Skip to content

Tamang Pag-gamit ng Vetsin

Deretsahan

 

ni Horacio Paredes

 

Magpahanggang ngayon ay tinutunton ko pa kung saan nagmula ang tinatawag na “Chinese Restaurant Syndrome” (CRS)..Ito umano ang sinasabing pagkahilo pagkatapos kumain ng Chinese food. Ang pakiramdam ng pagkahilo ay dulot daw ng vetsin (monosodium glutamate o MSG) na ginagamit na panghalo upang pasarapin ang mga lutuin.

Ang una o orig na tawag sa CRS ay “MSG Syndrome”. Ayon sa mga balita ang pagpalit mula MSG sa CRS ay pinauso ng mga malalaking dayuhang restaurant at fast food chain upang siraan ang mga kainang pagaari ng mga Chinese na malaki nilang kumpetensiya.  Hindi ito mahirap paniwalaan.

Aking natatandaan noong mga 1980s, ganito rin ang nangyari sa ating produktong coconut oil na noo’y inei-export natin sa Europa at Amerika. Dahil sa mahigpit na kumpetensiyang dulot nito laban sa vegetable oil na gawa nila, gumawa ang mga vegetable oil manufacturer ng kampanya upang siraan ang ating coconut oil sa pandaigdigang merkado. Kesyo ang coconut oil daw ay namumuo at mahirap matunaw kayat nagbabara ito sa mga sewerage at pati na rin sa mga ugat ng tao. Hindi rin daw ito magandang ingredient sa paggawa ng sabon at iba pang mga toiletries.

Alam nating lahat na ang mga paratang laban sa coconut oil ay pulos walang pinagbabasehan at bahagi lang ng tinaguriang cut throat competition na kung saan ay kailangang tepokin ang kakumpetensiya kahit sa maruming paraan. Dahil ditto, nagsanib ang mga coconut oil manufacturer sa Pilipinas hanggang sa nabuko ang mga pasimuno ng paninira sa ating produkto. Ang resulta: bumalik ang magandang imahen ng coconut oil. Ngayon nga’y direktang iniinom ang virgin coconut oil upang lalong maging malusog.

Kamakailan, mayroong lumabas na balita sa mga pahayagan na may isang musmos daw na nahilo at nahulog sa kanilang hagdanan matapos umanong kumain ng vetsin.  Dinala ang bata sa ospital dahil bumagok ang ulo sa semento matapos mahulog sa hagdan.

Hindi naman binawian ng buhay ang naturang bata. Ang sinasabi ko lang ay dahil nakatanim na sa isip na masama sa katawan ang vetsin, ito kaagad ang tinurong dahilan nang ang bata  ay mahilo. Wala din daw sa report ng doktor na vetsin talaga ang dahilan  ng pagkahilo nito.

Maari ring kasing dahilan na ang sanhi ng pagkaliyo ay matinding gutom. Tila hindi napapakain ang bata at walang maiulat kayat hinaluan kayat hinaluan na lang  niya ng vetsin ang  kaniyang kanin. Apat ang kapatid ng bata at buntis pa raw ang ina sa pang-anim na anak. Ang hanapbuhay ng magulang ay magbenta ng  buko ice candy. Siguro dapat ang simbahang Katolika na kontra sa family  planning  ang dapat  magpaaral at magaruga sa mga pobreng ito.

Hindi nyo naitatanong, safe daw na panlahok at pampasarap ang MSG ayon sa mga masusing pagaaral na isinagawa ng  United Nations Food and Agriculture Organization (FAO), World Health Organization (WHO), Joint Expert Committee on Food Additives (JECFA), European  Scientific Committee (SCF), American Medical Association’s Council on Scientific Affairs (AMCSA) and the Federation of American Societies for Experimental Biology (FASEB) na dalawang ulit na hinirang ng United States Food and Drug Administration (USFDA) upang magsagawa ng mga pagaaral sa bagay na ito.

Maging ang ating Bureau of Food and Drug Administration ay idineklarang ligtas o safe din ang paggamit ng MSG o vetsin sa mga pagkain.

Ayon kay Dr. Lydia M. Marero, Chief, RUMD ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI), isang bahagi ng Department of Science and Technology:

“MSG is a flavor enhancer that has been used effectively to bring out the best taste in foods, emphasizing natural flavors. Many researchers also believe that MSG imparts a fifth taste, apart from the four basic tastes of sweet, sour, salty and bitter. This taste, called “umami” in Japan, is described by the Americans as savory.

“The human body treats glutamate that is added to foods in the form of MSG the same as the natural glutamate found in food. For instance, the body does not distinguish between free glutamate from tomatoes, cheese and mushrooms and the glutamate from MSG added to foods. Glutamate is glutamate, whether naturally present or from MSG.

“As a general guideline for use, about 1/2 tsp. of MSG added to a half-kilogram of meat or 4 to 6 servings of vegetables should be sufficient. The average person consumes about 11 grams of glutamate per day from natural protein sources and less than 1 gram of glutamate per day from MSG. In contrast, the human body creates about 50 grams of glutamate daily for use as a vital component of metabolism.

“Contrary to popular belief, MSG contains only 1/3 the amount of sodium as table salt (13% vs. 40%) and is used in much smaller amounts.

“Now, for the question, is MSG safe? Yes, MSG is one of the most extensively researched substances in the food supply. Numerous international scientific evaluations have been undertaken over may years, involving hundreds of studies.

“How about the safety of foods with MSG for children? Yes, MSG is safe for children according to researchers. Infants, including premature babies, metabolize glutamate the same as adults. Research has shown that newborn infants are able to detect and prefer the taste of glutamate. Glutamate is actually 10 times more abundant in human breast milk than in cow’s milk. One cup of breast milk contains 0.176 mg glutamate.”

Natural naman palang parte na ng ating n ormal na kinakain ang glutamate. Ito’y nasa gatas ng mga ina at mas mababa pa nga ang sodium kaysa sa mismong asin. Kaya lamang, gaya ng lahat na bagay, dapat rin sigurong hindi dapat na pasobrahan ang vetsin sa atying mga kinakain. Kahit na mabuti ito, kapag lumabis sa tamang pag-gamit, maaaring makakasama rin sa atin.

 

# # # #

hvp (08.18.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*