Skip to content

04.10.07 Abante

Abante (04.10.07)
Deretsahan

Mga Anak ng Mindanao

ni Horacio Paredes

Sa Butuan, noong dumaan ako sa nakaraang Holy Week, mayroong malaking karatula na nagpapahayag nang ganito “Iboto si Koko Pimentel, Anak ng Mindanao.” Katabi naman nito ay isang karatula ni Prospero Pichay ng Surigao t ni Migz Subiri ng Bukidnon. Naisip ko tuloy na napakarami ngas pala ng mga kandidato ng Mindanao sa Senado kasama pa rin si Jaramul Kiram na taga-Mindanao rin.
Bakit naman may karatula si Pimentel na nagsasabing siya ay anak ng Mindanao. Baka okey lamang ito sa Luzon at sa ibang lugar; ngunit wala itong dating sa Mindanao kung saan alam naman ng lahat kung sino ang mga kandidatong taga-Mindanao. Parang walang magandang dating ito sa mga botante. Baka nakakasama pa nga ito kay Koko Pimerntel. Ang tanong ng mga taga-Mindanao: Bakit, hindi ba anak ng Mindanao sina Pichay, Subiri at Kiram? Si Koko Pimentel lamang ba ang taga-Mindanao?
Gaya ng maraming tinuturing ang sarili ng Mindanaoan, malambot ang puso ko sa mga kandidatong taga-Mindanao at, dahil lamang dito, ay maaari ko silang iboto sa araw ng halalan, anuman ang kanilang partido.
* * *
Maraming mga OFW na dapat sana’y nasa Saudi Arabia na ang hindi maka-alis dahil sa nagbago ang reglamento sa KSA. Sa bagong sistema, bago mabigyan ng visa ang isang recruitment agency sa Pilipinas para sa isang OFW na kukunin ng isang kumpanya o employer sa Saudia Arabia, dapat magkaroon anf Philippine recruitment agency ng isang kasunduan sa isang recruitment agency sa KSA.
Matagal na itong pinag-uusapan, ngunit mukhang jinmdi ito pinaghandaan ng ating mga recuitment agency o kahit na nga ating gobiyerno. Maiisip mo tuloy na kahit na madalas na sa bukang-bibig ng mga Presidente natin tinatawag nilang mga bagong bayani ang mga OFW, sa katotohanan, parang pinagsasamantalahan lamang nila ang mmga ito. Alalahanin na mayroon ring mga bagong reglamento anf POEA na dapat raw matuto ang isang OFW ng kanilang salita sa lugar na parororoonan. Malaki rin ang hinihingi ng gobiyerno para sa training na ito. Ang malungkot lang mga ay sinabay pa nila ang ganito pampahirap sa ating mga OFW sa pagbnabago ng reglamento sa KSA. Tiyak na magiging mas mahal pa ang pagpiunta ng ating mga OFW sa Saudi.
Hindi naman maaaring mangyari na walang hihingiin ang KSA Recuitment Agency sa Philippine-based recruitment agency.
* * *
Sa pagtungo ko sa probinsiya noong Holy Week, naging maliwanag sa akin na walang mga kandidato ang Genuine Opposition (GO) sa halos lahat ng mga LGU kung ito man ay munisipyo, lungsod o lalawigan. Napansin ko rin sa aking pakikipagusap sa mga botante na talagang maganda ang pagtanggap ng mamamayan sa mga senador ng GO kaysa sa mga senador ng TU.
Ngunit, nakikita ko rin na dahil sa kakulangan ng mga kakampi ng GO na kumkandidato bilang alkalde, konsehal, gubernador at bokal sa mga lalawigan at bayan, baka matalo pa rin ang mga kandidato ng GO. Alalahanin natin na magkakaroon ng bilihan ng boto sa araw mismo ng halalan. Kung wala kang tao sa prsinto sa araw ng halalan, kakayanin mo kayang hadlangan ang bilihan ng boto at ang dayaang tiyak na susubukan na naman ng mgas masasamang tao.

* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

# # # #
hvp (04.09.07)

—–

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*