Diretsahan
ni Horacio Paredes
Kapag tumatagal ang pangulo kagaya ng kasalukuyang nakaupo, dumarating ang panahon na halos wala nang nakikinig sa kanya kapag siya’y nagsasalita sa bansa sa panahon ng kaniyang SONA o State of the Nationa Address. Ang nadidinig kasi ng mga nakikinig ay ang mga dati na niyang nabanggit, lalo na’t kapag marami naman sa mga ito’y hindi natuloy o kaya’y ang ilan sa mga ito’ymga pangakong hindi natupad.
Halos lahat ng mga batikos kay GMA sa kaniyang katatapos na SONA ay mga bagay na dati na niysang sinabi na sa kabuohan ng panahon ay wala naman palang binatbat.
Sa totoo, napakahirap ng ating buhay sa ngayon. Hindi naman natin ito maaaring isisi sa kasalukuyan nating pamahalaan. Totoong mahirap ang pamumuhay ngayon sa mundo natin. Marami pa ngang ilan na inaalala ang panahon ng hapon at kung papaano tayo nabuhay noong mga panahong iyon. Sayang na ang naiisip lamang ng gobiyernong ito’y ang mamigay ng kwarta.
Mas magaling sana kung tinutulungan ang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagpapababa ng presyo ng pagkain. Ang nagiging sagot sa mga hiling na itigil na ang VAT sa ilang mga bagay gaya ng VAT sa langis at sa bayad natin sa Meralco, ay kung gagawain raw ito’y ang mga makikinabang ay ang mga mayayaman. Sa huli nating kolum, nakita natin na kahit na ang iyong kinakain ay noodles lamang at sardinas, aabot pa rin sa P15,000 sa loob ng isang taon ang iyong babayarang VAT. Papaano nilang sasabihin na ang pagtanggal ng VAT ay pakikinabanang lamang nga mga mayayaman? Sa totoo, mas mabigat ang tama nito at ang lahat na mgadagdag na gastusin kung sa presyo man ng mga bilihin o kaya’y sa mga buwis na binabayad sa pamahalaan sa mga mas dukha.
* * *
Ako’y nasa Singapore sa ngayon at, kahit nawala naman akong gaanong nakakausap na mga mamamayan ng bansang ito’y kitang-kita ko na malinis ang kanilang mga lansangan at pati na rin ang kanilang mga bangketa. Dito lamang ako nakakakita ng mga sidewalk na walang kalat. Walang mga plastic, upos at kahit na ano pa mang kalat. Maayos ang trapik. Ang mga pribadong sasakyan, taxi o bus ay mayroong dalang mga prepaid na card na kapag sila’y dumaan sa lugar na kinakailangang bayarn, atotomatikong binabawasan ang kanilang prepaid card. Maaari naman nila itong punuan kapag mababa na ang balanse at kung wala nanag laman ito at tuluyan pa ring tumatakbo ang sasakyan, makakatanggap ang may-ari ng singgil sa kanyang mga kakulangan kasama na rin ang mga multa dahil sa hindi pagbayad nga mga singgil sa mga dinaanan niyang mga kalye. Depende sa oras ng araw ang singgil sa pagdaan sa kalye.
Sa ganitong paraan na-kokontrola nila ang daloy ng trapiko.
Maari kaya itong gawain sa ating Metro Manila. Upang maging modernong lugar ang Metro Manila, sa aking nakikita’y marami pang dapat mangyaring mga proyekto at mga kalsada. Kailan kaya tayo darating doon habang ang marami sa mga lunsod ng Asya at Asean sa ating kapaligiran ay tunay na mga moderno nang mga siyudad at lipunan.
* * *
# # # #
hvp (07.30.08)

Post a Comment