Deretsahan
ni Horacio Paredes
Isa itong sulat galing sa OFW na gusto lamang magpakilala sa pangalang “Juan de la Cruz” kaya rin hindi ko babanggitin ang tinutukoy niyang manlolokong “diagnostic medical clinic” sa mga OFW. Ito ang kaniyang kwento:
“Ako ay isang OFW na talagang pinatatago ang pangalan sa dahilang baka balikan ako ng mga taong isisiwalat ko ng diretsahan.
“Diyan po sa tinutukoy kong medical clinic ay may dalawang walang puso at mapang loko sa mga OFW ang nagnanakaw at nanlilinlang sa mga kapwa kong OFW na naturingang bayani ng bayan.
“Ako ho at ilan sa aming mga OFW ay nagpatingin diyan at kami ay binibigyan ng report na may sakit kahit wala po, at nang magpatingin kami sa ibang medical clinic ay di nila pinapayagan bagkus ituturo kami sa DOH, at kahit sa DOH ay may mga kasabwat sila.
“Ako po ay binigyan ng report na ‘unfit’ at may Hepa B. ng Diagnostic Medical Clinic sa ilalim ni Mr. Dan at Mr. Louie. Nang magpakuha ako sa ibang clinic at ospital ay sinabihan ako na di sila tumatanggap ng anumang report bagkus sa DOH dahil ito ay sa gobyerno.
“Nung i-advice sakin na pumunta ako sa DOH, sumabay din sakin yung Mr. Dan at ang dahilan niya ay magpapa drug test daw naman, pero po may kinausap na siya sa Loob at nang magpakuha ako ay may mga kasabay din ako at anim kami, ng kukunin ko na ang resulta, pareho daw ng report ng diagnostic medical clinic nila Mr. Dan at hindi daw ako ‘fit’ kasi daw meron akong ‘very less contamination’ ng Hepa B. sa dugo ko at ang pinagtataka ko lang, bakit sa anim namin, tanging ako lang ang pinabalik ng dalawang araw dahil wala daw makita at meron man ay napaka-kaunti nito. Ang pinagtataka ko bakit ganun, yung limang kasama ko nakuha agad nila at ako pinabalik pa ng dalawang araw at saka makukuha ang resulta, samantalang yung medical report sa clinic na pinagkunan ko ay negative ako sa Hepa B.
“Dun na ako nagtaka dahil humingi na sila una ng 40 thousand. Yung Dan ang humingi nito, at maka-ilang araw wala pa ding nangyari at meron pa daw at konting konti na lang daw. Siyempre po wala akong magawa kasi nandito sa Middle East ang pamilya ko at kailangang makabalik agad at walang katulong ang asawa ko sa pagtingin sa kanila at kukulangin ang sahod ng asawa ko kung siya lang at nag-aaral pa ang mga anak ko dito sa Middle East.
“Sana po ay mahinto na ang mga panloloko ng Diagnostic Medical Clinic na ito. Hindi lang po ako ang biktima nito at marami ng OFW ang nabiktima nito; ayaw lang nila ng abala at wala nga namang magagawa at lalo pang mapapatagal ang kanilang pag alis.” - “Juan de la Cruz”
(Sa aking pagkaka-alam, iniimbistigahan na ito ng OWWA at tumutulung rin sa mga biktima ng naturang Diagnostic Medical Clinic ang samahang Gabriela. Mayroong mga tunay na masasamang tao sa mundong ito at sa ating bansang Pilipinas. Hindi lamang pulitika ang marumi sa atin; pati na rin ang marami pang mga industiya. Kahit saan ay mayroong mga masasama ang hangarin sa kapwa kaya dapat tayong mag-ingat.)
# # # #
hvp (05.19.08)

One Comment
korek nanyari rin sa akin yan hepa B reactive daw,almost a month na pinagbalik balik nila ako sa clinic na un,di ako bobo para di maka intindi ng laboratory result,PRC lincense ako sa linya ng medical.nagpatingin ako sa sa 2 sikat na hospital d2 sa pinas hindi man lang ako nagkaroon in the past or current infected ng hepa b according s hepa B profile ko,nawalan ako ng employer dhil urgent ang pagkuha ng empleyado,ok lang sa akin dahil ayaw ko ng gulo,tahimik na tao lang ako,masayahin,pero sila na rin ang nagbigay ng dahilan para magkaroon ng konting confrontahan sa clinic na un,they dont discuss result over the phone daw,sabi ko abala kung pupunta pa ko jan,sa makatuwid pumunta ako at pag dating ko ok fit to work ka na at pinauuwi na ko,kya nagkaroon ng konting pagtatalo,sa naun di na ko pinanag aabroad ng family ko sa middle east sa kadahilaan sa trauma na ginawa nila,hindi namn kami gaanu ng hihirap d2 sa pinas,at ok pa namn ang pamumuhay,sinubukan ko lang mag middle east dahil na rin sa pressure ng kaibigan na napag iwanan na ko sa pinas,gusto ko po magtrabaho d2 sa pinas kaso na rin sa hirap na maghanap ng trabaho kya naudyok na mag middle east.
Gusto ng kamag anak ko na ipa media o mag complain sa ikinauukulan kaso gulo lang un,at sa lakas ng kapit nila,pinaPAPA dyos ko na lang mga ginawa nila sa akin at naniniwala pa rin po ko sa BAD KARMA.
Post a Comment