Deretsahan
ni Horacio Paredes
Hindi ko babanggitin ang pangalan ng taong sumulat kahit na binigay niya ang buo niyang pangalan at cellphone. Basahin ninyo upang maintindihan kung bakit ko tinatago ang kaniyang pangalan:
“Noong 29th June 2008, bilang isang OFW, bumalik ako biyaheng Qatar pagkalipas ng dalawang linggong bakasyon. Bago ako nakapagtrabaho sa Qatar , noong Agosto 2007, mula sa Saudi, may nagalok sa akin ng trabaho nga sa Qatar.
“Isa sa requirements ng agency na kumuha sa akin, kailangan muna akong magpakita sa Qatar sa kumpanyang papasukan ko sa pamamagitan ng visit visa at magtraining sa loob ng tatlong buwan. At sa loob ng tatlong buwan, kapag ako ay pumasa sa panlasa ng kumpanyang pagtatrabahuhan ko, saka ako pababalikin sa Pinas para sa working visa.
“Noong una akong umalis na may dalang visit visa pa-Qatar, wala akong naging problema dahil puro legal naman ang aking papeles pati na ang visit visa. At sa kasalukuyan ako nga ay narito na sa Qatar bilang isang OFW. At nang bumalik nga ako noong 29 ng Hunyo, marami akong nakasabay na kababayan na may papeles na visit visa. Ang procedure sa airport para sa mga mag-che-checkin, ang lahat ay dadaan sa tinatawag na visa check at may kaunting tanong sa counter ng airline kapag ang visa mo ay visit. Sa maikling salita, ang aking mga kababayang may dalang visit visa ay walang naging problema.
Pagdating sa pila ng immigration, may napansin akong isang immigration officer (ba yon) na nasa counter na nagtatatak ng passport na sa kanyang hanay ay may ilan na rin siyang ni-reject na mga kababayan na may visit visa at itinuro sa kung saan — at hindi ko na alam kung saan nagpunta ang taong ni reject — na makalagpas sa immigration. Isa sa mga taong kanyang nireject ay kasabay ko mismo sa tabing counter at ganito ang eksantong mga salita ang kanyang sinabi sa aroganteng pananalita:
“’Tapatan tayo, anong trabaho sa Abu Dabi?’ Sagot ng lalaki; “Sir, visit pa lang po.” Sagot ni Arogante, ‘Puwes pimento ka room at bumalik ka sa akin kapag alam mo na kung anong trabaho mo sa Abu Dabi.’ Sabay kind at pa sa akin. At sinabi pa ‘Wala namang visit sa Abu Dabi.’
“Umalis ang lalaki ng thiamin at maligo at nakakaya na lulugo-lugong lumakad sa kung saan ay pupunta ay hindi naman tinukoy ng immigration officer (ba yon?) ang eksaktong lugar o taong pupuntahan.
“Pag lagpas ko sa immigration upang isuot ang mga bagay na tinanggal sa aking katawan, may dalawang lalaki akong nakausap na may pareho ding visit visa (Abu Dabi) ang dala at wala naman silang naging problema; Marahil ay dahil hindi sila doon kay Arogante dumaan.
“Ang aking concern ay, bakit may mga taong tulad ni Arogante. (Sayang lang at hindi ko nakuha ang kanyang pangalan, pero hinding-hindi ko makakalimutan ang kanyang anyo: slim na may katangkaran at medyo kantuhan ang mukha.) Alam natin kung gaano kahirap humanap ng trabaho sa ibang bansa at lalo na sa atin. Kaya naman ito ang nagiging trend ngayon, na bibisita sa ibang bansa at doon mag hahanap ng trabaho. Ito ba ay talagang ipinagbabawal?
“Magkaganon man, bakit hindi pare-pareho ang pakikitungo sa mga lalabas ng bansa na may visit visa? Illegal ba ang visit visa sa ibang bansa mula sa atin? At bakit pararatingin pa ang ating mga kababayan na makapila sa immigration at pagkatapos ay rerejekin lang pala? Paano na ang bagahe niya na naka-check-in na. Ito kaya ay isang uri ng pamamaraan para makakotong, sila?
“Pakisuyo lang, sana ay may isang taga media ang magimbistiga nito. Alam na natin ang hirap ng buhay sa atin, huwag naman sanang masyadong samantalahin ng mga taong gobyerno ang ating mga kababayan na gumagawa ng paraan para magkaroon ng pagkakakitaan.
“Makikinabang din naman ang gobyerno kapag ang mga kababayan natin ang nakapagtrabaho abroad dahil sa remittance hindi ba? Tulad ko ngayon na nasa Qatar, buwan-buwan ay nagpapadala ako ng pera sa Mrs. Concern lang po sa ating mga naghihirap na kababayan.”
* * *
Kung anuman ang nangyayaring iyan sa NAIA, tiyak kong wala itong pahintulot ni Commissioner Marcelino Libanan ng Immigration. Sana naman ay mabasa niya ang liham mo at hindi na ito maulit pa. Salamat sa iyong concern sa mga kapwa Pinoy.
# # # #
hvp (07.23.08)

Post a Comment