Deretsahan
ni Horacio Paredes
Ang kapwa kong miyembro ng Rotary Club ng Pasig na si Alex Lacson, isang abugadong galing rin sa pamilyang marlita ay sumulat ng isang libro na kanyang pinamagatang “12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our Country.”
Dahil sa marami sa atin ay nag-iisip sa bawat simula ng bagong taon kung ano ang maaaring gagawaing pagbabago sa kanilang pamumuhay o kaya’y sa kanilang pag-uunagyan sa kapwa, aking iniririkomenda sa inyong lahat itong “Labindalawang Maliliit na Bagay na Maaring Gawain ng Bawat Pilipino Upang Matulungan ang Inang Bayan” ni Alex:
1. Sumunod sa batas trapiko. Sumunod sa Batas.
2. Kapag may binili o binayarang kahit na anumang bagay, palaging humingi ng resibo.
3. Huwag bibili ng mga inismuggle na bagay. Bumili ng gawa nating mga Pilipino.
4. Kapag nakikipagkwentuhan, lalo na sa mga dayuhan, maging positibo tungkol sa mamayang Pilipino at sa bansa.
5. Bigyang galang ang nagpapatupad ng batas trapiko, ang mga pulis at mga sundalo,
6. Huwag magtapon o magkalat. Ilagay ang basura sa dapat paglagyan, Paghiwalayin ang ibat-ibang uri ng basura. Gamiting muli ang maaari pang gamitin at mag-recycle.
7. Suportahan ang inyong Simbahan,
8. Sa panahon ng halalan, tuparin ang tungkulin bilang mamamayan.
9. Bayaran ng tamang sahod ang iyong mga manggagawa.
10. Bayaran ang tamang buwis,
11. Kung makakaya, tulungan ang isang batang maralita na makapagaral
12. Maging mabuting magulang. Turuan ang mga anak na sumunod sa batas at mahalin ang Inang Bayan.
Sa aking pananaw, kung tayong lahat ay tatanggapin and 12 maliliit na bagay na naisipan ni Alex ay baka maging napakaganda ng ating bansa. Ngunit, kinakailangang lahat tayo, kahit na ang mga matataas at mayayamang tao, ay magkaisa sa pagpapatupad sa mga ito.a Ang isa kasi nating problema’y marami sa mga pinuno ng ating pamahalaan ang mismong hindi sumusunod sa batas at sila na rin ang wlang respeto sa ating trapik, pulis at sundalo. Sa kanila kasing pananaw, ang mga batas ay para lamang sa mga walang kapangyarihan. Sila na nasa puwesto ay maaaring lumabag ng kahit na anumang batas at walang manghuhuli sa kanila.
Sa mga bansang nagunguna sa mundo, ang isa nating mapapansin ay ang kanilang takot sa kanilang mga batas. Sa Amerika, halimbawa, kahit na senador ay hinuhuli ng pulis kapag ito’y nakalabag ng kanilang batas, kahit na gaano pa ito kaliit na pagkakamali. Kahit nga ang mga anak ni President Georage Bush ay hinuli noong uminom ang mga ito kahit na menor de edad pa sila!
Sa atin, parang hindi ito maaring mangyari hanggang hindi nagbabago ang pag-iisip ng ating mga pinuno at pati na rin ang pag-iisip ng ating mga pulis traffic enforcer at sundalo.
Kadalasan nga, kapag ang lumalabag sa batas ay naka-Chedeng ay takot na ang pulis na pakialaman ito kahit na halatang mayroong nilalabag na batas o ordinansa. Natatakot sila na baka kung kanilang pakialaman ay sila pa ang maparushan ng pagkatanggal sa kanilang puwesto.
# # # #
hvp (12.31.07)

Post a Comment