Skip to content

Tapos na si JDV?

Deretsahan

ni Horacio Paredes 

Ano kaya? Talaga kayang mawawala na si Speaker Joe de Venecia bilang Speaker ng ating House of Representatives? O baka namang mananatiuli pa rin si JDV bilang pinuno ng ating Kongreso

Ika-limang termino na rin ni JDV sa pagiging Speaker ng ating Kongreso. Mayroon ba siyang nagawang maganda para sa ating bansa?

Halimbawa, noong si Manny Villar ang Speaker, nang kaniyang nakita na dapat nang mapalitan si Joseph Estrada bilang Pangulo, hindi naman inisip ni Villar kung siya ba’y dapat na sumuporta sa impeachment o dapat bang pangalagaan niya ang kaniyang puwesto kung kaya hindi siya dapat na sumuporta sa isang impeachment complaint? Naiiba rito si Speaker JDV. Imbes na kaniyang pag-isispan kung ano ba ang nararapat na mahgyari ang una niyang inisip ay ang sarili – kung ano ang mangyayari sa kaniya kung kaniyang suportahan ang impeachment laban kay Gloria Arroyo.

Dapat rin na magkaroon sana ng disiplina ang mga mambabatas natin, na sila’y papasok sa oras ng pagpasok at gagawain ang kailang trabahong pag-gawa ng batas. Sa ilalim kasi ni Joe de V bilang Speaker, kadalasan na walang tao sa Kongreso natin – walang quorum bawa’t araw.

Baka dahil dito’y kung bakit nawalan ng tiwala ang ibang kongresista sa kaniyang liderato.

Sa totoo, magaling rin naman si JDV lalo na sa kaniyang mga sinulong na panukala kung papaano makakatulong ang mga mas yayamang bansa sa mga bansang nag-hihirap gaya ng Pinas.

Ang nakikita ko ngang hindi maganda sa pagpalit kay JDV ay ang Malakanyang ang gumagawa nito at hindi naman ang mga kongresista ang talagang tumutulak nito. Bakit naman kasing pinakikialaman pa rin rito ng Malakanyang na hindi na dapat nilang pinakikialaman.

Kaya lamang ginusto ng Malakanyang na palitan si JDV ay dahil sa kaniyang anak na si Joey de Venecia na kung anu-anong kabalastugan ang mga binunyag niya sa Blue Ribbon Committee ng Senado.

Noong isang taga-Kampi, ang mismong partido ni Gloria Arroyo, na si Kongresista Garcia ng Cebu ang tumulak ng isyu na dapat nang mapalitan ang Speaker, walang naging aksyon ang Malakanyang; ngunit, ngayong bumanat na si Joey, mukhang sa Malakanyang na rin nangggagling ang pagtulak ng pagpalit sa Speaker.

* * *

Ang papalit namang Speaker – si Prospero Nograles ng Davao — ay isang abugado namang may galing rin. Mukhang mas magiging maganda ang samahan nilang mga kongresista kung si Nograles na ang uupo dahil sa mas malapit siya sa halos lahat na kongresista kaysa kay JDV.

Isang bar topnotcher si Nograles na makailan nang tumakbo ng pagka-Alkalde sa Davao City na hindi naman sinuwerte sa kaniyang kandidatura bilang alkalde.

Baka namang mas maganda ang mangyayari sa ating kongreso kung mapalitan ang ating Speaker.

# # # #

hvp (02.04.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*