Abante (05.29.07)
Deretsahan
Nag-Golf sa Tsina
ni Horacio Paredes
Bumisita ang ilan sa aming mga golfer na mamamahayag at manunlat sa Shenzhen sa Tsina noong nakaraaang linggo. Ito ay upang makapaglaro sa Mission Hills isang bagong gawang golf resort na mayroong 14 na golf course.
Napakaganda ng Mission Hills. Maayos, maganda ang maintenance sa bawat golf course na nabisita’t napaglaruan naming; at, matulungin ang mga nagpapalakad – gagawain nila ang lahat upang masiyahan ang manlalaro.
Mayroon na ngang isang championship ng larong golf sa mundo na kinontrata na ang Mission Hills na sa susunod na 12 na taon ay doon gagawain ang kanilang kapeonato.
Ngunit, ang tunay na nakakagulat sa Tsina ay hindi ang Mission Hills lamang kundi ang nakakalulang bilis ng kanilang ginagawang pagpapamoderno ng kanilang bansa at lipunan.
Noong taong 1980 – 27 taon na ang nakakalipas – ang kaunaunahan kong pagbisita sa Tsina. Noon nakikitang hindi pa sila gaanong nalalayo sa ‘Pinas. Sa katunayan nga’y mas moderno pa tayo noon kaysa sa kanila. Mula noon hanggang ngayon – 27 taon lamang – milya-milya na ang agwat ng Tsina sa atin. Naiwan na ang ‘Pinas sa pansitan.
Kahit na sa kalidad lamang ng kalsada’y taob na tayo; wala tayong panama sa kanila. Ang kanilang inprastraktura’y para ngang mas first-class pa kaysa sa ating nakikita sa Amerika at Europa. Walang lubak! Maayos na maayos.
Sinasabi na ang Shenzhen raw ay dadalawa lamang ang kalsada – 27 years ago. Kung noong 1980 ang huli mong pag-bisita sa Shenzhen, mawawala ka na ngayon. Hindi mo na makikilala ang lugar dahil ito’y isa nang mdernong siyudad na maaari mong itapat sa kahit na anumang city sa buong mundo. Hindi ito maiiwanan.
Papaano nila nagawa ang lahat na ito sa loob lamang ng 27 taon? Itanong mo sa sarili mo kung ano na nga ba ang nagbago kung saan ka nakatira sa loob ng dalawampu’t-pitong taon? Mayroon bang nangyari? Mayroon bang mga bagong kalsada, tulay, gusali, pabrika?
Kung naririto ka sa ‘Pinas, mrahil na ang isasagot mo ay: “Wala.” Kung mayroon man, baka ito’y iilang bagong bahay o gusali ngunit hindi ito dadami sa libong mga gusali at factory na natayo sa Shenzhen.
Ganito ang tunay na tagumpay ng ekonomiya – kung saan marami ang nakakapagtrabaho at marami ang kumikita ng mas malaking sahod. Sa atin dito, sa loob ng 27 taon, parang walang gaanong trabahong natatag. Halos walang mga bagong industriya at halos walang nangyayari.
Papaano natin mapapaunlad ang ating bansa na kasing bilis ng kanilang ginawang pagpapaunlad sa Tsina? Ganito sana ang iniisip ng ating mga pulitiko imbes na kung papaano sila mananalo sa halalan – kahit a sa pamamagitan ng dayaan!
Ang isang pagbabago sa Tsina na hindi gaanong maganda ay ito: Noong pagbisita ko sa 2000, bumili ako ng malaking payong na dekorasyon sa bahay. Naiwan ko ito sa tren. Walang pangalan ang payong. Pagkalipas ng ilang linggo tinawagan ako ng isa kong kakilalang kagagaling sa Tsina. Dala niya ang payong ko. Binilin ito sa kaniya ng kanilang guide upang ibigay sa akin. Ganyan noon ang Tsina. Nagyon sa pagbisita namin sa mall sa Shenzhen, sinabihan kami ng aming guide na magiingat kami sa mga masasamang tao na nanlilinlang nga mga turista at lalong-lalo na sa mga mandurukot.
Iyan naman ang masama sa mdernisasyon!
* * *
Ako’y wala namang nakikitang problema sa bilangang ng mga botong mga kandidato sa pagka-Senador. Tumataas at bumababa anfd puwesto nila sa magic 12 depende sa pagpasok ng boto. Tama lamang ito. Ganoon talaga ang halalalan!
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com
# # # #
hvp (05.28.07)

One Comment
Dear Mr. Ducky,
Siguro tama nga kayo sa sinabi nyo na MAS MAUNLAD ANG TSINA kaysa PILIPINAS, magarang KALSADA wala LUBAK, maraming BUILDING, PABRIKA, TULAY, atbp. pero sana naman bago nyo isinulat ang column nyo sa dyaryo, sinigurado nyo muna na LAHAT ng kalsada sa TSINA ay MAGANDA, dahil ho ang kalsada sa TSINA ay hindi lang yung KALSADA patungo sa “Mission Hills” kung saan ang de-klaseng taong katulad nyo ang pumupunta. Alam nyo ho ba kung bakit maunlad ang TSINA? Sana alam nyong ring sagutin ang tanong ko bago kayo mag-tanong sa simpleng tao. Sira na ang loob ng mga PILIPINO dahil sa katiwalian ng mga namumuno, at dahil na rin sa ka “bobohan” natin. Bakit ganito tayong mga PILIPINO? Mahilig tayo sa “COMPARE”? Dapat ho sinulat nyo rin sa COLUMN nyo na mas MALAYA TAYONG PILIPINO NA SABIHIN ANG ATING SAMA NG LOOB SA KALSADA LABAN SA ATING LEADER, DAHIL PO HINDI ITO NANGYAYARI SA TSINA. Alam nyo po ba na ang mga INTSIK ay hindi malaya sa INFORMASYON? Alam nyo po ba na sa INTERNET, ay “FILTERED” ang “FREEDOM,LIBERTY” at iba pang words na may KINALAMAN sa “KALAYAAN”? Sa PILIPINAS hindi. (MUR RISIRC SIR!!!)
Masagana ang TSINA dahil ang mga worker na INSTIK kung magtrabahao ay parang ALIPIN at wala silang REKLAMO dahil wala silang BOSES. Tayong mga PILIPINO ganun ba ang ginagawa natin? Paano kung ang PILIPINAS ang mag tayo ng “MISSION HILL”, anong masasabi nyo? Alam nyo ho ba na mahigit 2 MILYONG INSTIK ay walang malinis na tubig na MAIINOM? Marami pa pong bagay na naglalagay sa TSINA sa PANSITAN, hindi lang ang PILIPINAS. (MUR RISIRC SIR!!!)
Sana, sasusunod mag-saliksik kayo ng mabuti bago kayo mag bigay ng OPINION sa isang bagay na dalawang beses nyo lang namasdan. At sana PURIIN nyo rin ang PILIPINAS sa kanyang KONTING kakayahan, at hindi lang ang TSINA.
WI NID PATRIYOTISIM NAT IDYUTISIM.
Post a Comment