Skip to content

No to “People Power”

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Hinding-hindi ako kumakampi kay Gloria Arroyo at sa mga magnanakaw ng pamahalaan kahit na ganiyan ang sasabihin ng mga bobo dahil sa ayaw na ayaw ko naman ang kanilang ginugustong mangyari na “People Power.”

Bakit ba napakapurol na mga utak ng mga taong ganito na iisa lamang ang kanilang nakikita – na dapat silang kasama sa kung sino man ang namumuno. Walang ibig sabihin ang “People Power” at ang mga pa-Edsa-Edsa kundi lamang ang pagpalit ng kung sino ang nakaupo. Ngunit, hindi ba’t demokrasya tayo at ang demokrasya nama’y mayroon nakatakdang pamamaraan kung papaano papalitan ang namumuno sa bansa. Ito ang tinatawag na halalan. Sasabihin ng ilan na hindi naman dapat na si Gloria ang nakaupo dahil sa kaniya lamang dinaya ang halalan kung bakit siya ang naproklama.

Tanggap ko iyon ngunit sa ilalim rin ng demokrasya ay mayroong mga pamamaraan kung papaano inaayos ang mga gusot na ganito. Hindi kinakailangan na gumawa tayo ng ibang pamamaraan dahil sa kahit na ano pa ang gusto nating mangyari’y mayroong pamamaraan sa sistema ng ating demokrasya kung papaano ito maaring ayusin.

Dapat na idaan ang lahat sa tamang paraan. Oo nga’t napalitan natin si Marcos, na naging diktador, sa pamamagitan ng “People Power” dahil sa wala namang ibang paraan na maaari nating palayasin siya sa palasyo. Ngunit, sinundan naman natin ito ng pagpapalayas sa isang halal na Presidente na si Erap at ang mga binintang sa kaniya’y hindi dininig kundi na siya’y tinanggal sa pamamagitan ng pagbabaluktok ng batas at sa pilit-na-pilit na desisyon ng Korte Suprema.

Maraming nagsasabi na hindi raw dapat na pinatawad si Erap dahil ito raw ay nagkasala ng “Plunder.” Ang mga nagsasabi niyan ay ang mga ayaw pa rin pagsishan ang kanilang pagkakasala sa bansa noong sila’y sumali sa mga tagilid na paraan at pag-iisip nang nagpaloko sila kay Gloria Arroyo at sa kaniyang mga kasosyo sa katiwalian noong kanilang tinanggal si Erap sa puwesto.

Hindi ko sinasabing walang pagkakasala si Erap; kaya lamang, hindi dapat ganoon ang nangyari sa kaniya; dapat sana’y sinunod natin ang pamamaraan ng ating demokraya imbes na ating dinaan sa gulat at sindak at “people power” kasama na rin ang bayaran na Korte Suprema.

Kung tama ang kanilang ginawa noon, bakit naging mas masama ang pumalit kay Erap, mas magnanakaw, mas matakaw at mas gutom sa yaman?

Walang sayssay ang mga paghahambog ni Gloria Arroyo na kung anuman ang magandang nangyayari sa ating ekonomiya (na hindi naman nararamdaman ng karamihan sa atin) ay dahil sa kaniyang galing at sa mga bagay na kaniyang sinimulan.

Ang sinasabi niyang kaniyang ginawa ay ang mga iniutos lang naman sa kaniya ng World Bank at ng mga malalaking bansa. Sunod-sunoran lamang tayo sa mga ito. Kung totoo sanang ganoon siya kagaling sa pagpapalago ng ating ekonomiya hindi sana siya dapat na sobra-sobrang masunorin sa lahat ng kagustohan ng mga dayuhan. Kung totoo na siya ang may gawa ng “economic miracle” dapat sanang mas buo ang loob niya sa kaniyang mga panukala at hindi siya sobrang umaaasa sa mga Amerikano, Intsik, Hapon at iba pang mga taga-mayayamang bansa

Kung magaling siyang tao, hindi na dapat pang nagnanakaw pa rin ang napakarami sa kaniyang mga kaibigan, kamag-anakan at iba pang mga buwisit,

Sa aking pananaw, malaking pagkakamali kung tayo’y susunod sa kagustohan nina Jun Lozada, Dante Madriaga, Romulo Neri at Joey de Venecia. Bakit naman tayo magpapa-apura sa mga taong ganito na hindi man lamang nating malaman kung mga matitino ba sila, maaayos ba sila at kahit na kung ano kayang sex ang ilan sa kanila? Mga lalake ba ang mga ito o mga bading?

Pinoy, huwog ka na namang magpapsindak sa mga taong ganito. Malaking pagkakamali natin ang pa-Edsa-Edsa at mga “People Power” na mga iyan. Matuto tayong mabuhay sa pamamaraan ng demokrasya. Kung mayroong hindi maayos sa ating pamahalaan at bansa ayusin natin sa paraan ng Democracy at hindi dahil na nagpagulat na naman tayo sa sindak ng mga gustong makpuwesto sa inaasahan nilang susunod na pamahalaan.

 

# # # #

hvp (03.03.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

One Comment

  1. Ako rin po ay hindi sang-ayon sa people power sa ngayon. Noong una, talagang ginanahan ako noong lumabas sa Jun Lozada sa hearing. Pero yun pala, wala siyang matibay na pinanghahawakang ebidensya. At sa ngayon, sa tingin ko ay wala pa naman talagang matibay na ebidensya na inihaharap ang oposisyon e. Puro pa lamang pagbibintang at media coverage.

    Saludo po ako sa inyo Sir sa inyong pagsalungat sa namamayagpag na pagkontra kay PGMA. Kung tutuusin, madaling magkaroon ng mga kakampi ngayon lalo na’t maraming nakikiisa sa kilusan laban kay Gloria. Pero kahit na alam niyo pong maraming hindi sasang-ayon sa inyo, kayo po’y naninindigan!

    More power!

    Thursday, March 6, 2008 at 7:04 pm | Permalink

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*