Skip to content

12.29.05

Abante (12/29/05)
Deretsahan

Ang mga Base Militar

ni Horacio Paredes

Napakalungkot naman ang ating kasaysayan sa Pinas!
Noong naririto ang mga bae military ng mga Amerikano, mayroon itong dalang mga benepisyo at mayroon ring dalang mga hindi kanais-nais. Sa aking pagka-alala, ang mga benepisyo ay ang mga taong nakakapagtrabaho sa mga base militar,. Ganoon rtin ang mga magsasaka na nakakapaglako ng kanilang produktong gulay, mais, bigas, itlog, manok at iba pa. Mayroon ring mga negopsiyanteng naghahatid sa mga pangangailangan ng mga base at ng mga pamilyang nakatira doon.
Ang hindi natin malunon ay ang mga abuso ng mga sunadalong Amerikano na hindi kayang parusahan sa ilalim ng ating mga batas at ang kakulangan ng ating sovereignity sa loob ng mga base militar ni Kano.
Dumating ang araw na ating pinatalsik ang mga base military na iyan, Ngunit, saglit lamang ang ating naramdamang kasiyahan. Agad-agad, mayroong mga Pinoy na nag-looting sa mga gamit na iniwan ni Kano. Ito naman ay na kanilang binenta sa mga kapwa Pinoy. Mabuti na lamang na mayroong Richard Gordon ng Olongapo na binantayan at sineguro ang Subic Naval Base at tumungo pa si Gordon sa Maynila upang kumbinsihin ang Pabngulo, Kongreso at Senado na magtayo ng Subic Bay Metropolitan Authority na mamamahala sa iniwang luapin ng mga Kano.
Sa totoo kasi, kahit na matagal na nating pinag-isipan ang pagpapa-alis sa mga Kano, wala naman tayong plano kung ano ang mga susunod na dapat mangyari upang hindi gaanong ma-apektuhan ang ating mga manggagawang mawawalan ng empleyo at ang mga negosyong matitigil sa pag-alis ng Kano!
Natuwa ang lahat na napaalis na ang Kano at atin na ang mga base military. Ginawa iang Subic at Clark na mga lugar kung saan madaling makakapagpatayo ng mga negosyo. Parang maayos na rin ang ating pagpapalayas sa Kano. Mayroon namang empleyo sa mga investor na pumasok sa mga dating base militar at ang mga negosiyante ay tuloy ang kianilang negosyo.
Ngunit, bakit naman na noong hiningi ni Kano na magkaroon tayo ng Visiting Forces Agreement, ay agad tayong pumayag? Ang isang magandang nangyari noong lumayas ang mga sundalong Amerikano ay ang pagkawala ng mga dayuhang sundalong abusado sa Pinoy; ang atin ring sovereignty ay hindi na nasasa-alang-alang. Sa ating pagtanggap ng VFA, ang pinakamasamang parte noong mga base military, ang abusadong sundalong Amerikano at ang kahinaan ng ating sovereignty sa mga kaso laban sa mga ito ay ating binalik sa Pinas. Nawala na nga iyon, bakit binalik pa sa pamamagitan ng VFA?
Bakit sa Thailand ay walang VFA? Doon, kung nagkasala sa batas ng Thailand ang mga sundalong Amerikano, hinuhuli sila ng mga pulis Thailand at sila’y kinukulong sa mga piitan ng Thailand. Bakit dito, ay pumayag tayo na hindi natin silang hulihin at ikulong, na sila’y mananatili sa kamay ng mga kapwa nila Kano?

Bakit pumayag ang ating lideres na ibalik tayo sa panahon na hindi buo ang ating sovereignty kapag ang sundalong Amerikano na ang gumagawa ng kawalanghiyaan sa ating mga Pilipinas at Pilipino?
Bakit ganito ang ating lider?
* * *
Umaasa ako na sana’y maging mas mapayapa at matagumpay ang inyong 2006 kaysa sa inyong 2005; ngunit, ang aking paniniwala’y hindi ito mangayayri sapagkat ang palpak pa rin at pekeng Pangulo ang may hawak sa ating bansa.

* * *
Maari kayong mag-email sa duckyparedes@gmail.com
# # # #

hvp (12.06.05)

—–

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*