Skip to content

Walang Mangyayari

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Kung mayroong umaasa na magkakaroon ng pagbabago sa pamamagitan ng mga ginagawang mga kagulohan sa Senado’t sa kongreso, sa aking palagay ay malaki ang pagkakamali ng mga ito.
Ano ang ating aasahan? Impeachment? Gaya nang matagal na nating nalalaman, ang kinakailangan upang mangyari ito’y ang mayroong 80 na kongresista na sasama sa pinanunukalang impeachment. Habang kulang pa ang mga kaampi rito, walang mangayayari. Kaya, kung ito ang inaasahan, magbilang muna sila upang malalaman kung makakaya ba? Sa aking nakikita, wala itong pag-asa. Ang dapat na mangyari’y ang magkawatak-watak sina JDV at GMA. Papaanong mangyayari ito kung si Noli de Castro (na hindi nila tauhan) ang makikinabang sa impeachment?
Maari kayang mayroong mangyari sa hinihinging pagbibitaw ni GMA na galing sa mga obispo’t iba pa? Sa aking ananaw, kung hindi natin makukumbinse ang Korte Suprema na ideklara na (kagaya ng kanilang naging hatol kay Erap) si GMA ay bale nag-resign na rin (sa pamamagitan ng isang “constructive resignation”) walang mangyayari sa bagay na ito. Bakit naman magbibitiw si GMA? Tanga ba siya na aatrasan niya ang mga taong hindi naman kasing galing niya sa larangan ng pulitika ar sa mga maaaring gawain upang makaiwas sa pagbibitiw kahit napakarami na ang humihiling nito? Mayroon ba silang hawak na miitar?
Mayroon ring nagsasabing baka raw matanggal si GMA sa pamamagitan ng isang military junta. Maaari sana kung hindi mahigpit ang hawak ni GMA sa kaniyang mga heneral. Kahit ano pa ang sabihin ng kahit na sino pa, ang militar ngayon ay mas hawak ng Malakanyang kahit na ikumpara natin noong panahon ni Marcos. Maaring sa ibaba ay marami ang kakalaban kay GMA; ngunit, sa mga namumuno sa militar, wala nang gagalaw pa riyan pwera lamang kung nakasisiguro na sila na buo ang militar sa kagustohang pagtanggal kay GMA at kasama nila ang karamihan sa mamamayan. Walang pwersa sa loob ng militar ang magbabakasakali. Nakita na rin kasi nila na walang kapatawaran sa mga sundalong kumakalaban sa patakaran ng pamahalaan.
Sa aking pananaw, walang maaaring mangyayari upang mawala si GMA bago matapos ang kaniyang termino sa 2010. Kung iyan ay kayang tanggapin ng lahat, baka sakaling magkaroon tayo ng magndang pamumuhay sa loob ng ilang taong nananatili. Kung ang kagustohan naman ng marami’y ang panatliin ang gulo, e, di kagulohan ang mangyayari sa ating lahat.
Ngunit, walang pagbabago tayong maskikita; at halos walang magandang maaring mangyayari sa ating bansa.
Alalahanin natin na sa lahat na pinanunukala ng mga pulitiko – kasama na rin ang mga Obispo at mga NGO – hindi ang kabutihan ng bansa o ng lipunan ang umiiral sa kanilang mga pagiisip kundi ang sarili nilang agenda. Mayroon silang gustong mangyari na pabor sa kanilang layunin o kagustohan.
Pag-isipan nating mabuti bago natin ipagsapalaran na naman ang ating bansa sa pagnanais ng kapangyarihan ng iilan sa ating mga pulitiko na hindi naman makakabuti sa kabuhayan ng nakakarami sa ating mga Pilipino.
* * *
Ilan sa atin ang pinatay dahil sa halalan ng mga batangay at SK? Kung ganito ang binubuwis natin sa bawat halalan ng mga puwestong hindi naman nakakatulong sa ating mga barangay at sa ating mga mamamayan, hindi ba’t mas mabuti nang wala na lamang halalan para sa mga puwestong barangay at SK? Bait hindi na lamang na ang mga taga-barangay ay gagawa ng listahan ng limang taong tanggap nila na maging Chairman kung saan pipili ang alkalde ng isang mamumuno? At, siya naman ang pipili ng kaniyang mga kagawad galing sa mga purok ng kaniyang barangay. Tapos, kung mayroong mga abuso ang mga ito, maaari silang palitan ng alkalde. Baka kapag ganito – walang halalan – mas kakaunti ang mamatay na Pinoy dahil lamang sa pulitika.
* * *
Kung mayroon kayong hinahanap na kolum, tumungo lamang sa www.duckyparedes.com/blogs. Maari kayong mag-email sa duckyparedes@yahoo.com

# # # #
hvp (11.05.07)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*