Deretsahan
ni Horacio Paredes
Sobra sa isang libong nga manggagawa at mga mahihirap ang nag-martsa mula sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan ng Cavite patungo sa mga panlalawigang warehouse ng National Food Authority (NFA) kung saan sila’y nag-picket.
Ang kanilang hiling: na panatiliin ang sapat na bigas para sa kanilang komunidad at isang mas mabuting sistema sa pag lako ng bigas. Umabot ng matagal na panahon ang picket sa Pasong Kawayan sa bayan ng General Trias bago nakipagusap ang mga kawani ng NFA at nabuo ang isang kasunduan na gagamitin ang mas maraming people’s organizations to be involved sa distribution scheme ng NFA.
Ang mga nag-picket ay ang Partidong Manggagawa, Samahang Nagkakaisa ng Cavite (SANAGCA), Alyansa ng Maralitang Pilipino (AMP), United Cavite Workers Association (UCWA) at Zone One Tondo Organization (ZOTO). Ang karamihan ng mga nag-martsa ay galing sa mga bayan ng Rosario, Tanza, Cavite City, General Trias at Dasmarinas.
Ayon kay Ramil Cangayao, council member of AMP, “This is not the usual protest action that is all about shouting slogans but without palpable results. Instead we aim to pressure the NFA for concrete action that will ease the hunger of the workers and the poor. We call on our fellow Filipinos to action. If we want our daily bread then we must fight militantly instead of accepting injustice.”
Ang isang nireklamo ng mga manggagawa ay ang hindi makataong sistemang ginagawa. Madalas na nauubusan ng bigas ang mga matagal nang haghihintay. Ang mga nakapila’y nakatindig kung saan wala man lamang masilungan at nakabilad ang mga ito sa mga elemento. Walang ibang linya ng hintayan na para sana sa mga buntis, matatanda at ang mga mayroong kapansanan. Lao na, ang bigas ay walang siguro kung darating nga ba sa pinaghihintayan nila.
Ayon kay Renato Magtubo, national chairperson ng PM, asserted: “The hunger and poverty of the masses is the real state of the nation and not the lies that will be GMA’s speech at the coming SONA. As we demand for immediate relief from the economic crisis, we call for a reversal of liberalization, deregulation, privatization, cheap labor, labor contractualization and other pro-globalization policies.”
Mukhang pangmatagalan na ang sistemang ito ng pagbebenta ng bigas sa ating lahat. Kahit na maaari nating purihin ang pamahalaan na, kahit naman papaano’y nabantayan nila ang pagtaas ng presyo sa world market, ngayon naman ang dapat nilang ayusin ay ang mas maka-tao at mas maayos na sistema ng pamumudmod ng bigas sa mga naghihirap ng sambayanan. Kahit na mayroon ngang bigas kung para namang iniinsulto ang iyong pagkatao’y wala ring dating ang sistema, di ba?
Ang maganda naman ay ang nakipagusap at nakipagsundo ang mga kawani ng NFA sa Cavite.
# # # #
hvp (07.09.08)

Post a Comment