Skip to content

07.26.05

Abante (07/26/05)

Deretsahan

Two Worst Presidents

ni Horacio Paredes

Nabanggit sa akin ni Rene Saguisag noong na-interbiyu ko siya sa radyo na kung nawawala si Garcellano, like father, like daughter pala si Gloria at si Diosdado Macapagal. Noong ang blue book ni Harry Stonehill ang naging isyu, bigla na lamang nawala ang Amerikano. Sa dilim ng gabi’y kinuha si Stonehill sa kaniyang piitan sa National Bureau of Investigation at ito’y dineport kung kaya noong namatay ito, nasa Thailand siya.

Ngayon naman ang nawawala ay si Garci; mukhang umalis na rin sa Pilipinas at baka nga hindi na makakabalik pa. Kasing corrupt rin yata ang mag-ama. Mahina rin sa pagdadala at noon ring papatapos na ang term ni Dadong, ang sinisigaw ng mamamayan ay ganoon rin: “Alis diyan!”

Sa ating history, lilitaw na ang dalawang pinakamasasamang naging Pangulo ay sina Gloria at Diosdado Macapagal.

Ngayon pa lamang, tatlo na lamang sa bawat sampung Pinoy ang naniniwala pa rin sa kaniyang mga sinasabi. Ang karamihan ay hindi na naniniwala at 46 porsiyento ang nagsasabing kung anuman ang nanggagaling sa bibig ni Gloria’y kasinungalingan na.

Sa ganiyang pangyayari, bakit kaya ayaw pa rin niyang magbitiw? Palagay ko’y sa inis at galit niya sa ating lahat kung kaya niya pinipilit ang kaniyang sarili sa atin; para mas mapapahirapan niya tayong lahat.

Ang malungkot lang nga diyan ay wala namang nangyayari sa ating bansa. Ang inaasikaso na lamang ni Gloria ay ang kaniyang kaligtasan. Para sa kaniya, wala siyang pakialam kung masama na siya para sa ating bansa, basta’t hindi siya magbibitiw! Paano na ang bansa? Hindi niya problema iyan!

* * *

Mayroon tayong mga sulat: “Ang mga PR people ni GMA abalang-abala sa pagpapaganda sa image ni niya para ibenta sa mamamayan. Puwede ba, kahit ilagay nila si GMA sa sachet, hindi pa rin iyan bibilhin ng mga tao. Bakit? Kasi alam ng tao peke ang produkto.” — Raul Joya, Cavite

Di lang peke, sinungaling pa!

* * *

Galing naman kay Vener Braganza: “Sa aking opinyon ay dapat ng bumaba o magbitiw sa pwesto si PGMA, para matubos pa niya ang kanyang kaluluwa kung magkano man niya isinanla kay Satanas para makapandaya at manalo sa nakaraang eleksyon.

“Ang paghingi nya ng tawad at pagsabi ng ‘lapse of judgement niya’ ay hindi sapat para patawarin siya ng mga tao kundi ang tanging paraan ay magbitiw sya sa pwesto.

“Salamat po at sana makarating ito sa kanya.”

Kahit naman ano pa ang ating gagawain, hindi pa rin iyan magbibitiw. Ang kinakailangan yata’y sapilitang tanggalin.

* * *

Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

# # # #

hvp (07.25.05)

—–

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*