Skip to content

12.21.06 Abante

Abante (12.21.06)
Deretsahan

Intrigahan sa Customs

ni Horacio Paredes

Magaling ang trabaho ni Napoleon “Boy” Morales na namumuno ngayon sa ating Bureau of Customs. Ang kaniyang revenue target na P167 bilyon na tinalaga para sa kaniya ng Department of Finance ay tiyak na niyang malalampasan. Tiyak na natutuwa sa kaniya ang Secretary of Finance na si Sec. Margarito Teves.
Ang gumugulo lamang sa maayos na pamamalakad sa Customs ay ang ambisyon ng isang Deputy Customs Commissioner na inaambisyon ang puwesto ni Morales. Sa pamamagitan ng medya at ng kaniyang simbahan (miyembro siya ng malakas sa puilitika na INC) inuuga niya ang puno sa Bureau of Customs.
Noong Nobiyembre 2005, pinagkalat nito na siya na ang itatalagang Commissioner. Ang duda ng ng marami’y baka raw marami na ang “goodwill money“ na natanggap niya noong naniwala ang maraming mga broker at smuggler na totoo ngang siya na ang pipiliin ni Gloria para sa puwesto.
Ang ginagamit naman nila ngayon ay iyong isyu ng “hot meat” na patay nang isyu na ilang beses ng binubuhay na naman sa medya.
Hindi naman kasing galing ni Commissioner Morales ang naglalaway sa kaniyang puwesto. Minsan pa nga, sa isang kumperensiya sa kaniyang opisina, si Gloria mismo’y napansin ang mga paalpakan ng taong gustong maging Customs Commissioner. Sinabon ito ni Presidente. Dahil sa napahiya siya, galit itong sumulat ng isang “irrevocable resignation letter.” Kaya lamang, pagkalipas ng ilang araw ay nagmamakaawang nakiusap ito kay Secretary Mike Defensor at sa kaniyang patron na political liaison ng INC sa Malakanyang na paliusapan si Gloria na huwag tanggapin ang kaniyang “irrevocable resignation.”
Sa awa ng Presidente, hindi naman niya tinanggap. Ngunit nasira na ang pangalan nitong Depiuty Commissioner. Ayon sa mga kasamahan niya sa Customs, “de lastiko” pala ang ibig sabihin sa kaniya ng “irrevocable.”
Marami tayong nadidinig na ito raw Deputy Commissioner ay hawak ang political liaison ng kaniyang simbahan dahil sa marami na siyang nabigay na pabor sa taong ito. Sana naman ay hindi ito totoo dahil sa kay tagal-tagal ko nang nag-oobserba sa pulitika, hindi ko pa naman nababalitaan na ang INC ay nakikialam sa mga appointment at lalong wala akong nadidinig na suholan sa loob mismo ng INC. Ano kaya’t pa-imbistigahan nila ang bagay na ito. Sayang naman kung ang ating kinasusuklamang gawain ng mga kurakot ay nangyayari na rin sa loob ng mga simbahan natin.
* * *
Sa isyu ng “hot meat,” papaano naman nilang masisisi ito kay Commissioner Morales kung ang Asia Golden Ark, ang kumpaniyang nahulihan ng kargamentong bawal ay tinanggap na accredited company sa Customs noon pang 2005 kahit na ito’y wala naman sa kaniyang tinalagang address sa application form. Noong 2005 ay hindi pa Commissioner si Morales. Papaano namang masisisi ito sa taong wala pa naman noon sa kaniyang puwesto?
Kung sisisihin naman natin ang Bureau of Customs dahil sa hindi nito mahuli-huli and “hot meat,” alalahanion na ang namamahala sa enforcement ay ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) na pinamumunuan ni u Deputy Commissioner Celso Templo. Si Templo ang dapat sumagot kung mayroong mga “hot meat” na nakakalusot sa CIIS.
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

# # # #
hvp (12.05.06)

—–

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*