Deretsahan
ni Horacio Paredes
Mayroong katanungan si Edwin na nasa Riyadh, Saudi Arabia sa ngayon: “Bakit po dumarami ang mga bakla sa ating mga kalalakihan at parang walang ginagawa ang ating gobyerno o ang ating mga taga-simbahan para kontrolin at ituwid ang mga ganitong kamalain, bagkus ito ay tanggap na tanggap na nang ating lipunan at ang iba ay hinahangaan pa nga ng ating mga kababayan.
‘Sila po ay ating napapanood araw-araw sa ating mga telebisyon, sa pelikula, at mga babasahin. Ang hindi po alam ng marami dyan sa atin ay kami po dito sa gitnang silangan ang lubhang naaapektuhan at naaargabyado at madalas na humahantong sa mainit na pagtatalo at pag aaway.
“Kung atin pong matatandaan kamakailan lamang ay meron po tayong kababayan na nahatulan ng kamatayan dahil sa pagkakapatay nya sa isang Pakistani driver na gustong mang molestiya sa kanya sa loob ng taksing kanyang sinasakyan. Kasi nga po ang tingin at pagkakaalam ng mga ibang lahi gaya ng Pakistani, Palestino, Indiano, Bangladesh at higit sa lahat ang mga Saudi national ang mga Pinoy ay bakla!
“Dito nga po sa Riyadh ay napakarami na pong mga kababayan nating Pinoy ang bumigay na o na-bading na. Ang iba ay hindi na umuwi sa kanilang pamilya sa Pinas.
“Meron bang dapat sisihin sa paglobo ng lumalang sakit na ito ng ating lipunan?
“May ginagawa ba ang ating mga magulang para ituwid ito at ipaliwanag sa kanilang mga anak ang ganitong mga bagay at usapin tungkol sa kasarian.
“May ginagawa ba ang ating mga taga-simbahan o mga religious group tungkol ditto?
“May pakialam ba ang mga TV networks at mga programa nila sa ganitong usapin o ang gusto lamang nila ay kumita at intindihin ang kanilang popularidad at ratings?
“Alam ba ito ng ating pamahalaan o masyado silang busy sa kanilang pagpapayaman?
“Paano natin magagamot ang lumalalang sakit na ito”
Ayaw ko sanang gamitin ang sulat na ito dahil sa nalalaman kong maraming masasaktan sa mga katanungan ni Edwin ng Riyadh. Sa personal, wala naman akong galit sa mga Bading. Tinatanggap ko ang paliwanag ng marami sa kanila na hindi naman nila pinili ang kanilang anyo – na napanganak na silang ganyan.
Ang maaari nating punain, sa palagay ko, ay kung bakit parang hindi napapansin ng mga nagpapalakad ng ating mga istasyon ng TV, radyo at mga movies na halos kinakailangang dumaan sa kamay ng mga bading ang mga batang nagsisimula ng kanilang buhay sa showbiz, na parang wala kang kinabukasan kung hindi ka hawak ng isang bakla.
Sa palagay ko’y mayroong tungkulin ang mga may-ari ng mga mediang iyan na ang kanilang sinusunod at pinaiiral ay ang mga traditional values at high moral values sa lahat ng oras.
Sa totoo, ang influwensa ng mga Bading sa showbiz ay ang nagpapababa ng ating mga standard sa larangan ng pelikula at iba pang sining na ginagamit upang ipakita sa lahat ng Pinoy ang ating kultura at moralidad.
Maraming kahanga-hangang bading. Sa totoo nga, sa isang pamilyang mayroong tatlong lalaking macho at isang bading, mas pinakikinabangan nila si bading kesa sa mga kuay niyang wala nang ginagwa kundi makipag-away, manggulo at uminom.
# # # #
hvp (01.14.07)

One Comment
Dear Mr. Paredes,
This write up of yours was forwarded to me by a friend here in Saudi. I thought of ignoring it as I think the guy who e-mailed to you, what his name, EDWIN, is ignorant and stupid as he do not know what he is taking about. First, being homo, gay, bading, bakla is not a disease…baka siya nga ang maysakit, sakit sa utak. All he needs to do is open his eyes and if he is still in his right mind, open his mind, and he will know the answer to what his questions are about being gay. Baka naman meron lang siyang hindi isang magandang karanasan sa kabadingan eh dinadamay na niya lahat ang buong mundo. Hindi ba niya alam na kung isinulat niya sa ingles ang mga sinasabi nya at nabasa ng buong mundo, malamang tinatadtad na siya ng pinong-pino through e-mail. At kung lalaki siya talaga, tunay na lalaki, dapat binigay niya ang tunay niyang pangalan para humarap sa milyong-milyon TAO na nasaktan sa ginawa niya. Underlined, bold ung word na TAO dahil para malaman ni Edwin na kahit bading tao yun na may kaluluwa, puso at damdamin.
Just remember, na marami din sa mga nago occupy ng magandang position sa office dito sa KSA ay mga bading and they are respected so I think Edwin should generalize the whole flock. O baka nmn kagaya na sha ng mga nationalities na sinabi niya na karamihan ay mga bobo at nasa labour force lang na hindi marunong umintindi at kalahati ang lang utak. An let me remind Edwin, na mismo sa simbahan ay may mga bading din, pari man o naninilbihan sa paroko, and they are all respected too.
Kaya maraming gulo ang nangyayari sa mundo because of the insensitiveness of some people who just care about their own feelings and own judgment without thinking the feelings of others.
And to you Mr. Paredes, alam ko na pag nabasa ito nila Douglas Quijano, Alfie Lorenzo, Robert Sucaldito, Ogie Diaz at kung sinu sinopang bading na humahawak ng mga artistang bata man o nasa edad na, I’m sure they would react to this,you, a respectable member of the press saying “ang impluwensya ng mga bading sa showbiz ay ang nagpapababa ng ating mga standard sa larangan ng pelikula at iba pang sining na ginagamit upang ipakita sa lahat ng Pinoy ang ating kultura at moralidad”
Cris Peralta
Saudi Voest Alpine (SVA)
P. O. Box 11406
Jubail 31961
Kingdom of Saudi Arabia
Mobile No. (+966) 0561562035
“Dare to Dream, It’s Free”
Post a Comment