Skip to content

05.39.07 Abante

Abante (05.31.07)
Deretsahan

Reaksyon sa Kolum Tungkol Trina

ni Horacio Paredes

Marami ang sumulat ng komento sa ating kolum tungkol sa Tsina. Ang isa’y galet dahil raw bakit ko pinupuri ang Tsina kahit dalawang bese ko pa lamang nabibisita ngunit panay naman ang aking batikos sa Pinas.
Hindi yata naiintindihan ng sumulat ng ganoon na kung tayo’y naiinggit sa nanagyayari sa ibang bansa’y dahil na rin sa lubos-lubosang pagmamahal sa sariling bansa at naaawa tayo sa ating sarili kung bakit hindi natin nakakamit ang kinakaya ng ibang mga bansa kahit ang gagaling naman nating mga Pinoy.
Kung wala tayong pagmamahal sa sariling bansa, hindi natin babatikusin ang mga maling nangyayari sa ating bansa?
Mayroon din namang mga reaksyon ng mga Pinoy na mismong nasa Tsina. Dalawa sa maraming sulat nila ang ating babasahin:
“Gandang araw po sa inyo. Sana po talaga umunlad na nga ayos ang Pinas. Me nangyayari man po dukutan dito sa Tsina ay isa po sa mga dahilan ay sa laki ng populasyon nila; pero ganoon pa man mangyari ay patuloy nila pina-uunlad bansa nila upang mag kameron lahat ng kakayahan para makapag-hanapbuhay. Hindi po tulad diyan sa atin sa Pilipinas na hindi na nga umasenso ang buhay ng mga tao ay madami pa din mandurukot, lalo na yang mga nasa gobyerno. Ginagawa lang nilang legal ang pagnanakaw nila, kasi sinasabi nila halal sila ng taong-bayan. Ang totoo yung mga dapat na para sa taong-bayan ay sa sarili nilang bulsa napupunta. Nakakalungkot pong isipin pero yan ang katotohanan.
“All the best at good health po sa inyo, Sir Ducky.” — Edwin Benedict U. Untalan, Safety Supervisor. Shenzhen Chiwan Sembawang Engineering Co. Ltd.
* * *
Tama ka rin, Edwin; kaya lang mayroon rin namang mga nangyayaring maganda sa Pinas. Halimbawa, sa halalang katatapos lamang pinakita ng botante na marunong silang pumili ng mga dapat na ihalal. Kahit na malakas pa rin ang hatak ng kwarta sa mga boto, mayroon rin namang ilang kandidatong nanalo kahit na wala silang gaanong salapi at kahit na napakalaki ang perang pinamudmod ng kanilang mga kalaban.
Para sa akin, nakakahinayang na hindi natin kinakayang pabilisin ang ating modernisasyon. Sa aking pananaw, kung kaya ng Tsina, Vietnam, Singapore at Malaysia, walang rason na hindi natin kakayanin ang ganoon ring kabilis na pagmomodernisa ng ating bansa at lipunan. Kinakailangan lang talaga na mayroon tayong tinatanaw na magandang kinabukasan at mayroon ring political will o buo ang loob ng ating mga lider sa kanilang gagawaing plano para sa ating bansa. Kung wala iyon, walang mangyayari sa atin.
Ngunit, ang kaunlaran ng Pinas ay hindi manggagaling lamang sa kamay ng namumuno kundi dapat ay kasama rin ang mamamayan na binubuhos rin ang lahat ng kakayanan upang paunlarin ang sariling bansa.
Pagbalik mo galing sa Tsina, Edwin, sana ay mayroon kang maituturo sa mga kapwa mo na makakabuti sa kanilang pamumuhay. Parang tungkulin na natin ang pagturo ng mabuting asal at ng modernisasyon sa ating bansa at sa mga kababayan natin.
* * *
Isa pang sulat:
“Tutoo ito (ang kolum ko). Tayong mga nandito ngayon sa China ang isa sa makakapag patunay na tutoo ang nakasulat.
“Palagi ko sinasabi sa mga kamag-anak ko na inggit na inggit ako sa mga Chinese asinsado na bayan nila. Ang bayan natin napag iwanan na.
“Sa China ang dali lang mag set-up ng business; sa atin haba ng red tape. Hay buhay.” — Hubert Dizon
* * *
Kung minsan talaga’y kinakailangan tayong lumabas sa sariling bansa upang Makita natin kung ano ang dapat ayusin sa sariling bansa.
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

# # # #
hvp (05.30.07)

—–

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*