Skip to content

Ang Hatol sa Kaso ni Neri

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Tama ba ang ginawang desisyon ng Korte Suprema na mas binigyan nilang kahalagahan ang “impact of the bribery scandal involving high government officials and the possible loss of confidence of foreign investors and lenders in the country” kaysa sa kung mayroon nga bang nangyari suholan sa iniimbistigahang ZTE-NBN project.

Ang dinala sa Korte ni Romulo Neri ay kung maaari ba siyang pilitin ng Senado na ibunyag ang pinag-usapan nila ni Gloria Arroyo tungkol sa ZTE-NBN kung saan, ayon sa mga kwento ni Neri sa lahat ng gustong makinig sa kaniya’y binanggit niya kay Gloria na inalok siya ni Benjamin Abalos ng “200” kung kaniyang aaprubahan ang proyekto. At, Sniabi naman ni Gloria (ayon sa mga kwento ni Neri sa buong mundo): “Huwag mong tanggapin ngunit aprubahan mo!”

Ito ngayon ang ayaw niyang ibunyag sa Senado at ginagam it niya ang “executive privilege” na ayon sa kanya’y hindi niya maaari ikwento ang pinagusapan nila ng pangulo dahil sa magiging malaki ang epekto nito sa relasyon natin s Tsina at magiging masama ang epekto nito sa mgagustong pumasok sa Pinas upang magtayo ng kanilang negosyo.

Kinagat naman ng karamihan sa Korte Suprema ang ganitong pag-iisip.

Maaari kayang sabihin halimbawa ng isang gubernador na magiging masama ang epekto sa kaiyang lalawigan kung halimbawa;y masuspindi siya dahil sa siya’y mayroon ninakaw. Hindi kaya dapat na isipin muna ng mga korte ang “impact of the bribery scandal involving high government officials and the possible loss of confidence of foreign investors and lenders” sa kanilyang lalawigan?

Kung maaari na nating itago ang mga krimen dahil sa hindi maganda ang nagiging epekto nito sa pag-iisip ng mga dayuhan, ano na pala ang Pinas – isang malayang bansa o isang bansang walang ginusto kundi maganda ang maging dating niya sa mga dayuhan kahit na bulok na bulok naman talaga ang ating mga sistema’t mgas opisyal?

Hindi ba ngadapat na kung mayroong nangyayaring hindi maganda’y mas magaling kung atin itong pinaaalam sa mamamayan upanmg maisaayos ang mga hndi tama? Imbes, parang gusto pa ng Korte na itago na lamang ang mga ito at pagtakpan dahil nakakahiyang malaman nila ang kabulokan ng bansa natin.

 Mayroon sansang dalawang Justices na kung mayroon silang delikadesa’y hindi na dapat pang sumali sa botohan. Alam na nila kung sino sila.

Anim na justices ang hindi sumali sa mayoria: Chief Justice Reynato Puno at sina Associate Justice Consuelo Ynares-Santiago, Ma. Alicia Austria-Martinez, Conchita Carpio-Morales, Adolfo Azcuna at Antonio Carpio.

# # # #

hvp (03.26.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*