Abante (04.24.07)
Deretsahan
Big Brother ng Green Cross
ni Horacio Paredes
Noong katatapos ng giyera ng World War II, si Gonzalo Co ay 22 anyos na. Nagtatrabaho na itong waiter, cook, warehouse man at salesman na rin. Noon ay two years old pa lamang ang kasunod niyang kapatid na si Anthony. Isa sa mga produktong kaniyang binebenta noon ay ang Gray Course Rubbing Alcohol, na produktong mula pa sa Amerika.
Pagkaraan ng ilang taon – noong 1952, nagbitiw si Gonzalo sa pinagtatrabahoan at nagtayo ng sarili niyang Gonzalo Laboratories, Inc. na isang single proprietorship. Kanyang-kanya ito; wala siyang ka-sosyo, Ang kanyang unang produkto ay ang Green Cross Rubbing Alcohol. Sumunod rito ay ang Zonrox. Alam naman nating lahat kung gaano pumatok ang mga produktong ito sa ating lipunan. Halos wala yatang bahay na walang Green Cross o Zonrox.
Nang nakamit niya ang ganitong tagumpay sa negosyo, si Anthony na kasunod niya ay siyam pa lamang ang edad. Ang iba niyang mga kapatid — dalawa pang lalake at isang babae — ay mas maliit pa o di pa napapanganak.
Dumaan pa ang ilang taon. Noong 1971, kinumbinse siya ng isa pang kapatid na si Joseph na gawaing korporasyon at hindi single proprietorship ang kumpaniya niya. Tinayo nila ang Green Cross, Inc.
Kinuha niya ang kaniyang mga kapatid na pumasok sa Green Cross. Si Anthony na empleyado na noong Gonzalo Laboratories pa, si Joseph na nalugi sa negosyong furniture, si Peter na sweldado ng isang planta ng vetsin sa Bulacan at si Mary na empleyado sa isang opisina sa Binondo. Ginawa niya silang mga direktor ng kumpanya.
Ngunit, hindi nakontento ang mga kapatid. Sa pamamagitan ng kung anu-anong mga galaw unti-unti nilang kinuha ang kumpanya sa kanilang big brother hanggang dumating ang araw na, ayon sa Securities and Exchange Commission wala nang pag-aari si Gonzalo sa sarili niyang kumpaniya.
Ang pinakamalungkot nito’y noong ika-50 anibersaryo nang kumpaniya noong 2002, ang isa niyang pamangkin ay nagpahayag mula sa entablado na ang nagsimula ng kumpaniya ay hindi si Gonzalo kundi ang ama ni Gonzalo na si Co Ay Tian na tinawag nitong “founder” ng Green Cross.
Ayon kay Gonzalo, kung buhay pa sana ang kaniyang yumao nang ama ay hindi ito papayag na siya ang sasabihing nagtatag ng Green Cross dahil, ayon kay Gonzalo, ang kaniyang ama ay taong maka-totoo at hindi ito papayag sa kasinungalingan o kamalian. Para naman sa kaniyang mga mas nakakabatang mga kapatid, kung ang ama nga naman ang nagsimula ng kumpaniya, hindi ba dapat na sila ang mga tagapagmana?
Dahil doon ay nagkagulo ang magkakapatid at mayroon na ngang natanggap na subpoena ang mga kapatid ni Gonzalo na kanyuang sinumbong sa Tax Evasion at estafa.
Sa mga intsik, pambihira ang nagkaksuhan. Mayroon kasi silang tinatawag nilang mga family association kagaya ng Philippine Kho Association na maaring mag-ayos ng kung anuman ang gusot sa mga magkakamaganak. Lumapit na rin dito si Gonzalo at hiniling na ayusin ng family association silang mga magkakapatid.
Bakit naman kasi na sa bahay ni Big Brother ay si Big Brother na ang kanilang pinalalayas?
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com
# # # #
hvp (04.16.07)

One Comment
could you please help the people of Balaoan, La Union about this coming election. The Administrations candidates are forcing the people to vote straight their candidates even the relatives of the independent candidates were forced not to vote for their candidate relative. They are planning to go house to house and count the number of voters per household and check against the who will not vote straight. The people are scared to vote their favorite candidate because they may be harmed by this adminsitration candidates.
Post a Comment