Skip to content

12.20.05

Abante (12/20/05)
Deretsahan

Maligayang Pasko?

ni Horacio Paredes

Maligayang Pasko? Ganoon nga ba?

Sa totoo lamang, baka iilan lamang sa atin ang makakasabi na mnaligaya ang kanilang parating na pasko. Hindi naman sa masyado nating binibigyang importansiya ang mga bagay na materyal, hindi naman sa materyoso ang Pinoy, ngunit papaano tayo magiging maligaya kung napakarami sa atin ang baka nga kahit na araw na nang Pasko’y baka isa o dalawang beses lamang kakakin; o, baka pa nga hindi na kakain kahit na araw pa ng Pasko.
Kahit na paulit-ulit na sinasabi ng pamahalaan ni Gloria Arroyo na napakaganda ng ating ekonomiya at malapit na raw na lilipad ito dahil handang-handa nang mag-take-off, ang nararamdaman ng karamihan sa atin ay ang hindi sila nakakasiguro kung saan patungo ang ating bansa at ano ang magiging kinabukasan nila at ng kanilang mga anak.
Gumaganda raw ang piso dahil ito’y lumalakas kontra sa dolyar. Ang hindi nila sinasabi ay ang bumabagsak ang dolyar kontra sa lahat ng uring kuwarta sa mundo, kasama na rin ang ating piso. Ang pagbaba sa mas normal na presiyo ng langis ay kanila ring inaankin kahit alam naman nating lahat na wala sa kapangyarihan ni Gloria o kahit na ng buong bansang Pilipinas na ipagalaw pataas man o pababa ang presiyo ng langis. Kung bumaba man ito o tumaas walang kahit na sino sa Pilipinas ang mayroong magagawa sa bagay na ito.
Sa aking pananaw, hindi magiging maligaya ang Paskong ganito. Sa totoo nga’y parang dapat na pagtiisan na lamang natin ang Pasko ng 2005.
* * *
Hindi dapat na hinuli at kinasuhan ang dating heneral at dating Secretary of National Defense (noong panahon ni Ramos) na si Fortunato Abat at ang kaniyang mga kasamahan sa kanilang mga gawain at pananalita dahil hindi naman nila inudyok ang kahit na sino na mag-alsa at gumamit ng mga sandata laban sa rehimeng Pidal-Arroyo.
Mali rin na sinabi ng mga PNP na ang kanilang ginawa ay isang “citizen’s arrest.” Ang “citizen’s arrest” ay ang paghuli ng isang hindi pulis sa iosang lumabag sa batas. Ngunit, ito’y maaari lamang mangyari kung ang mamamayan (citizen) ay manghuhuli dahil sa walang ibang maaaring manghuli rito. Walang pulis, halimbawa.

Kung ang gagawa ng “citizen’s arrest” ay ang mismong pulis, hindi ito maaaring tawaging “citizen’s arrest.” Maliwanang, hindi ba?
Ang pagtatakahan mo’y kung bakit na parang hindi ito nalalaman ng atin mismong mga pulis!
* * *
Matagal nang naglalaro ng golf ang aking kaibigan na si Pompeyo Navarro, ang “Action Line” kolumnista ng Tumbok. Limampung taon na ang pag-gogolf ni Pompeyo na ngayon ay 74 na ang edad. Kahapon, sa lumang course ng Wack-Wack nagka-hole-in-one na rin si Pompey sa Hole No. 16 na isang par 3. Driver na Mizuno ang gamit niya at isang napakalumang bola. Hindi na nga mabasa ang tatak! Mahirap pong makamit ang hole-in-one at ito’y swerte na lamang kung nakakamit.

Mabuhay ka, Pompeyo. Congratulations.

* * *
Maari kayong mag-email sa duckyparedes@gmail.com
# # # #
hvp (12.19.05)

—–

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*