Abante (06.05.07)
Deretsahan
Sumunod Sa Desisyon ng Korte Suprema
ni Horacio Paredes
Dapat nga sana kung hindi talagang walang-hiya ang ating Secretary of Justice na, noong dinesisyunan ng Korte Suprema na dapat nang palayain ang Batasan 6 dahil sa mali ang sinunod na sistema sa pag-imbestiga sa kanila at pati na rin ang pag-file ng kaso laban sa mga ito, nag-resign na dapat ang kalihim. Hindi ito nangyari at pinipilit pa rin ng DOJ na tama ang kanilang ginawa sa kasong ito.
Ano ang mga kamaliang napuna ng Korte Suprema? Halimbawa, bago sinumite ang kaso laban sa Batasan 6 sa korte, sinabi ni DOJ Secretary Raul Gonzales sa media: “We [the DOJ] will just declare probable cause, then it’s up to the court to decide.” [Magdedekara na lamang kami na mayroon kaming nakitang ‘probable cause’ tapos, bahala na ang korteng desisyunan kung mayroon nga ba.]
Ayon sa Korte Suprema, maliwanag na pulitika ang umiral sa kasong ito at hindi ang maayos na pamamahala sa katarungan.
Kaya, ganito ang naging hatol ng Korte: “We cannot emphasize too strongly that prosecutors should not allow, and should avoid, giving the impression that their noble office is being used or prostituted, wittingly or unwittingly, for political ends, or other purposes alien to, or subversive of, the basic and fundamental objective of observing the interest of justice evenhandedly, without fear or favor to any and all litigants alike, whether rich or poor, weak or strong, powerless or mighty. Only by strict adherence to the established procedure may be public’s perception of the impartiality of the prosecutor be enhanced.”
Ang sinasabi ng Korte Suprema ay dapat na sinusunod ang tamang proseso upang hindi paghinalaan ng mamayan na hindi katarungan ang umiiral kundi pulitika.
Tama ang Korte at maling-mali ang ating DOJ. Sa pananaw ng DOJ, wala silang pagkakaiba sa Kempetai ng mga Hapon noong panahon ng giyera. Sa pananaw ng DOJ, ang kanilang tungkilin ay ang kalabanin ang mga kumokontra sa pamahalaan sa anumang paraan – wasto man o hindi. Kung ganito ang pag-iisip, walang laban ang mamayan puwera lamang kung sila’y magrereklamo sa Korte Suprema. Kung ganito nga ang DOJ, talagang walang maaaring tungohan ang mamamayan kundi sa Korte Suprema.
Mabuti naman na matitino pa rin ang mga hukom sa SC. Sayang lang na ang DOJ ay ayaw makinig sa kanila. Dapat na sigurong palayasin si Raul Gonzales sa kaniyang puwesto. Parang hindi niya naiintindihan ang batas at kung ano nga ba itong Democrasya.
Noong panahon ni Cory, kapag ang desisyon ng Korte ay laban sa kagustohan namin sa Malakanyang, ang sinasabi ni Presidente Cory Aquino ay ganito: “Patunay lamang iyan na tayo’y isang Democrasya at hindi nagpapagamit ang Korte kahit na kanino. Sundin natin ang desisyon ng Korte!”
Ngayon, ayaw sumuko ang Malakanyang sa kapangyarihan ng Korte Suprema. Mali sila diyan!
* * *
Sa aking pag-analisa, hindi na magbabago ang 12 na Senador na nangunguna ngayon. Tapos na ang halalan at 8-2-2 ang tamang resulta! Isa lamang ang nakikita kong problema sa papasok na Senado: Bale dalawa ang boto ni Nene Pimentel sa pagiging Pangulo ng Senado – ang kaniya at ang boto nga kaniyang anak! Kung mayroon siyang delikadesa, hindi na dapat siyang mag-ambisyon pa na maging Senate President. Kung siya na ang Senate President, hindi kaya mapapaboran si Koko ng mga magagandang Komite at sa mga biyahe at iba pang mga benepisyo?
Ang mabuti lamang nito’y mapapatunayan sa lahat na hindi talaga dapat na ang mag-ama’y parehong nasa senado. Hindi napuna ito kay Loi at kay Jinggoy dahil sa wala naman silang matataas na puwesto sa Senado. Iba rin ang Pamilyang Estrada sa Pamilyang Pimentel sa kilos at sa gawain.
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com
# # # #
hvp (06.04.07)

One Comment
dear sir:
this is only my opinion and perhaps you agree or dis agree people of the philippines. now is our independence day. malaya ba tayo? in what way? nasa madilim tayong panahon tulad noong panahon ng roman empire natutulad tayo ngayon na kailangan may isang tao na lilitaw upang magbigay liwanag sa bansang Pilipinas. Sya man ay ipinanganak na or hindi pa. wlang karapat dapat na lider ang meron ay mga atat na atat maging lider ng bansang ito. sapagkat kpag kaw ang lider ng isang bansa nasa iyo ang katanyagan, kayamanan, at kapangyarihan kasama na ang mga miembro ng pamilya pati driver. oo malaya tayo dahil ayon sa statistics 3000 mga filipino ang umaaalis sa ating bansa papunta sa kani kanilang destinasyon upang doon kumita para sa kanilang pamilya, ito ba ang kalayaan na tinatawag upang makalaya sa ating bansa at ang ibang nationals tulad ng mga koreans, indian etc ay dito naman mabuhay. bakit maraming umaalis sa ating bansa? kung tunay ngang mabuti ang ekonomiya ang isang bansa walang aalis na mamamayan sa kanyang lupang sinilangan..totoo ba o hindi? kung nabubuhay lamang si jose rizal at sya ang lider ng bansang ito marahil hindi ganito ang ating bansa. isa pang dahilan sa aking tingin sir kagaya ng nabasa ko sa isang column ni sir amado macasaet na isang ugat pa ng ating kahirapan ay kulturang itinatak ng mga sumakop na espanyol sa ating mga ninuno noon bago pa sumiklab ang rebolusyon na hanggang ngayon ay dala dala pa mula sa gobyerno gang sa ordinaryong mamamayan mga kulturang bulok na kinasanayan na ayon sa mga nabanggit ni sir amado. marami tayong kaugalian, kultura at tradisyon na totoo at lubhang di nakatutulong sa ating sarili bilang isang bansa.
ang pagbabago ay nasa ating sarili. disiplina, nasyonalismo, matapat. ang masipag at tyaga ay di na kasama sapagkat likas na sa filipino. isa dapat baguhin sa ating henerasyon dapat magsimula ay ang:
NOON AT NGAYON
magulang: anak mag aral kang mabuti upang pag makatapos ka ay makakuha ka ng maganda at malaking sahod..
anak: opo mag aaral po akong mabuti upang makapagtrabaho sa IBM, Ford, PLDT at Call centers.
SA HINAHARAP
magulang: anak magtayo ka ng negosyo upang makatulong din sa kapwa filipino wala trabaho para di na mag abroad.
anak: magtatayo po ako ng IT firms, etc etc
Post a Comment