Skip to content

05.16.07 Abante

Abante (05.17.07)
Deretsahan

Magmagandang Loob – Talo Man o Panalo

ni Horacio Paredes

Maganda ang sinabi ni Pangulong Gloria Arroyo sa pagtapos ng botohan noong Lunes: “May matitinding pagtutunggali sa lahat ng kampanya, subalit mag magandang-loob tayo, manalo man o matalo. Para sa kapakanan ng bansa, dapat isara ang mga kabanata ng hidwaan at pagtutunggali paglabas ng hatol ng bayan, at buksan ang pinto ng pambansang pagkakaisa at pagkakapit-bisig.”
Kaya lamang, sa aking pananaw ang mga maiinit ay ang mga kasmahan na rin ni Gloria kagaya nina DOJ Secretary Raul Gonzales at ng kaniyang National Security Adviser na si Bert Gonzales. Baka sila ang dapat na pagsabihan ng ganito ni Gloria.
Sa katunggali namang oposisyon, sa totoo lamang, kung wala silang makikitang dayaan at lamangan, sa palagay ko ay hindi naman papalag ang mga ito sa magiging resulta – talo man o panalo.
Kung mayroon mang dayaan na mangyayari sa mga lokal na halalan sa pagpili ng mga alkalde, konsehal, gubernador at bokal, hindi naman ito isisisi sa Malakanyang kundi sa mga may hawak ngayon ng mga LGU.
Kaya, ito na siguro ang hamon sa Malakanyang na kung kanilang sisigurohin na walang dayaan, walang maaaring ireklamo tungkol sa takbo ng halalang ito.
Kung magkakadayaan naman sa bilang ng mga boto sa Senado, tiyak na magiging malaki ang kagulohan. Halos kasi wala na ngang kandidato ang oposisyon, bakit naman dadayain pa nila?
Depende na sa Malakanyang kung atin bang tatanggapin ang magiging resulta ng halalan para sa mga Senador o atin bang ipoprotesta ang mga hindi nararapat na ipoproklamang nanalo kuno?
* * *
Sa katanungan kung bakit gumagastos ng hangang isang daang milyon ang mga kandidato sa Senado kahit na P35,000 lamang ang sahod nito kada buwan, naririto ang sagot: Idagdag ninyo sa P35,000 kada buwan ang dalawang milyon kada buwan para sa office expenses. Kahit na driver mo ang taga-sagot ng telep[ono at sa bahay ka lamang nag-oopisina, tatanggapin mo pa rin ng kabuohan ang P2 milyon kada buwan.
Mayroon ring P850,000 kada buwan para sa pagbibiyahe sa labas ng bansa na iyo ring tatanggapin kahit na hindi ka umalis ng ‘Pinas.
Sa bawat Komite na iyong pamumunuan, mayroon ka pang isa pang milyon kada buwan.
Kung ipagsama natin ang lahat na ito, halos apat na milyon kada buwan ang tinatanggap ng bawat Senador; kung marami kang komite, baka umabot pa ito ng halos sampung milyon kada buwan.
Hindi pa natin sinasama rito ang pork barrel na nasa P200 milyon kada taon. Sa apat na milyon kada buwan, ito’y nasa P48 milyon kada taon. Sa anim na taon na kaniyang termino, ang tinatanggap ng isang senador ay nasa P288 milyon na, wala pa ang kupit sa pork barrel at iba pang mga maaari pa nilang pagkitaan!
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

# # # #
hvp (05.16.07)

—–

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*