Skip to content

Kapalpakan ng MMDA

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Ako’y nakatira sa isang kalsadang lumalabas sa Katipunan Avenue sa Loyola Heights, Quezon City. Noong bagong lipat kami rito napakatindi ng trapik. Inaabot kami ng kalahating oras bago makarating sa aming bahay galing sa fly-over ng Aurora Boulevard.

Noong sinimulan ang mga u-turn, naging mas magaan ang trapik sa Katipunan. Bumuti ang sitwasyon. Nasa bahay kami sa loob lamang ng sampung minuto mula sa Aurora.

Ngunit, kamakailan ay binago na naman ang patakaran ng MMDA. Tinanggal halos lahat ng u-turn at kahit na bibisitahin ko lamang ang aking kapatid sa sunod na kalye, kung ako’y gumamit ng sasakyan (kagaya kapag sinusunod ko ang aking bayaw upang mag-golf sa linggo, ang aking iikutan ay umaabot nang sobra sa kilometro ang layo. Hindi lamang iyon; dahil ang lahat ng sasakyan ay doon lamang maaaring umikot, nababara ang ikutan dahil sumasama na rin sa mga sasakyang patungo sa Aurora Blvd.

Sa umaga, lalong mas tumitindi dahil sa mga naghahatid ng kanilang mga anak sa Ateneo at Miriam College. Alalahanin na ang Ateneo at La Salle (at Miriam na rin) ay eskwelahan ng mga elitista’t mayayaman kung kaya halos bawat isang bata ay mayroong kotseng walang ginagawa kundi lamang hatid at sundo ng mga ito.

Kada umaga’y napakalaking perwisyo ang inaabot ng mga motorista sa Katipunan.

Kaya, baka naman makuha sa pakiusap kaya, eto nakikiusap na lamang sa MMDA na baka naman sakaling maaaring ibalik na lamang ninyo ang dating sistema. Kahit na medyo ma-trapik, mas mabuti naman iyon kaysa sa sistema ngayong mas matindi at mas ma-trapik. Imbes na nakakabuti ang MMDA, lalo lamang nilang pinagugulo ang daloy ng trapik!

* * *

Hind na naman tayo nagugulat na ang balita galing sa Olympics ay nasa kulelat ang kaisa-isang Pinoy na nilaban natin sa shooting. Talaga namang wala tayong panama diyan, Hindi ko nga naiintindihan kung bakit pa tayo sumasali para lamang mapahiya ang bansa sa hindi magandang resulta.

Kulelat ang kaisa-isang padala ng Pinas sa shooting, Sana man lamang na mayroon tayong Tinalo sa mga bansang may atleta sa event na iyon. Pero wala Talaga!

Any motto ng Olympics ay “Citius, Altius, Fortius,” na ang ibig sabhin ay mas mabilis, mas mataas, mas malakas. Ang Olympics ay labanan ng pabilisan ng takbo at paglangoy, pataasan ng hagis o tapon o iskor sa barilan, archery, mga team sport ng at iba pang mga sport at palakasan sa wrestling, boxing, weightlifting at iba pang mga labanan.

Wala tayong nakukuhang puntos sa ating paglahok kung hindi rin tayo nananalo.

Gaya ng maraming Olympics, 15 lamang ang ating mga manlalaro ngunit napakarami ng ating mga opisyal na sumama. Ang laki ng ating gastos para sa kanila kahit wala naman sa kanilang maaring makatulong sa labanan sa Olympics.

# # # #

hvp (08.11.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*