Skip to content

01.04.07 Abante

Abante (01.04.07)
Deretsahan

Ang Senatorial Line-Up ng Oposisyon

ni Horacio Paredes

Ang dapat na alalahanin ng oposisyon ay ang napakahirap nilang mananalo sa labanang pambansa kahit na ito’y sa pagpili lamang ng mga senador. Nang huling manalo ang oposisyon, hindi pa ganito ang ating halalan. Sa ngayon kasi, sa ilalim ng ating Saligang Batas, winala nila ang mga inspektor na noong ang ating sistema pa’y two-party system, inspector ang nagsisiguro na walang dayaan sa halalan. Ngayon, bantay-halalalan o watcher na lamang ang maaaring italaga ng mga partido. Wala na ang inspector!
Habang mayroong inspector ang partido ng oposisyon, mahirap silang dayain ng nakaupong pamahalaan. Nang winala ang inspector, sa pamamagitan ng kwarta, kapangyarihan at pang-aabuso, kung sino man ang naka-upo ay malaki ang pag-asang mananalo.
Nawala ang inspector noong panahon ni Marcos; kaya naman, mula noon, wala pang pamahalaan na natalo sa kahit na ano pa mang halalan! Sa kauna-unahang halalan sa ilalim ng pamahalaan ni Cory Aquino, sa hinalal na 24 na Senador, dalawa laang – Enrile at Estrada – ang nanalo galing sa kalaban.
Malaki ang nilalalamng ng maka-administrasyon sa ating mga halalan dahil na nga na humina na ang ating party-system at nagbago ang ating sistema. Hindi na ngayon nakakaya ng mga kontra-partido na tapatan ang pamahalaan sa kwarta. pwersa at kapangayarihan nito.
* * *
Mukhang ang mga lumang mukha ang ihaharap ng oposisyon sa kanilang listahan ng mga Senador. Dapat pa bang ibalik ang napakatanda nang si Teopisto Guingona, Jr. sa pagiging Senador? Dapat pa bang ibalik pa si Terssie Aquino-Oreta sa Senado? Dapat bang tanggapin ng Oposisyon ang mga tumakbo kasama ni Gloria Arroyo noong sila’y nakapasok sa Senado at nang sila’y mga senador na’y tinalikuran nila ang nagpasok sa kanila doon?
Dapat bang tanggapin ng Oposisyon sina Manny Villar, Francis Pangilinan, Pong Biazon, Joker Arroyo at Ralph Recto sa kanilang linya sa ganoong hindi lamang na dati silang mga kakampi ni Gloria, ilan rin sa kanila’y tumulong sa pagpapalayas kay Estrada noong 2000 na ngayon ay nakikita naman natin na wala naman palang pagkakasalang malaki ang dating Presidente. Kung ganoon, bakit natin tinatanggap ang mga ito sa tiket ng oposisyon? Hindi lamang na kalaban sila, masama rin ang kanilang pinkita sa atin sa kanilang ginawang pagpapalayas kay Erap. Kung sila ba’y nasa tiket natin, tinatanggvap na rin ba natin na tama ang kanilang ginawa sa ating tunay na Presidente?
Dapat bang iboto pa natin si Ping Lacson sa pagka-Senador sa ganoong kundi siya tumakbo noong 2004, sana’y si FPJ na ang nakaupo sa Malakanyang (at baka hindi pa ito namatay dahil sa sama ng loob)? Makakatiwala pa ba tayo sa katulad ni Lacson na wala namang tunay na agenda kundi lamang ang kaniyang sariling kapakanan? Kumita kaya ito noong 2004 nang hindi siya umatras sa kaniyang kandidatura? Nag-ayos kaya sila noon ni Gloria?
Sa nakikita kong linya ng mga senador ng oposisyon, kalahati na agad ang hindi ko kayang tanggapin dahil sa wala naman silang kahit na ano pa mang paninindigan kung saan ay maaari natin silang samahan.
Mas magaling pa rin iyong dating sistema kung saan mayroong dalawang partidong magkatunggali sa halalan. Winasak na natin ito. Sana nga magkaroon ng pagbabago ang ating Saligang Batas. Ang isang pagbabago na karapat-dapat ay ang pagbabalik ng dating two-party system.

* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

# # # #
hvp (01.01.07)

—–

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*