Skip to content

12.27.05

Abante (12/27/05)
Deretsahan

Si Senador Barbers

ni Horacio Paredes

Nakakalungkot – lalo na sa kaniyang pamilya – ang pagkamatay ni dating Senador Robert Barbers sa araw mismo ng Pasko. Nakikiramay tayo sa kanila.
Nakilala si Robert Barbers bilang isang pulis Maynila. Sumunod siya sa mga yapak ng kaniyang tiyo na si Jimmy Barbers na isa rin sa mga kilalang magagaling na pulis Maynila sa buong bansa.
Magaling rin ang naging paglilingkod ni Bobby Barbers sa bansa bilang director ng NBI, Congressman, Secretary ng DILG at Senador. Ang kaniyang mga anak – Gubernador ng Surigao Robert Lyndon, Congressman Robert Ace at Philippine Tourism Aughtority General Manager Robert Dean — ay magagaling rin ang ginagawang paglilingkod sa bayan.

* * *
“Natunghayan ko po sa Abante na ang mga sasakayan na may model 1998 and below ay binabalak na hindi na maaaring ibiyahe simula sa taong papasok. Sa mga sandaling ito narito po ako sa USA at ang gamit kong sasakyan ay model 1994 at wala akong problemang hindi na magamit ang aking sasakayan. Alam po ninyo, Ginoong Ducky kung talagang paghuhusayan nila ang pamamalakad ng ating gobyerno hindi po ang mga sasakayan ang problema. Ang problema po ay ang mga nag-iinspection ng sasakayan dahil maski na may problema na ang sasakayan ay nakakapasa pa rin sa pag-iinspection nila gawa ng lagay.”– Nick Sanchez
Sa aking pagka-alam, Nick, ang problema ay anf air-con; hindi ang sasakyan. Ang Freon at CFC-12 ay pinagbabawal na sa buong mundo dahil sa ang mga ito ay chlorofluorocarbon na sumisira sa kalikasan. Binubutas ng mga ito ang ozone layer kung kaya dumarami ang ilaw na ultra-violet na nakakalusot sa ozone layer. Ang mga UV rays naman na ito’y nagiging sanhi ng sakit na canser sa maraming tao.
Dahil dito, napagkasundoan ng buong mundo na itigil na ang pag-gawa ng Freon at CFC-12. Sa katunayan, matagal nang natigil ang pag-gawa ng mga gas na ito at iba na ang uri ng gas na ginagamit ng mga bagong kotse. Ang sinasabi pa nga ng LTO’y ganito: Ang kanilang titignan ay ang mga kotseng ginawa mula noong 1998 pataas. Hindi na nila papansinin ang mga modelong 1998 pababa dahil sa tinigil na ang manufacturing ng Freon at CFC-12 sa buong mundo. Kaya, tiyak na hindi tatagal na hindi na gagamit ng aircon ang mga kotse mas matatanda dahil mauubos na ang pampalamig na gamit ng mga ito. Ang susuriin ng LTO ay kung ang modelong 1998 pataas ay gumagamit ng gas na hindi nakakasira sa ozone kagaya ng HFC-134a.
Ang pagdududa kasi ng LTO ay ang marami raw bagong model na kanilang ginagawaan ng “retro-fit” upang maaaring gumamit ng Freon hanggang ngayon kahit paubos na ang Freon at CFC-12 sa buong mundo.

* * *
Maari kayong mag-email sa duckyparedes@gmail.com
# # # #
hvp (12.06.05)

—–

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*