Deretsahan
Matakot Na Tayo sa ‘People Power’
ni Horacio Paredes
Ano? People Power na naman? Hindi pa ba tayo natututo na ang ganitong paraan ng pagpalit ng ating mga pinuno ay hindi nanggagaling sa Diyos kundi sa ibang, mas masamang puwersa? Kung ito’y gawaing maka-Diyos. Bakit lalong sumasama ang nangyayari sa atin sa pag-gamit natin ng paraang ito. ‘Ika nga ng Presidente ng CBCP, ang samahan ng mga Katolikong Obispo ng bansa na tayon’y tumalong galing sa mainit na kawa para lamang makalipat sa mas mainit pang kawa. From one frying pan to another frying pan.
Noong Edsa Dos, hindi na ang tao ang gumusto sa ginawang “People Power” kundi ilang elitista na gustong makaptan ang kapangyarihan at abusohin ito. Nagpagamit tayo at hanggang ngayon naman ay marami pa rin ang naniniwalang tama ang kanilang ginawa noong palitan nila si Erap ng kasalukuyang Panguo na si Gloria Arroyo.
Tama naman ang nagsasabing mayroon tayong karapatang tanggalin ang namumuno sa atin kung ito’y masma ang ginagawa; ngunit, hindi ba’t mas maayos na hindi natin inaapura ang pagpili ng pinuno ng bayan at, imbes, ay pagisipang maalaim bago tayo pumili ng ipapalit natin kay Gloria upang makapili tayo ng mas maayos na tao at, dahil sa sinuri nating mabuti, ay mas malamang na hindi na tayo magkakamali pang muli?
Ang isang bansang maayos ang pulitika’y pinipili ang nagiging pinuno ng bansa ayon sa partido nito dahil ang partido’y mayroong mga pinaninindigan at mayroong mga programang pinapairal. Mas madling pumili ang ga botante kung mayroong matatatag na partido pulitikal. Alam na kasi agad ng botante kung ang isang kandidato’s elitista, maka-manggagawa, makamahirap o ba pa dahil sa ang kanilang mga partido’y maliwanag ang plataporma de gobiyerno.
Sa atin, wala tayong mga tnay na partido. Tao ang ating pinipili natin at hindi ang partido. Kaya rin naman na halos pare-parehong walang nagagawa ang mga Presidente natin para sa ating mga mamamayan at sa atng bansa.
Kaya – People Power na naman? Huwag mo kaming tuksuhing muli, Satanas!
* * *
May sulat sa atin si Rolando (huib@megarme.com:
“Well, avid reader ako ng mga column nyo sa Malaya. Previously, I enjoy reading your column kasi nakikita mo ‘minsan’ ang mga maling sistema ng gobyernong Arroyo pero lately naging iba na ang ihip ng hangin para bagang ngayon nang lumabas si Jun Lozada patungkol sa mga anomalya sa ZTE-NBN deal ay you don’t believe on this expose at ayaw mo nang marinig pa ang iba pang lalabas sa ginagawang pagdinig ng Senado. Ano ba ang hinahanap natin, di ba ang katotohanan? Bakit parang ngayon ayaw mong lumabas ang katotohanan?
“Isa lang ang tanong ko, tungkol kay Jun Lozada, bakit kinakailangan na pagtulungan ng mga ahente ng gobyerno na itago si Lozada (kahit kaunting panahon) kahit na alam nila na may warrant of arrest para umattend sa Senado si Lozada? Ibig sabihin lang niyon na they don’t respect Senate as an institution and they don’t believe on what they are doing. Ganoon ka rin ba? Di ba kasi kung wala silang itinatago at walang katotohanan ang mga sasabihin ni Lozada wala silang dapat ikatakot, di ba? At dapat wala silang paki-alam kahit hulihin si Lozada ng Senado dahil malinis sila? Iyon lang. .Sana be fair.” — Rolando
* * *
Sa aking pananaw, ang nangyayari sa Senado’y kwentuhan nang kwentuhan na wala namang paroroonan. Una, alamin muna sana kung mayroon nga bang “overprice” at kung magkano ito, Kung mayroong “overprice,” maaari nang ituloy ang pagsusuri. Paano kung sa katapusan ay hindi naman pala 100% na katotohanan ang mga binigkas ni Lozada “under oath” — na mayroon palang dagdag rito at bawas doon. Sa totoo, sa aking pagkakilala, halimbawa. kay Lito Atienza at kay Manny Gaite, hindi ko kayang paniwalaan na sila’y kasing sasama ng mga kinikwento ni Lozada. Hindi rin ako makapaniwala na si Ben Abalos ay kasing bastons ng kinikwento nina Joey de V at ni J. Lo.
Kayong mga hindi nakikilala ang mga taong ito’y dalang dala ni J. Lo sa kaniyang mga kwento. Ngunit, nahihirapan akong manilwala sapagka’t sa pagkakilala ko sa mga kinikwento niyang mga personalidad, alam kong hindi sila ganoon. Papaano naman ako hindi magkakaduda sa mga kwento ni J. Lo?
# # # #
hvp (02.20.08)

One Comment
ako po ay isang istudyante ng high school
first year at my ass po kami dito kung ano nga ba ang “People Power” at ng binasa ko po my natutunan po ako na isipin muna kaung sino ang iboboto para hindi na mag kamali at hindi na mag hirap ang bansa natin sage po good bless
and sna po patuloy nyo po gumawa sa computer ng ganitong mga Ducky Paredes
sge po take care……..!
Post a Comment