Deretsahan
ni Horacio Paredes
Mahal ko ang ating mga sundalo at naintindihan ko ang ag-iisip ng kanilang mga kasamahan na naglagay ng ganitong karatula noong ililibing nila ang ilang mga sundalong namatay sa pakikipaglaban sa Abu Sayyaf:
“It’s the soldier – not the reporter – who has given us the freedom of the press. It’s the soldier – not the poet – who has given us the freedom of speech. It’s is the Soldier – not the politicians – who ensures that we live freely and peacefully. It’s the soldier who salutes the flag, who serves beneath the flag, and whose coffin is eventually draped by the flag. ”
Kahit na nakikiramay ako sa ating mga sundalo, sa totoo lamang wala naman tayong dapat pasalamatan sa mga karapatan na Freedom of speech, freedom of speech at sa kapayapaan na ating nararansan. Hindi ako nagkukulang sa pagtanaw sa ating kaundalohan ngunit papaano naman matin ibibigay sa kanila ang pasasalamat sa mga bagay na ganito na atin namang karapatan dahil lamang sa tayo’y mga mamamayan ng mundong ito?
Wala tayong dapat paslamatan sa mga kpangyarihang ito. Kahit na walang kumuha ng mga karapatang ito ay mayroon pa rin tayong karapatan na makamit ang mga karapatang ito.
* * *
Nakikita natin na si dating Pangulong Josephg Estrada’y tuluyan pa ring nakikiramay sa ating ma sundalong namamatay s giyera sa Mindanao at iba pang mga lugar. Sa katotohanan. mnopong sinimulan ni Erap ang kaniyang pundasyon para sa ating mga kawal noong Pangulo pa siya, talagang ditto na ptaungo ang kaniyang pndason,
Hindi naman natin maaakusahan si Erap na ito’y ngnanakaw ng eksena sa kasalukuyang pamahalaan dahil kung hindi niya naman bagaain ang pagbigay ng benepisyo sa mga pamilya ng maga sundalong nasasawi sa labanan ay maarin siyang bintangan ng pagk=ukulang sa pag-aasikaso ng ating mga kawal. Mayroon na kasing malaking kwarta na noon pang pagiging pamngulo ni Erap ay nakalaan na sa ating mga sundalo.
Huwag sanang bigyan ito ng kulay pulitika dahil sa totoo lamang, dapat lamang na magkaroon ang ating mgsa kawal ng mga kaibigan kagaya ni Erap na tutulong sa kanila sa hirap at ginhawa.
* * *
Dapat bang maglingkod si Sonny Trillanes biang Senador o dapat bang mas bigyan ng imprtansiya ang kaniyang mga kaso kung saan siya’y nakakulong dahil sa kagustohan ni Heneral Esperon? Sa aking pananaw, mas dapat umilar ang kagustohan ng milyones na Pinoy kaysa ang kagustohan ng isang heneral ngunit sino ba naman akong dapat na sundin ng lipunan?
Ano ang pananw niyo?
* * *
Sa totoo lamang nagpakita ng lakas ang karamihan sa mga reader noong kanilang sapiitang pina-resign si Malu Fernandez na sumulat ng hindi maganda tungkol sa mga OFW natin sa Dubai. Tama lamang ito. Dapat na naririnig kayo ng ating lipunan. Mag-ingay pa kayo!
* * *
Sa ARMM, parang sinisisi pa nila ang GSIS kung bakit hindi nakakahiram ang mga teacher sa GSIS. Ngunit, sa totoo lamang, hindi naman kasi nag-reremit ang ARMM ng maga byad ng teachers so kanilang mga utang at halos wala ring remmitance anf mga ito sa kanilang mga prmium. Kuing ikaw naman ang GSIS, hindi kaya talagang hindi mo pag-bibigyan ang mga ito sa kanilang mga utang at sa kakulangan sa kanilang mga kontribusyon?
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com
# # # #
hvp (08.27.07)

Post a Comment