Skip to content

Matagal nang Alam Nila (Kuno)

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Nadinig ko si Gloria Arroyo sa telebisyon kung saan ang kaniyang pahayag ay ang hindi raw sila nagulat sa mga pangyayari sa mundo. Matagal na raw nilang alam na tataas ang presyo ng bigas sa mundo. Nauna raw sila sa kanyang pamahalaan na nalaman ito – bago pa ang mga lider ng ibang bansa.

Sa totoo, gusto ko saang maniwala sa ating Pangulo; kaya lamang ako’y nagtataka kung bakit parang tuliro ang kaniyang pamahalaan sa mga nanagyayari.

Halimbawa, sinubukan nilang bumili ng malaking kantidad na bigas kung saan-saan ngunit wala silang nakitang handang magbenta nito sa Pinas. Ang reaksyon ng pamahalaan sa kanilang kabiguan:  Una, hindi naman raw natin kailangan ang bigas na iyon at sana’y bale buffer stock lamang sana ito at, isa pa, marami namang paraan sa pagbili ng bigas. Halimbawa, ang mas madali at tiyak pang walang suholan ay ang country-to-ciountry trade kung saan ang dalawang gobiyerno ang nag-uusap at hindi na dumadaan sa mga rice trader. Ayon sa pamahalaan ngayon, ang ganito pa nga ang mas magaling kaysa bumibili sa merkado.

Sa akin lamang, kung ganoon pala, bakit hindi ganoon ang ginawa nila sa simula pa lamang imbes na kung saan-saan tayo naghahanap ng mabibiling bigas hanggang sa lalo pa ngang tumaas ang presyo dahil sa nakikita ng mundo na ang pinakamalaking importer ng bigas ay nagkakandarapa sa paghahanap kung saan sila makakabili ng bigas.

Sa totoo, ang dapat na matagal nang alam ng pamahalaan ay ang napakalaki naman ng ating inaani taon-taon na maaari sanang magkasya sa atin kung hindi lamang tayo napakarami dahil na rin sa wala tayong population control program.

Dapat sana na ang mga lider natin ay inaalam ang mga nangyayari bago sila nagsasalita. Ito na nga ang isang rason kung bakit ang kaparian at ang mga obispo’y hindi dapat nakikialam sa mga isyung pulitikal gaya ng krisis sa bigas o ang pagpapalwig ng CARP. Sa totoo, madalas na ang kanilang mga sinasabi’y mga kabobohan dahil hindi naman nila naiintindihan ang mga isyu at tahol lamang sila ng tahol.

Halimbawa, ayon sa isang Obispo: “For one thing, this rice crisis is also an indication that our farmers are not motivated to produce more if they do not own the land. And if they do not get the support services, they will also not be able to provide for the food security needed by the country.”

Tiyak na hindi nadinig ng obispong ito ang namumuno sa IRRI sa Los Banos na – sa totoo lamang – mas magaling ang magsasaka sa Pinas sa production ng palay, Daig natin ang Thailand na pinakamalaking exporter ng bigas at, isa pa’y hindi kasing dami kung ggumamit na fertilizer at pesticide ang magsasakang Pinoy kaysa sa ibang mga magsasaka sa Asya. Mas maglaing tayo at mas productive ang ating mga rice farm.

Sa ganoon pala, ano ang sinasabing ito ng obispong nagmamagaling kahit wala naman palanng nalalaman?

# # # #

hvp (05.07.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*