Deretsahan
ni Horacio Paredes
Isang sulat galing sa reader na nag-ngangalang Bert Leroy:
“Although may kasabihan na ‘Everybody are entitled for their own Opinion’, ay tama naman yon sa totoo lang, at ang mga mambabasa tulad namin ay open din naman na magbigay pugay, at puna sa mga nalalathala at mga topic sa mga dyaryo at tabloid …sa isunulat mong topic about Mar. Roxas in 2010, ay natural lang naman yon sa tao na ika nga ay kanya kanya tayong manok sa darating na 2010 para sa Presidential Election…sa pakiwari ko lang para sa iyo si Mr. Palengke ang karapatdapat na maging Pangulo nang Pilipinas, sana nga!, para sa akin ay ok din naman magtrabajo si Mr. Palengke kaya sya ang #1 noon sa aking listahan noong 2004 election nang mga senador, kahanga hanga sya at talagang masipag naman talaga kaya nga mahal sya nang mga tindera at tindero sa palengke….sa sinulat mo ay ito ang ika mo:
“‘Ang nagugustuhan ko sa sagot ni Senador Mar Roxas ay hindi niya nakakalimutan kung bakit siya tatakbo bilang pangulo ng bansa natin. Dahil sa gusto niyang mayroong mangyari sa ating pamumuhay na hindi natin nakakamit ngayon.
“’Kahit matagal pa ang halalan sa 2010, ngayon pa lamang, parang nakikita na natin ang pagpanaw ni Gloria at nakakapagpagaan na agad ng pakiramdam.’
“May mga tanong lang po ako sa iyo Mr. Paredes…
“#1 Kung sakaling si Mr. Palengke ang maupong Pangulo sa 2010 sa Malacanang, sa pakiwari mo ba kaya nyang baguhin ang takbo nang Politika sa bansa? yun bang wala nang kontra-kontrahan at mananahimik na ang taong bayan at aayon sa kanyang Plataporma de Gobyerno?, manahimik na kaya ang mga Militanteng grupo gaya nang Bayan Muna, Akbayan, Gabriela, etc. sa pamumuno ni Satur Ocampo, Renato Reyes, Teddy Casino at iba pang mga militanteng grupo? Makontento na kaya ang mga grupong ito at di na kailan man makikita sa mga lansangan para iparating ang kanilang mga kahilingan sa gobyerno? Maibigay kaya ni Mr. Palengke ang kanilang hinaing na matagal nang di naibibigay sa kanila nang mga nagdaang gobyerno sapul pa nung panahon ni pangulong Marcos na ayon sa mga grupong ito?
“#2 Kung sya ang maging Pangulo, dadami kaya ang may trabajo, dadami kaya ang investors na gustong mamuhunan sa bansa by 2010 onwards habang sya ang nakaupong Pangulo?, kung magkaganon, sana nga para naman kung maraming kumpanya at pabrikang maitatayo sa bansa ay dumami ang magkatrabahong Pinoy para maiwasan ang gutom at mabawasan ang mga kababayan nating mahihirap.
“#3 Mawala na kaya ang corruption sa gobyerno, mga problema sa Smugglers, Tax evaders.., at kung di naman maging matagumpay si GMA hanggang matapos ang kanyang term na ma-solve ang problema sa Muslim Mindanao at CCP NPA, maisakatuparan kaya ni Mr. Palengke ang problemang ito?
“#4, Sana nga Mr. Paredes na di lang ikaw ang makaramdam nang kagaanan nang pakiramdam,sana ang buong bansa ang makaramdam non, just in case nga na magkatotoong lahat ang mga pakiramdam na ito para kay Mr. Palengke ang masasabi ko lang ay hulog sya nang langit kapag nagkatotoong lahat na mapapaginhawa nya ang buhay nang mga Filipino….ika nga the real President of the Philippines is born!”
“Nawa! Lord kayo na po ang bahala!”
Sa palagay ko naman, Bert, nalalaman mo na ang sagot sa katanungan mo. Papaano kasi makakaya ng isang Pangulo ang mga problema natin kung ang sinimulan ng karamihan sa ating mga problema ay nagmula sa kaniyang pagkuha ng kapangyarihan sa tunay na Pangulo hangang sa lahat ng ating mga problemang na galing na rin sa kaniyang mga kaibigan at kamag-anakan at sa halalan kung saan siya nag-wagi sa maruming paraan.
Ano ba ang kailangan upang bumuti ang ating bansa. Sa palagay ko’t dapat magsimula ang pagbabago sa namumuno, Kung malinis sa taas, lilinis sa baba. Kung tuwid ang nasa taas, tutuwid rin ang nasa baba. Kung maayos sa taas, maaari niyang iayos ang nasa baba.
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com
# # # #
hvp (08.20.07)

Post a Comment