Skip to content

Kulang ang CR sa Eskwelahan

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

Ang isang palatandaan na tunay na malaki ang ating overproduction ng mga bata ay ang taon-taon, kahit na ilang bagong classroom ang pinagagawa’y kulang pa rin ang ating mga silid paaralan.

Ang pumapasok sa public school ay 18.81 milyon o 87 porsiyento ng 21.66 milyon na pupil sa elementary at high school. Sa taong ito, 10,472 ang dinagdag na silid paaralan ng DepEd sa kabuohang 421,034 na classroom. Sa ngayon, ay bawat classroom ay nagsisilbi para sa 45 mag-aaral. Gumanda na ito kaysa sa dating 1:50.

Ngunit, ang lumilitaw naman na kakulagan ay ang mga CR. Sa kabuohan raw ng Pinas ay ang isang CR ay para sa 51 na pupil sa elementary at 102 naman sa high school. Ayon sa mga teacher, sa international standard raw ay 1:25 para sa mga babae at 1:30 naman sa mga lalake. Ang isa pang problema’y napakarurumi ng mga kubeta ng mga eskwelahan.

Sa Metro Manila ang ratio ng CR sa mag-aaral ay 1:143 sa high school at 1:114 sa elementary. Sa ARMM, ito ay 1:171 sa elementary at 1:250 sa high schools.

Ngunit, ang pinakamasama raw ay ang Silangan Elementary School Annex sa Taguig, kung saan nag-iisa lamang ang CR para sa 2,031 na mag-aaral.

Papaano matututo ng kabataang Pilipino na maging malinis sa katawan kung wala silang maayos na mapupuntahang CR. Kaya naman pala wala tayong disiplina sa katawan ay dahil sa noong tayo’y nag-aaral ang naaamoy natin at ang mga mapapanghing mga toilet at mababahong kubeta. Kaya rin siguro ang marami’y hindi natutong gumamit ng CR at – lalo ang kalalakihan – iihi na lamang sa pinakamalapit na pader.

Ayon kay kalihim Jesli Lapus ng DEpEd ang isang CR sa eskwelahan ay maaaring ipagawa sa halagang P400,000. Sa Taguig, dalawa ang kanilang mga kongresista at mayroon pa silang isang senador. Hind ba kaya maaari na mayroong isa sa mga ito na magpagawa ng mga CR sa Silangan Ekementary School Annex?

* * *

Mayroong Arabo na sumulat sa Arab News na ang pamagat ng kaniyang sinulat ay “Imagine A World Without Filipinos.” Ayon kay Abdullah Al-Maghlooth, mahihirapan silang mabuhay sa Saudi Arabia kung walang mga Pilipinong tunutulong sa kanila.

Eto pa ang ilang sinulat ni Abdullah: “The Philippines, which you can barely see on the map, is a very effective country thanks to its people. It has the ability to influence the entire world economy.

“We should pay respect to Filipino workers, not only by employing them but also by learning from their valuable experiences.

“We should learn and educate our children on how to operate and maintain ships and oil tankers, as well as planning and nursing and how to achieve perfection in our work.

“We have to remember that we are very much dependent on the Filipinos around us. We could die a slow death if they chose to leave us.”

# # # #

hvp (06.18.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

One Comment

  1. ej AUSTRALIA wrote:

    ano ba yan tama ba naman un may bago ngang mga classrooms tapos iisa lang ang CR…baka naman magkasit mga bata nyan…and hindi tama na sabihin nya na kulnag ang budget..san na napunta..yan kc hirap sa atin ang liit ng allocation sa education

    Thursday, June 19, 2008 at 8:02 pm | Permalink

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*