Skip to content

Magtiwala sa Kapwa Pinoy

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Ano na nga ba ang nangyari sa ating mga Pinoy? Noon mayroong mga Pilipino na malawak ang pananaw at mataas ang pangarap. Isipin natin na noong ang industriya ng langis ay kontrolado ng tinatawag na Seven Sisters ay mayroong Pilipinong nagsimula nang kauna-unahang oil company sa Pinas – Ang Filoil, na hindi naman nahuhuli sa mga kumpaniya ng mga dayuhan.
Mayroong panahon na ang mga engineer natin ang nagpapalakad ng ating mga power plant. Marami nga sa mga plantang ito ang tinayo ng ating mga engineer mula sa disenyo hanggang sa pagkabuo at pagpapatakbo nito. Bakit noong tayo’y maglilinis lamang at mag-rerepair ng ilang planta ng Napocor ay kumuha pa tayo ng kumpaniya galing sa  Argentina? Bakit noong nangailangan tayo ng mga bagong planta’y tumungo pa tayo sa mga dayuhan para sa mga IPP (Independent Power Producer) na mga dayuhan.
Noong ating ginawa ang North Expressway sa ibabaw ng lupain na mga malalambot na ricefield, mga Pinoy ang namahala sa disenyo at pagbuo ng kalsada n oon 1960s. Ngunit, bakit noong kinailangan ito ng repair at rehabilitation ay kumuha pa tayo ng mga engineer na galing sa Australia.
Ano na nga ba ang nangyari sa atin? Parang nawala ang ating tiwala sa sarili na pati nga ang ating bigas ay galing na sa labas ng ating bansa.
Ako’y umaasa na sa mga OFW natin na nagtatrabaho sa labas ng bansa at nakikipaghalubili sa mga katapat nilang mga engineer na mga dayuhan ay mayroong ilan na mabubuksan ang mata na ang Pinoy ay hindi naiiwanan ng mga dayuhan at, maaari pa ngang mas matatalino’t mas mgagaling tayo kaysa sa kanila.
Sana’y pagbalik ng mga ganitong tao sa ating bansa ay dalhin nila ang kumpiyansang ito sa sarili at pati a rin sa ilang kapwa Pinoy upang maibalik sa ating lahat ang tiwala natin sa sarili.
Sa ngayon, parang ang pag-iisip natin ay ganito: na sa lahat ng bagay, mas magaling ang mga imported kahit na sa produkto o sa tao. Mali ang ganitong pag-iisip. Sa katunayan, maraming magagaling na mga Pinoy. Ang problema natin ay ang kulang ang tiwala ng ating mga lider sa sarili at, dahil dito’y pati sa bansa’y wala na rin silang tiwala sa ating kakayanan.
Napakaraming beses na nating nakita ito. Sa computerization ng ating mga halalan, umaasa tayo sa gawa ng iba kahit na maraming mga Pinoy na mas magaling gumawa ng mga sistema, software at kahit na mga computer na maaaring gaiting sa ating automation ng halalan.
Ang problema nga ay wala slang tiwala sa gawang Pinoy.
Ang pag-asa natin ay ang mga bata na marami’y nag-aaral pa lamang ngayon ngunit nalaaman nila ng kanilang kakayanan at nalalaman rin nila kung gaano sila kagagaling at nakakaya nilang pantayan at lampasan pa ang mga katumbas nilang mga dayuhan.
Nakakalungkot na parang wala tayong kakayanan kundi lamang sa boxing at iba pang mga sports kahit na napakaraming mga Pilipino na kung ang kanilang kakayanan ay atin lamang paniwalaan, napakarami silang magagawa para sa ating bansa na ating maaaring ipagyabang sa buong mundo bilang gawa ng Pilipino.

# # # #
hvp (06.16.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*