Skip to content

Isang PO2 ng Pasay

Deretsahan 

ni Horacio Paredes

 

Bakit kaya na sa Lungsod ng Pasay ay mayroong isang pulis na kahit na PO2 pa lamang ay kaya niyang diktahan ang mga pulis na mas nakakatataas ang ranggo sa kaniya? Anong gayuma o katangian ang mayroon si PO2 Bernardo Miranda na kahit na ang Hepe ng Pasay City PNP na si Police Senior Superintendent Marieto Vaterio ay nangangatog ang tuhod kapag si PO2 Miranda na ang kaharap?

Bakit ganito na lamang ang lakas ng PO2 na ito. Ayon sa ilang Pulis-Pasay, si PO2 Miranda aytalagang taga-Pasay at mukhang lubos-lubusang pinagkakatiwalaan ni Mayor Peeweee Trinidad. Kahit na ganoon na nga ang sitwasyon, mukhang hindi pa rin maganda na ang isang PO2 lamang ay nagkakaroon ng napaka;aking impluweensa sa ka[pulisan ng Pasay. Ayon sa mga pulis Pasay, walang maaaring ma-promote kung hindi niya binabasbasan. At ang hepe naman nila’y walang magawang maaaring makatulong sa mga tauhan niyang napapaginitan ng PO2 na ito.

Kung titihnan pa nga raw ang assignment ng PO2, ito ay dapat na nasa Region 4 simula pa noong 2007 kahit na hindi naman ito umaalis sa Pasay. Ayon sa mga ibang pulis, ginawa ito dahil sa napaasikip na ng Metro Manila; mahitrap na ma-promote dito dahl sa napakarami ang magagaling na pulis. Nunit sa mga Region raw ay medyo maluwang-luwang at mas madaling maghanp ng promotion sa mga region. Dahil diro kung kaya nilipat (sa papel lamang at hindi sa tunay) si PO2Miranda. Ang layunin ay ang mag-papapromote ito sa pagiging Superintendent. Kapag makamit niya ang mas mataas na ranggo, baka naman pati na ang Crame ay sasakupin na niya.

Malungkot ang ganitong nangyayari sa Pasay. Hindi sana dapat na ganoon. Ang mas magandang sistema ay ang nirerespeto ng mamamayana ang kapulisan dahil sa nirerespeto rin nila ang kanilang mga sarile at ang kanilang pagiging pulis. Sa sitwasyon kung saan ang mas mababa ang ranggo ay mas may dating kaysa hepe hepe mismo ng lungsod, walang maaaring magandang mangyayari sa kapulisan ng lungsod na ganito.

* * *

Sa aking pananaw, sobra nang tumatagal ang mga hearing sa ZTE-NBN. Bakit hindi nila munang alamin kung mayroon nga bang overprice sa ginawang mga plano ng ZTE na inaprubahan ng gobiyerno. Wala namang kahit na anong lumalabas na maaring mapatunayan. Ang usapan lamang ay tungkol sa mga paniniwala ng mga taong wala namang pinapakitang mga pruweba.

Sa katunayan, mula sa simula, ako’y tutol na sa NBN na ito dahil sa hindi ko nakikitang mayroong magandang maidudulot ang proyektong ito sa bansa natin. Ngunit, bakit hindi natin putulin ang mga hearing ng Senado at alamin muna kung mayroon nga bang naging overprice. Dahil kung wala palang overprice, ano ang sinusuri nila sa Senado? At, kung mayroon namang overprice, malaking bagay na itong nadiskubri natin at wala nang atrasan sa bagay na ito. Maaari na nating gawain ang nararapat na mangyari.

# # # #

hvp (02.18.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*