Skip to content

Magkano ang Binbayaran Nating VAT?

Deretsahan

ni Horacio Paredes

 

Mayroong sulat sa atin si  R. A. Solina, Colonel, PA (Ret.) nakatira sa Marcelo Green Village, Paranaque City:

“Dahil sa tuloy-tuloy na pataas ang halaga ng langis, napag-isipan ko ang binabayad na value-added tax (VAT) ng mga pangkaraniwang mamamayan, lalo na sa mga mahihirap.

“Ayon sa paliwanag, ang VAT raw ay isang “consumption tax designed to discourage the rich from consuming non-essential goods” at hindi upang pahirapan ang mga dukha. Sa palagay ko, isa itong pambobola.

 “Upang madaling maintindihan kunin natin bilang ehemplo ang isang tricycle driver bilang isang dukhang nagiging biktima ng VAT. Huwag na nating pagisipan pa kung magkano ang kaniyang kinikita sa isang araw o sa isang taon, Tignan na lamang natin ang mga bagay na binabayaran niya ng VAT sa bawat araw ng kaniyang buhay.

 “Magkano ang binabayad na buwis ng ating tricycle driver sa loob ng isang taon.

“Sabihin na natin na nag-iisa lamang siya. Sa loob ng isang araw bumble siya ng 4 na litho @ P60.00 bawat litro sa anim na araw sa isang linggo (24 litro); Isang pakete ng instant noodles @ P6.00 sa loob ng isang lingo (6 na pakete); isang lata ng sardinas @P10.00 tatlong beses isang lingo (3 lata); iinom ng isang boteng beer @P15.00 sa araw ng Sabado; isang pakete ng sigarilyo @ P6 bawat pakete sa loob ng isang linggo.

“Tignan natin kung magkano ang kaniyang binabayaran VAT sa loob ng isang lingo: buwis sa gasolina = 24 x P60 x 0.12 (VAT) + 24 x P4.35 (basic tax) = P277.20; buwis sa instant noodle = P6 x 0.12 (VAT) x 6 = P4.32; buwis sa sardinas = P10 x 0.12 (VAT) x 3 = P3.60; buwis sa beer = P15 x 0.12 (VAT) = P1.80; buwis sa sigarilyo = P6 x 0.12 (VAT) + P2.00 (basic tax) = P2.72

“Mayroong 52 na lingo sa loob ng isang taon, samakatuwid ang binabayaran ng ating tricycle driver ay aabot sa (277.20 + 4.32 + 3.60 + 1.80 + 2.72) x 52) P15,061.28. (Kada buwan, ito ay P1,255.11)

“Sige, tanggalin na natin ang serbesa at sigarilyo, at mayroon pa rin siyang babayarang (277.20 + 4.32 + 3.60) x 52)  P14,826.24. (Sa kada buwan, ito ay P1,235.52 pa rin.)

 “At, wala pa diyan ang VAT sa mga gamut na kaniyang binibili kapag siya’y may nararamdamang mga sakit.

“Ano ba ang sinasabi ng pamahalaan na ang mahihirap ay hindi nagbabayad ng buwis at ang VAT ay isang consumption tax na hadlang sa pagiging waldas ng mga mayayaman? Isipin ninyo na sa ating salaysay ay nabuhay ang tricycle driver natin sa instant noodles at sardines lamang !

“I am one of those who would agitate for the removal of VAT in our system of taxation.”

Ang aking sagot: Tama ka; hindi lang nga namamalayan ngunit lahat tayo’y nag-babayad ng buwis sa bawat galaw natin. Magkano kaya ang inaabot na kita ng pamahalaan sa VAT? Ayon sa isang negosyante, ang VAT sa langis lamang ay aabot na sa P150 bilyon sa loob ng isang taon dahil habang tumataas ang presyo ng krudo, lumalaki rin ang kita ng pamahalaan sa VAT.

# # # #

hvp (07.28.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*