Skip to content

Mga Isla ng Kalayaan

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Ayon kay Senador Edgardo Angara, ang batas na magsasa-ayos sa hangganan ng teritoryo ng Pilipinas - Archipelagic Baseline Law of the Philippines – ay dapat nang madaliin dahil baka mapunta pa sa ibang bansa ang ilang isla ng Pilipinas na ating tinatawag na Kalayaan Islands o Spratlys. Ang Kalayaan ay inangkin natin para sa Pilipinas sa pamamagitan ni Admiral Tomas Cloma, isang abogado at at isang fishjing magnate noong 1947. Ngunit, kung hindi natin masumite ang bagong Baseline Law sa United Nations bago dumating ang Mayo 13, 2009, baka mawala sa ating teritoryo ang Spratlys.

Ayon kay Angara, kung hindi natin masumite ito sa United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS), maaaring ang parteng iyon ng dagat ng Pilipinas na nas tinatawag na China Sea ang maging International Seadbed Area o kaya’y baka maituring ito na “Common Heritage of Mankind” o kaya’y maaari ring maibigay ito sa ibang bansa gaya ng Tsina o Vietnam.

Ayon sa 1982 UN Convention on the Law of the Seas, ang mga bansa gaya ng Pilipinas na tinuturing na “archipelagic nations” ay dapat na gumawa ng isang batas “defining its baselines and provide supporting scientific data” bago dumating ang petsang May 13, 1999.

Sa ilalim rin ng UNCLOS nakasaad ang 12-mile nautical territorial sea, ang 24-mile contiguous zone at ang 200-mile Exclusive Economic Zone na hangganan ng  archipelagic jurisdiction ng isang bansang archipelagic gaya ng Pilipinas.

Ayon sa ating Saligang Batas: “National territory comprises the Philippine archipelago, with all the islands and waters embraced therein, and all other territories over which the Philippines has sovereignty or jurisdiction consisting of its terrestrial, fluvial and aerial domains, including its territorial sea, the seabed, the subsoil, the insular shelves, and other submarine areas. The waters around, between, and connecting the islands of the archipelago, regardless of their breadth and dimensions, form part of the internal waters of the Philippines.”

Ang ating kasalukuyang batas rito “An Act Defining Baselines of the Territorial Sea of the Philippines as amended by RA 5446” ay matagal nang tinukoy ang  baseline ng teritoryo ng Pilipinas ngunit hindi naisama rito ang Kalayaan Group of Islands o ang Spratlys. Dapat na baguhin natin ito at isumite sa UNCLOS ang bagong batas na kasama na ang Kalayaan o Spratlys. Kung hindi natin ito maisagawa, malaki ang mawawala sa Pilipinas.

Ayon kay Angara, kung mawala sa atin ang ating extended continental shelf claim, ito ay magkakaroon ng “disastrous effects as the same contains mineral resources as well as living organisms belonging to the sedentary species which are primarily raw materials for pharmaceutical products.”

Sa loob rin ng mga islang ito’y mayroong inaasahang 3.9 million cubic feet ng gas gaya ng sa Malampaya, 35 million barrels ng langis at 21 billion barrels ng condensate. Ayon sa ating Department of Energy, ang maaaring balor nitong mga bagay ay $19.9 million, $2.1 billion at $1.2 billion.

Sana naman ay hindi tayo maabotan ng Mayo 13, 2009 na natutulog sa pansitan!

# # # #

hvp (04.23.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

One Comment

  1. rhain AUSTRALIA wrote:

    niCe site.,.,if not beAcOz oF this I wiLL not find what im looking for.,.,,
    hope that you add your site rather give more info that will help ohters and student like me…,
    more power!!

    Monday, June 29, 2009 at 7:24 pm | Permalink

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*