Skip to content

Ang Nangyari sa Sumilao

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Napakarami na ang umako nang kanilang nagawang magaling na pag-resolba ng krisis sa Sumilao, Bukidnon kung saan ang ilang mga magsasaka ay umangkin sa lupaing pinagtayuan ng San Miguel Foods, Inc. (SMFI) nang kanilang planta. Sa totoo lang, wala namang ibang dapat na ating pasalamatan sa mga nangyaring parang milagro sa Sumilao kundi ang kumpaniya ng SMFI at ang Presidente ng SMC na si Ginoong Ramon Ang.

Si Ramon Ang ang nakaisip ng paraan kung papaano maaaring mapagbigyan ang mga magsasaka. Ang una niya pa ngang gusto sanang mangyari – na bibigyan nila ng katapat na lupain ang mga magsasakang nag-aangkin ng lupaing binili ng SMFI sa mga dineklara ng Korte Suprema na tiyak na nagmamay-ari ng lupain – ay hindi tinanggap ng mga magsasaka. Ang pangalawang alok ni Mr. Ang – na ang hindi ginagamit ng SMFI na lupain ay kaniyang ilalaan para sa mga magsasaka at dadagdagan pa rin ito ng katapat pang lupain na binili ng SMFI para ibiagay sa mga magsasaka ng Sumilao – ay kanila ng tinanggap.

Saan naman tayo makakaita ng isang kumpaniya at isang negosiyante na ganito ka-bait sa mga kumakalaban sa kanila? Maaari naman sanang tinuloy na lamang ni Mr. Ang na kasuhan ang mga magsasaka at hintayin na lamang nilang lahat ang magiging desisyun ng Korte. Malamang na aabutin ito ng siyam-siyam at patuloy ang pag-gamit ng SMFI ng kanilang propriedad habang dinidinig ang kaso na malamang ay hindi matatapos na pagdinig habang buhay pa ang mga kalaban ng SMFI sa kaso.

Imbes, kung sino pa ang ginulo’y siya pa ang humanap ng lunas sa ginawang kagulohan ng mga taga-labas.

Sa pinakitang ganito ng SMFI, dapat lamang na tanggapin sila ng bayan ng Sumilao at lalawigan ng Bukidnon na mga tunay na kaibigan at mabuting kapit-bahay.

Ang ating hihintayin ngayon ay kung ano ang mangyayari sa mga magsasakang nagpumilit na kunin ang lupain ng SMFI. Mapapakita kaya nila na sila’y mga mabubuting mamayan na tutulong sa pagpapaunlad ng bayan ng Sumilao? Kaya kaya nilang buhayin ang mga lupaing nabigsay sa kanila upang dumami ang ani ng kanilang mga sinasaka at ng Sumilao? O, baka naman na gaya ng maraming napaboran ng Agrarian Reform ay isasanla lamang nila ang kanilang mga lupain at magigng pag-aari rin ito ng iilang mga negosyante ng Sumilao?

Ganyan kasi ang madalas na nangyayari sa mga lupaing pinamimigay ng Agrarian Reform. Hindi naman ito tunay na sinasaka kundi ginagamit lamang upang mayroong maisasanla upang makautang sa bangko o sa iilang mayayaman sa bayan nila.

Sa totoo pa nga, kung aalamin natin kung bakit nagkakaroon tayo ng pagkukulang sa ating naaaning palay, malamang na isa sa mga rason ay ang pinaghati-hati ang mga malalaking hacienda sa tinatawag na rice granary ng ating bansa at ito’y ibinigay sa maraming iba’t-ibang tao na karamihan naman ay walang kakayahang magtanim, magpataba at mag-ani ng palay na dapat nilang tinatanim uang mayroon tayong sapat na ani ng bigas!

# # # #

hvp (03.31.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*