Abante (01.23.07)
Deretsahan
Norvasc vs. Amvasc
ni Horacio Paredes
Ang mga Pinoy na mayroong hypertension (alta presyon) ay nasa 7.76 milyon na. Agg karamihan sa kanila’y bumibili ng gamot para sa kanilang maintenance. Kung hindi sila iinom ng gamot, lalong lalala ang kanilang kundisyon.
Ang isa sa pinaka-popular na nirereseta ng mga doctor ay ang Norvasc na gawa ng Pfizer Philippines. Ang presyo ng Norvasc sa Pinas ay P44.75 ang isang 5 mg na tableta at P74.57 ang isang 10 mg na tableta. Ang maintenance medicine ay dapat na ini-inom kada araw. Wala dapat mintis iyan. Bawa’t araw ay dapat na inumin ito.
Kadalasan pa nga, dalawa hanggang apat ang gamot na nirereseta ng doctor at ang bawat gamot ay dapat na inumin araw-araw. Sa totoo lamang, amg maintenance medicine ay hindi tinatanggal ang kundisyon na hypertension (alta presyon). Naririyan pa rin ang alta presyon mo, ngunit hindi lumalala kung tama ang iyong pag-inom ng gamot.
Ang malungkot sa Norvasc at iba pang mga medisina’y ito: Bakit sa Pakistan ay P5.98 lamang ang 5 mg ng Norvasc at 8.96 naman ang 10 mg? Kapag ito’y tinatanong sa Pfizer, ang nagiging sagot nila’y dahil raw sa ganyan talaga iyan at wala silang magagawa. Bakit mas mahal dito sa Pinas ang gamot na ito at napakalaki ng diperensiya — P38.77 sa bawat 5 mg! Bakit parang mas minamahl ng Diyos (o ng mga drug company) sng mga Pakistani?
Ang pamahalaan ay naghihintay na lamang sa Hunyo ng taong ito, dahil sa matatapos na rin ang patent ng Pfizer sa gamot na Norvasc. Pagdating ng Hunyo’y mag-iimport na ang gobiyerno ng Norvasc na galing sa Pakistan sa pamamagitan ng Philippine International Trading Corp (PITC).
Kamakailan naman ay nilabas ang Therapharma, isang pangkat ng United Laboratories, ang Amvasc (Amlodipine Camsylate) na tinatapat sa Norvasc. Ang presyo naman nito’y P17.50 sa 5 miligrams, mas mura ng P 27.25 kaysa sa Norvasc. Para sa isang mayroong kundisyon na alta presyon, makakatipid ito ng P800 kada buwan o P9,910 sa isang taon. Ngunit, ano ang ginawa ng Pfizer?
Sinimulan nila ang “sulit” card na maaari mo lang kunin sa iyong doktor. Kapag prinisenta mo ang “sulit” card na ito, bibigyan ka ng discount ng botika upang ang presyo mo’y magiging mas malapit na, ngunit mas mahal pa rin, sa presyo ng Amvasc.
Bakit hindi na lamang nila binabaan ang presyo ng Norvasc? Bakit kinakailangan pa ng “sulit” card? Bakit? Dahil sa ang Amvasc, kagaya rin ng Norvasc ay maaari mo lamang bilhin kung mayroon kang reseta. Kung wala kang reseta, hindi ka bibigyan ng farmacia ng gamot para sa alta presyon. Ang ginagawa ng Pfizer ay sinusuholan nila ang doctor mo upang Norvasc pa rin ang irereseta. At, kung magreklamo ka na mayroon nang mas mura sa Norvasc, bibigyan ka nila ng “sulit” card ngunit Norvasc pa rin ang isusulat sa reseta.
Magka-kuntsabo ang doktor mo at ang Pfizer na kwartahan ka. Pumapayag naman ang doctor dahl mayroon silang kinikita sa bawat nirereseta nilang Norvasc. Bakit ganito ang ating mga duktor at mga gumagawa ng ating mga gamot? Para silang walang pagkalimg sa mga Pinoy.
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com
# # # #
hvp (01.22.07)

One Comment
masyado tlga gnagawa sa mga ofw nang poea na yan.bakit kailangan dumaan pa sa ganyan ang mga nagtatrabaho sa hong kong?mabuti sana kung bago ang mga yan eh kahit nagbabakasyon lang kailangan pa dumaan sa mga batas nang poea na ang hinahabol lang naman eh para magbayad ang mga ofw. aminin na natin na napakarami talagang maling sistema sa atin at pera ang kadalasan dahilan.dto naman sa kuwait napakadaming bastos na embassy staffs!kadalasan nakikita ko na nagtatanonglang nang maayos ang mga pinoy dahil di pa nila alam ang ang pasikot sikot sa pag file nang mga kung ano anong application nila eh sisigawan at susupladuhan at susupladahan nang mga embassy staffs.ito ba ang sinasabi na bayani ang mga ofws?minsan gusto ko talaga lapitan ang lalaki na nakita ko na napakabastos kung sumagot sa pinay na nagtatanong lang sa counter.buti sana kung di ko nadidinig kung paano magtanong ang pilipina na yun. napakahinahon nang approach nya nagtanong lang na ano po ba ang ilalagay dito sa space na ito nang application na yun dahil di siguro masyado naiintindihan.sinagot nang napaka bastos na sagot! sana maimbistigahan ang mga embassy staffs dito sa kuwait para malaman nila kung paano at gaano kababastos ang iba sa mga staffs dto. kahit ba sabihin na di maintindihan trabaho nila na tulungan ang mga kababayan nila kung ano man kaya nila itulong. san pa tatakbo ang mga pilipino dito kung ang mismong embassy natin dito eh pagkaka suplado at suplada sa mga ofw dito?
Post a Comment