Deretsahan
ni Horacio Paredes
Bakit ba para tayong nabibigla kapag dumarating sa atin ang mga bagyo kagaya noong dumaan dito ang bagyong si “Frank” (na tinawag sa buong mundo pwera lamang rito na “Fengshen”). Naiisip ko pa nga tuloy na parang nauubos ang panahon ng ating mga awtoridad sa paghahanap ng dapat na itawag sa mga bagyo.
Bakit naka-larga ang barkong “MV Princess of the Stars” ng Sulpicio Lines noong Biyernes ng gabi kahit na prating na ang bagyo. Ayon sa ating patakaran na dapat na sinusunod ng Coast Guard at ng mga barko: “No vessel shall sail except to take shelter if public storm signal warning is hoisted in the point of origin, the route, and the point of destination.”
Ang barko raw ay pinayagan ng Coast Guard dahil sa malaki naman itong barko at malamang ay makakaya niya ang hagupit ng hangin at ang pagiging masungit ng karagatan. Kaya nitong makakaya ng 800 na pusher at 724 lamang ang kaniyang dale na pasahero’t mga tripulante. Kaya, sa pag-iisip ng Coast Guard, kaya nitong maglakbay sa gilid ng bagyo basta hindi lamang masapul nito and MV Princess of the Stars.
Ngunit, ang nangyari na nga’y nagbago ang ihip ng hangin at sinalungat nito ang barkong MV Princess of the Stars” kaya tuloy noong Sabado pa lamang ay lumulubog na ang barko dala ang lahat ng pasahero’t tripulante. Ang katanungan ko’y ganito: Bakit hindi tayo matutong ingatan ang mga bagyong iyan na taon-taon naman ay darating at darating ang mga iyan sa ating “Philippine Area of Responsibility.”
Hindi ba’t mas maganda kung hindi na lamang sana lumakad ang barkong iyan ng Sulpicio Lines at, imbes ay Sabado na lamang siya nagpalaot kung kailan wala na ang bagyo sa kaniyang daraanan?
Ngunit, hindi naman ang Sulpicio Lines lamang ang hindi marunong rumespeto sa bagobabagong karagatan ng panahon. Ilan sa atin ang nagugulat na natutumba ang puno sa gilid ng ating bahay? Ilan ang nagugulat na tinatangay ng hangin ang buong ng bahay? Ilan sa atin ang nabibigla na tuataras ang tubing sa sap o log sa gilid ng bahay?
Bakit ba parang ang iikli ng ating memorya? Bakit nakakalimutan na natin ang nangyari noong nakaraang taon lamang?
Itanong sa sarili kung ilang taon ka nang neater sa bansang ito; tapes, Itanong mo sa sarili: Bakit hindi ko kayong paghandaan ang typhoon sa ganoong nakatira naman ado sa typhoon-area?
Tayong mga Pilipino ay walang maaaring gawing rason kapag tayo’y nabibigla sa atin ng typhoon season ba taon-taon namang dumarating sa ating kinaroroonan.
Dapat na matakot tayo sa kasungitan ng mga typhoon na ito’ dapat na nag-iingat tayo dahil taon-taon ay napakarami sa ating ang pinapatay ng mga typhoon na dumaraan sa Pinas.
Sana naman, sa 2009, ay natuto na tayo na hindi dapat na binabalewala ang mga bagyong pumapasok sa bansa natin. Ika nga: Better Safe than Sorry!
* * *
Ayon sa National Disaster Control Council (NDCC) 130 na ang pinatay ng Bagyong “Frank” at dumarating pa ito. 20,00 na pamilya sa Iloilo at 10,648 pa sa ilang parte ng Kabisayaan pa lamang.
Maliwanag na hindi natin napapaghandaan ang typhoon season at, sa totoo, walang rason na hindi natin kayang gawin ito dahil walang taon na hindi tayo nagkaka-bagyo!
# # # #
hvp (06.23.08)

Post a Comment