Deretsahan
ni Horacio Paredes
Napakarami na ang mga nag-piprisinta sa pagiging Pangulo natin sa 2010; ngunit, hindi gaanong mahalaga kung sino ang mga nagpiprisintang mga iyan. Ang dapat nating hanapin ay kung anong klaseng tao ang ating kinakailangan na maging Pangulo ng ating bansa.
Mareami sa mga presidentiable ay nakikita na nating wala namang babguhin sa kaslukuyang pamamahala. Ang kanila lamang ginugusto ay ang sila naman ang mamumuno ngunit kung ano ang kanilang gagawain bilang Pangulo, sa aking pananaw, ganoon rin at walang pagbabago. Mapapalitan lamang ang ulo ngunit ahas pa rin ang dating ng kanilang magiging pamumuno.
Ang pangagailangan ng Pinas ay ang maituwid ang bansang ito. Sa ngayon, ang namamahala pa nga ang nagiging hadlang sa pagbuti ng takbo ng bansa. Kung baga sa kalye, dapat na liisin ito at ituwid, tanggalin ang mga sagabal upang tuloy-tuoy ang ating pagrtungo sa maayos na kinabukasan.
Sino sa kanila ang mayroong pananaw na ganito? Sino sa kanila ang babaguhin ang pag-iisip at pananaw ng Pinoy upang tayo’y maaaring humarap sa mundo upang ipakita ang ating galing bilang mga mamamayang Pilipino?
Isa-isahin ninyo ang mga deklaradong kandidato. Hindi ba’t sarili lamang ang iniiisp ng halos na lahat. Gusto maging Pangulo, ngunit kapag pangulo na, ano naman ang gagawain? Hindi kaya babawiin lamang ng isang daang beses ang nagastos sa pangnagmpanya at sa halalan, at, pagkatapos ay ganito pa rin tayong lahat?
Sa aking pananaw, mayroong isa na kung ito ang magiging Pangulo natin ay tiyak na magbabago ang ating kinabukasan.
Noong siya’y alkalde, sa simula ay marami sa mga residente ang hindi natutuwa sa kaniyang ginagawa. Naglilinis ng bangketa, inaayos ang mga bakod kahit na ng mga pribadong bahay. Kung sumobra ang bahay mo sa guhit ng iyong lupain, tinatapyas ito. Istrikto siya sa trapik at sa pagpapatupad ng mga batas at ordinansa.
Ngunit, pagkalipas ng ilang taon – tatlong beses siyang nanalo sa pagka-alkalde – ang mga taga-Marikina na noon ay nahihiya at halos hindi mabanggit na sila’y taga-Marikina’y tuwang-tuwa na dahil na sinuwerte sila na si Bayani Fernando ang naging alkalde nila.
Ang nagawa ni Bayani para sa Marikina’y hindi lamang sa na-semento niya ang lahat ng kalsada kundi binago rin niya ang pananw at pag-iisip ng mga taga-Marikina.
Ngayong chairman siya ng MMDA, hindi nga ba’t nababago na rin ang ating pag-iisip bilang mga taga-Metro Manila. Sinimulan niya ang mga u-turn na noong una’y tinututulan ng halos na lahat sa atin; ngunit ngayon na tinatanggap na natin. Nakikita kasi natin na umobra naman ang ideyaing ito at nakapabuti rin ng daloy ng trapik.
Maaring itanong kung iyon bang ganoon lamang ay dapat nang gantimpalaan ng pagiging Pangulo? Ang tanong ko naman sa inyo ay kung ano naman kaya ang maaaring pagbabago ang maibibigay ng ibang mga kandidato. Hindi kaya na pulitika’t pulitika lamang ang ipapakain sa atin nga mga iyan?
Ang kinakailangan nating Pangulo ay isang taong magtatrabaho upang baguhin ang ating bansa at ang maling pag-iisip ng mamamayan. Ayaw ba atin ng isang bansang maayos ang ating mga lansangan, malilinis ang mga ilog at sariwa ang hangin. Ang mga ito’y kayang-kayang ipatupad ng isang taong nakatutok sa trabaho at hindi pamumulitika ang inaatupag.
Ayaw ba natin ng bansa kung saan maaari tayong makadating sa pinaroroonan ng walang gaanong sagabal? Ayaw ba natin ng bansa kung saan ang lahat ay sumusunod sa batas?
Ang pinakamahalagang maaring mangyari kung isang kagaya ni Bayani ang gagawin nating Pangulo ay ang mababago niya ang pananaw at pag-iisip nating mga Pilipino kagaya ng kaniyang nagawang pagbabago ng isipan at pananaw ng mga taga-Marikina.
# # # #
hvp (01.09.07)

Post a Comment