong ito sa ating national treasury. Kumikita ng kwarta pala ang ating bansa sa bawa't Pinay na napupuntang Japan. Kaya rin pala napakalaki ng binabayarn ng mga ka-awa-awang mga babae na napupuntang Japan. Dagdag pa rin rito ay mayroon pang buwis na tinatanggap ang Embahada natin sa Tokyo na $70 sa bawa't OPA na nakakapagtrabaho sa Japan. Ayon sa DFA, ang $20,000 raw ay maaaring bawiin ng employer o ng promoter kapag nag-close shop na ang ahensiya o kaya'y nakalipas na ang takdang panahon kung kailang maaari pang magreklamo ang OFW. Ang prosesong ito ay ipinagutos ng Memorandum Circular 01, ng Department of Labor and Employment (DoLE) noong Nob. 20, 1991. Ayon sa Migrante: "This DoLE memorandum, just like the Artist Accreditation Certificate, does not guarantee the welfare and safety of Filipino entertainers and all other 31,000 undocumented Filipinos in Japan since it gives a legal way out for abusive employers and promoters, especially those connected to criminal and human trafficking syndicates." Dahil na rin sa ganitong mga regulasyon king bakit ang mga recruitment at mga processing fee na binabayaran ng mga nag-aaply sa Japan ay nagsisimula sa P50,000 hanggang sa P200,000. Mayroon rin kayang ganito na ating sinisingil sa mga tumtutungo sa Saudi Arabia, Taiwan, Honhkong, Kuwait, Europe, Amerika at kung saan-saan pang mga bansa na tinutungohan ng ating mga OFW? Hindi ba, na sa ganitong mga paraan, parang ang bansa mismo natin ang nagpapahirap sa atin na ring mga OFW? Hindi ba nila naiisip sa pamahalaan na ang magbabayad ng lahat na ito'y walang iba kundi na rin ang mga Pilipinong manggagawa na napipilitang umalis ng bansa para lamang mayroong ipakain sa kanilang mga pamilya? * * * Napakahina ng pamahalaan na kumolekta ng buwis. Ayon sa isang negosyante, sa 10 porsientong VAT, ang nakokolekta's nas tatlong porsiyento lamang. Ganoon rin sa income tax. Kung kolektahin na lamang ang VAT sa lahat ng dapat magbayad, hindi na kinakailangan pang dagdagan ang rate ng VAT mula sa 10% patungo sa 12%! Ang mangyayari sa mas mataas na VAT ay ito" Sa 12%, tatlong porisyento pa sin ang makokolekta. Sa pagdagdag ng singil sa VAT, lalo lamang sasama ang ating koleksiyon! * * * Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com # # # # hvp (01.31.05)