Deretsahan
ni Horacio Paredes
Si Dr. Danilo Israel ay isang senior research fellow mg isang think-tank ng gobiyerno na Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Ayon sa kanya, magaling ang ginagawa ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) nang kanilang pagtanggal ng 74 na illegal fish pen malapit sa Taguig at Muntinglupa. Mayroon pang 100 na illegal fishpen malapit sa Isla ng Talim na kanila pa ring bugungkagin. Tama lamang na gawin nila ito.
Tinuturing na labag sa batas ang mga ito dahil sa wala silang permit; ngunit mayroon ring 446 na fishpen na mayroong permiso ng Lake Management Division ng LLDA. Ayon kay Dr. Israel, tama ang ginagawa ng mga tagapamahala na kanilang gustong ayusin ang pamamalakad sa Laguna de Bay, ang pinakamalaking lawa sa Pilipinas at isa sa pinakamalaki sa buong ASEAN. Tama lamang na ayusin ang pag-gamit nito upang maging mas “environment friendly” ang pamamalakad ng lawa; ngunit, ayon sa kanya, hindi dapat na tanggalin na lamang ng pamahalaan ang lahat ng mga fishpen rito.
Ang ani mula sa mga baklad ng Laguna de Bay ay umaabot sa 56 porsiyento ng buong naaani mula sa lawa, kahit na ang baklad ay gumagamit ng anim na porsiyento lamang. Karamihan sa mga isdang lawa ay binebenta sa Rizal, Laguna at Metro Manila, malaking sector ng ating populasyon.
Ang mga baklad rin ay pinagkikitaan ng 5,000 na mamayan na nasa aquaculture business at libo pa rin ang mga nabubuhay sa paglalako ng fish fry fingerlings, pagkain ng isda, lambat, kawayan at kumikita bilang mga namamakyaw at nagtitingi ng isdang lawa. Kumikita rin ang pamahalaan sa mga baklad na mayroong permiso at sa mga income tax na binabayad ng mga nasa negosyo ng isda galing sa lawa.
Ayon kay Dr, Israel, hindi naman ang mga baklad ang pangunahing pinagggagalingan ng pagkalubha ng lawa. Ayon sa ilang pagsusuri, 40 porsiyento ng dumurumi sa lawa ng Laguna’y galing sa basura mula sa pagsasaka; 30 porsiyento naman ay galing sa mga factory at 30 porsiyento sa mga bahay sa gilid ng lawa.
Sumasangayon rito si LLDA General Manager Edgardo Manda. Ayon kay Manda, ang 68 na porsiyento ng basura na umaabot sa Laguna de Bay domestic waste at 19 porsiyento lamang ang industrial waste. 13 porsiyento lamang ang basurang galing sa mga baklad.
Ayon kay Manda: “The lake has become the largest septic tank for human and industrial wastes and the polluted river flushings have resulted to fish kills.”
Tanggap naman ni Dr. Israel at ni LLDA GM Manda na nakakadagdag rin naman ang mga baklad sa pagiging marumi ng Laguna de Bay. Ayon kay Dr. Israel: “We must determine the optimal level of aquaculture activity in the area.” Dapat na ipagpatuloy ang pagtanggal ng mga illegal at dapat na buksan ang lawa upang mas nakakaraan ang mga maliliit na mga banca.
Ngunit, huwag namang tanggalin ang lahat ng baklad! Ka-awa-awa naman ang mga mahihirap kung ito’y mangyari!
# # # #
hvp (07.16.08)

Post a Comment