Deretsahan
ni Horacio Paredes
Masyado tayong nag-aabala sa dala ng MV Princess of the Stars na “toxic material” na Endosulfan, isang chemical na matagal ng ginagamit ng Del Monte Philippines, Inc. at wala namang pinsalang nangyayari kahit na kanino.
Ito ay dapat sanang sinakay ng Sulpicio Lines, Inc. sa MV Princess of the Paradise ngunit nilipat ng Sulpicio sa nalubog na barko na hindi man lamang pina-alam sa Del Monte. Ang pag-gamit ng nakakalason na chemical ng Del Monte ay autorisado ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) ang kaisa-isang ahensiya na sinusunod sa maaaring gamiting mga pesticide sa ating bansa.
Sa totoo, dahil sa Del Monte ang gumagamit nito, nakakasiguro tayo na wasto ang kanilang pag-gamit sa dahilang “responsible corporate citizen” ang Del Monte.
Ayon sa mga nakakintindi, hindi ganoon kadaling makakalason ang chemical na ito dahil upang mapakawalaan ang lason ay dumadaan pa rin ang Endosulfan sa proseso. Kaya lamang, mabuti rin daw kung makuha ito at matanggal sa tubig at baka rin kasi maapektuhan ang chemical ng tubig-dagat at baka lamang kumalat ito.
* * *
Mayroong sulat galing sa isang OFW: “Isa rin po ako sa mga palaging nag-aabang sa iyong colum dito sa Abante dahil sa iyong mga opinion/assesment sa mga nangyayari sa ating bayang Pilipinas ay nakikitaan ko pa rin na hindi kayo bias at pinag-iisipan ang bawat salitang ginagamit. Hindi katulad ng ibang kasamahan mo na agad isinisisi sa ating pamahalaan ang lahat ng problema. They always look at the negative side.
“May napansin lang po ako at sana ay maiparating po ito sa mga UP Student:
“Bakit kayo ganyan? Gigil na gigil kayo sa inyong tuition fee; nasa inyo na ang may pinakamababang tuition fee sa buong mundo galit na galit pa kayo, na halos lahat kayo ay mayayaman at anak ng mga may kapangyarihan sa gobyerno. Hindi naman yung tution ang totoong issue diyan kundi gusto nyo lang mag-ingay at mag-papansin. May mga utak nga kayo mga bobo naman kayo. Luma na yang style nyong bulok. Tumigil na kayo. Let’s work hand in hand to uplift the life of the majority in the Philippines hindi yung ngak-ngak ng ngak-ngak, daig pa kayo ng mga ibang mababang unibersidad. Tignan nyo nga kung sino sino at saan galing ang mga topnotchers sa mga board exam. Dinadaan nyo na lang kuno sa mga protesta at tuition ngak-ngak. Tumigil na kayo.
Maraming salamat po, isa po akong OFW.” – Larry
Sa totoo, Larry, ang UP ay isa sa dalawang unibersidad sa bansa natin na lumilitaw sa mga top 500 universities sa mundo at Marami rin namang mga nakakapagaral sa UP na hindi sana makakatapos ng kanilang pag-aaral kung hindi sila natulungan ng University of the Philippines. Tama rin ang punto mo na hindi na dapat inirereklamo pa ang tuition nila na napaka-baba na nga.
Ngunit, alam mo ba na mayroon pa ring mga mag-aaral na kahit na pumasa na sila entrance at maaari silang pumasok sa UP ay hindi pa rin nila nakakaya ang mababang tuition?
# # # #
hvp (06.30.08)

One Comment
Sang-ayun ako sayo kabayan! Dapat naman talaga ang mass media ay maging neutral hindi bias, palaging nasa gitna, hindi nasa isang side man lamang, paano masasabi ng mass media na balanse sila, na kitang kita natin sa mga report na sa isang panig lang sila! Tulad ng mga kasamahan ni Sir!Ano ba sila mga black timer? Minsan ang media rin ang dahilan sa mga pangyayari! Dahil nga sa demokrasya natin lahat pwede magawa, hindi natin alam na ang labis na demokarsaya ay sumisira rin sa ating bayan. Rally tayo doon, rally dito, rally ng rally kung nag sipag trabaho sila eh di may income sila.Saan ba sila kumukuha ng income nila? Kung titingnan kasi ung iba aabutin pa ng lingo o kinsenas na nag rally, saan sila kumukuha ng pera? Wala naman silang na itulong kundi padagdag lang sa problema. Minsan mahirap ang maging matalino dahil naging bobo ka, maging makitid yung pag-uunawa mo sa paligid. Mabuti pa yung tama lang ang kaalaman atleast na intindihan mo kaagad. Ikanga sa mga ibang tao they knows nothing…Kaya ang paborito ko yung column ni Sir lang, kasi neutral siya. Kung ganyan lang sana ang mga tao walang problema pag neutral ka..
Post a Comment