Deretsahan
ni Horacio Paredes
Ang kahanga-hangang sinimulan ni Kalihim Lito Atienza ng DENR ay ang People’s Hour na kaniyang na nagaganap sa kaniyang tanggapan bawat Huwebes. Kung pumunta kayo ngayon sa kaniyang tanggapan sa Quezon Memorial Circle ay maari ninyong kausapin ang kalihim mismo sa kahit n anong bagay na iyong pinoproblrma tungkol sa tarabaho ng DENR.
Maaaring mayroong magrereklamo tungkol sa pinuputol na kahuyan na malapit sa kanila o kaya’y ang tungkol sa karagatan o ilog na dinudumihan ng ilang mga factory o kaya’y mga trak na binubuhos ang basura sa ilog.
Kung anuman ang nagiging problema nila sa mga bagay na sakop ng DENR, maaaring kay Lito Atrienza mismo nila iparating. Hindi na kinakailangan pang dumaan sila sa kung saan pa.
Maganda ito sapagkat ito ang nararapat na ginagawa ng mga opisyal sa isang demokrasya. Dapat lamang na kanilang kinakausap ang mamamayan paminsan-minsan upang nadidinig nila kung ano ang gumugulo sa pag-iisip ng mamamayan.
Sa unang pag-ganap ng People’s Hour ni Atienza noong nakaraang linggo, hindi naman pamumulitika ang ginawa ni Secretary Atienza. Mna dating alkalde ng Maynila Mayroon ngang nagtanong tungkol sa kaniyang mga pinutol na kahoy na hindi niya mailakbay sa dahlang wala siyang permit at ang sinagot sa kaniya ni Lito Atienza ay ang marami ang mga nagpapalusot ng mga punong illegal ang pagkaputol at ang sitwasyon nang nagreklamo’y kaniyang ipasususri upang alamin kung nararapat ba siyang nagpuputol ng kahoy sa kagubatang iyon.
Ganito ang kailangana ng bansa natin – straight talk. Deretsahang pananalita upang matuto ang mamamayan na rumespeto sa ating mga batasa at patakaran.
Sa People’s Hour na nakaraan, marami rin ang natulungan ni Lito Atienza sa kanilang pangangailangan sa DENR.
Sana’y dumami pa ang mga nasa gobiyernong haharap sa mamamayan kapag ang mga ito’y nagkakaroon ng pangangailangan sa pamahalaan.
* * *
“Tama rin ang nasabi mo sa column mo na sana ay wag ng makialam pa ang mga simbahang katoliko lalo na ang mga Obispo sa mga ganon bagay dahil wala naman silang magagawa sa atin. Kami nga na nasa ibang bansa tulad ng Saudi ay inis na inis na rin kami sa mga nangyayari sa Pinas. Lagi na lang ganyan ang balita — bangayan dito bangayan doon, wala naman nagagawa.
“Kaya dapat ang mga Obispo ay dumistansya na lang sila sa ganyang bagay para hindi na lang sila nakakaragdag pa sa gulo ng Pilipinas. Instead na sila ang magiging susi ng katahimikan ng Pilipinas, isa pa sila sa nakikigulo. Dapat kung ano lang ang related sa trabaho nila un nalang ang kanilang pakialaman at dapat turuan na lang ang mga Pinoy na bumalik loob sa Panginoon para maging matahimik pa ang Pilipinas kaysa nakikisawsaw pa sa gulo ng Pilipinas! Ang Pilipino nga naman!
“Kaya minabuti na lang namin na mangibang bansa para maiwasan ang mga kahirapan sa Pilipinas. Masakit man sa amin ang humiwalay sa mga pamilya namin para mabigyan sila ng pangtawid gutom sa pang-araw-araw at kahit papaano ay nakakatulong kami sa mga remittance namin na pinapadala sa Pilipinas kada buwan. At least kaming OFW ay hindi kami nakakabigat sa problema ng Pilipinas at nakakatulong pa kami sa income ng Pilipinas dahil sa mga remittances naming. Sana isipin na lang nila ang paghihirap namin dito. Sana kung sino man ang makakabasa nito ay maiisip nila ang mga paghihirap namin dito sa ibang bansa. Salamat po sa inyong column at pasensya na po sa nasabi kong ito!” – Ronniel
* * *
Naiintindihan ko ang pag-iiip ng mga OFW. Ilang taon rin akong nakapagtrabaho sa labas ng bansa – noong binata pa at sa Amerika kasama ang aking pamilya. Iyan na nga ang aking punto – sa dami nga mga nag-hahari-hari sa ating bansa, di kaya maaaring huwag nang makisawsaw pa ang mga simbahan sa power game ng mga pulitiko. Sa totoo lamang ang hinahanap natin ay solusyon at hindi dagdag-kagulohan. Sana’y ang Panginoon ang kanilang pinaglilingkuran at hindi and pulitika ng bayan.
# # # #
hvp (04.09.08)

One Comment
I salute Lito Atienza for all that he has been doing in DENR. WE NEED PEOPLE LIKE HIM IN OUR GOVERNMENT! Stop politics … focus on public service!
Post a Comment