Skip to content

Dalawang Liham

ni Horacio Paredes

Mayroon tayong mga sulat: “Ano ba ang meron itong si Bedol at bakit hindi diya magalaw-galaw ng Comelec. Marahil ay natatakot silang banggain ang may hawak dito kay Bedol o baka naman mayroong instruction silang gawing moro-oro ang lahat, tapos makakalimutan na rin ito ng bayan. Hindi nyo pwedeng galawin si Bedol dahil bata ito ni Garci, at alam naman ng lahat king sino at gaano kakapal este kalakas itong taong ito doon sa itaas.” — Danny Fernanadez, Sr.
Ang huling balita tungkol dito ay ang mayroon nang warrant upang ipa-aresto si Bedol. Hindi pa ba sapat sa iyo iyon?
Sa totoo, parang palaging kulang ang mga ginagawa ng Comelec sa bawat halalan. Ito ay dahil na rin sa kinakailangan rin nilang tuparin ang proseso ng halalan at ng batas.
Halimbawa, hindi naman sa dahil na maraming nagsasabi na hindi nagkaroon ng halalan sa Maguindanao ay dapat nang ibale-wala ng Comelec ang halalan doon. Kinakailangan pa rin nilang alamin kung ano nga ba ang nangyari at, upang malaman nila kung ano ito ay kinakailangang suriin nila ang mga dokumento. Iyan ang prosesong dapat na sundin. Kung para sa atin ay parang masyadong huli na ang mga ginagawa ng Comelec, ganyan talaga ang ating proseso’t batas. Hindi naman maaaring basta mayroong nagsabing may ganito o ganoon na nangyari’y maaari na nilang aksyunan agad ang rekalamo. Dapat muna nilang suriin at alamin kung ano nga ba ang pangyayari.
Pero, ayan, sa wakas, pinapa-aresto na rin si Bedol!
* * *

“Tubong Caviteno po ako. Gusto ko lang po humingi sa inyo ng tulong. Tungkol po ito sa isang bayan namin sa Magallanes, Cavite. Karamihan po kasi sa mga kalye sa Magallanes ay dipa konkreto at dipa sementado.
Hirap po ang mga mag-aaral dito pag-pasukan lalo na ngayong tag-ulan, Isa po dito ang bayan ng Medina brgy. Kay Apas. Napakalyo po kasi nito sa eskwelahan, bayan at palengke. Maari po lamang sana na matulungan nyo kami sa pagkatok sa aming Mayor at Governador na maipakonreto ang aming daan. Ginagawa lang nila dito ay kinakayod. Pag tag-init ay alikabok at pag tag ulan naman ay putik. Sana po ay matulungan nyo kami sa pitak na ito. Lubos po akong nagpapasalamat at umaasa sa inyo.” — Residente ng Cavite
Papaano naman kayo matutulungan ng mga namumuno sa inyo – Alkalde at Gubernador na ayaw man lamang kayong magpakilala at hindi naman pala ninyo kinakausap ang mga nakaupong mga opisyal. Kung mayroon tayong gustong mangyari, dapat na sinasabi natin ang mga ito sa mga namumuno sa ating lugar. Hindi na kailangan pang lumabas pa tayo.
Sa bawat pook ng Pilipinas ay mayroong Local Government Unit (LGU) at mayroong namumuno kung Barangay Chairman man o alkalde. Mayroon ring mga konsehal at mga namumuno sa mga sangay ng gobiyerno nasyonal sa inyong lugar. Napakarami nang maaari nating lapitan sa atin mismong lugar at kung hindi naman sila makikinig sa ating mga hiling, maaari naman tayong bumoto ng ibang mga tao sa pagsapit ng halalan. Kaya kung gusto ninyong mangyari ang dapat na mangyari sa inyong mga lugar, dapat na sabihin ninyo ang inyong kahilingan sa mga namumuno sa inyong lugar. Ganoon lamang ang paraan upang madinig kayo ng mga matataas na tao ng inyong LGU.
Pero, ayan, nabanggit na rin at baka rin mapansin ni Meyor o ni Gubernador!
* * *

Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

# # # #
hvp (06.27.07)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*