Deretsahan
ni Horacio Paredes
Sa totoo lamang, kahit na totoo naman na may tapang si Jun Lozada sa kaniyang mga binunyag sa kaniyang nalalaman tungkol sa National Broadband Network ng ZTE ng Tsina, hindi ako gaanong humahanga sa kaniya.
Sa kaniyang pananaw kasi – ayon sa kaniyang mga sinabi sa Senado – sa mga kontratang kasing laki ng NBN, okey lamang kung ang suhol ay hindi lalampas sa $60 milyon; ngunit, kung ito’y lumampas na sa $60 milyon, ito raw ay hindi na “morally right.”
Ang taong ito ay pinupuri ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang ginawang public statement:
“The public confession may be considered a providential event that may yet save our country from being hostage to scandalous and shady government deals that offend the common good and serve only personal, family and group interests.”
“It was courageous to come out in the open to ‘publicly confess’ the high level of graft and corruption that they knew all along and ‘somehow’ have been involved in. But it was also damaging to their political career as well as to significant others who are in high governance. Truth hurts. Truth liberates. But the truth must be served. The truth will set our country free.”
Ganoon pala ang ating moralidad na tanggap na tanggap ng ating mga Obispo — na dapat sana’y sila ang nagbabantay sa ating moral values sa ating bansa – kung sobrang malaki ang halaga ng suhol, ito ay hindi na “morally right,” ngunit kung mas maliit ang halaga’y “morally right” na rin! Ganoon pala iyon?
Susmariosep! Kung ganito nga pati na ang mga inaasahan natin na sila ang nagbabantay sa ating pag-iisip tungkol sa ating moralidad, kaya naman pala ganito ang kalagayan ng ating bansa.
* * *
Ang isang matagal na dapat nating ginagawang batas ay ang isang batas na maaaring magbigay ng diborsyo sa mga mag-asawang hindi na nagkakasundo. Hindi ito magawa dahil sa hindi pumapayag ang Simbahang Katoliko dahil sa bawal raw ito sa kanilang relihiyon.
Ngunit, alam ba ninyo na dumarami ang mga kasong annulment kung saan dinidisisyunan ng hukom na pinapawalang bisa ang kasal ng mag-asawa. Sa loob ng pitong taon, lumaki na ang mga kasong annulment ng 58 poersiyento!
Ayon sa Office of the Solicitor General, noong 2001, nasa 4,520 lamang ang mga kaso; 2002 – 5,250; 2003 – 6,848; 2004 – 6,335; 2005 – 5,773; 2006 – 7.138 at 2007 – 7,753.
Alam ba ninyo na kung mayroon sana tayong batas sa diborsiyo ay maaaring humingi ng sustento ang isang babaeng naglingkod ng napakatagal sa kanyang asawa at ang mga anak nila ay maaaring nakakasiguro sa kanilang sustento at pag-aaral? Para sa akin, mas maganda at mas protektado ang mga mag-asawa kung mayroon tayong diborsiyo kaysa naman kung ang nagiging hatol ng korte ay an parang walang nagyaring kasalan (sa ilaim ng kasong annulment). Kung walang kasal, di bale anak sa labas nag mga anak at ang babae’y hindi naman pala naging asawa sa kataggalan ng kanilang pagsasama!
Hindi kaya mas moral ang diborsyo kaysa sa annulment?
# # # #
hvp (02.11.08)

2 Comments
ISA SYANG DAKILANG-SINUNGALING! KAPAG LUMAMPAS SYA SA LANGIT, natural! ihuhulog din siya sa impyerno!!! gets nyo?!
Lozada NEVER categorically repented the sins of his sins. Although he SOMEWHAT ADMITTED THOSE SINS when confronted by Senator Santiago(”Hindi na man kasing laki ng 1 hundred 35 million dollars yon, ma’am,” he told Miriam). He has not been heard to state what an be considered as the slightest of a CONTRITION. He is therefore an UNCONTRITE SINNER, and under ROMAN CATHOLIC dogma, cannot be absolved of his sins. Repentance IS A PREREQUISITE TO THE GRANT OF ABSOLUTION, as any bishop, priest, brother, nun, lay leader or what have you, knows. Catholic leaders who hail him as hero and some kind of martyr are best advised to take a pause.
Post a Comment