Deretsahan
ni Horacio Paredes
Napakinggan ko si Senador Loren Legarda habang ini-inteview siya sa DZRH. Ganito ang kaniyang mga pinaliwanag:
Sa gitna po ng ingay sa pulitika, gusto ko pong pukawin ang atensyon sa isang lumalalang problema ng bayan na kapag hindi na solusyunan, ay magdudulot ng malaking pinsala.
Ito po ang problema natin sa kalikasan.
Gusto ko pong pag-usapan natin ang napaka raming aspeto, gaya ng basura, polusyon, pagkakalbo ng gubat, ang pabago-bagong panahon, araw-arawin po natin yan.
Simulan po natin yan.
Sa isyu ng basura: Madalas maalala lang natin ang isyu ng basura, kapag nagaaway-away ang mga local na pamahalaan kung saan ilalagay ang basura ng Metro Manila. Mayron kasing functional dumpsites – ang land fill sa Rodriguez, Rizal, ang landfill sa Tanza, at ang bahagi ng dating Payatas dumpsite na ginagamit ng Quezon City.
Sino nga namang mayor ang magnanais na patuloy na maging tapunan ng basura ang kanilang lugar. Hindi maganda imahe para sa mga nageengganyo ng negosyo. At ang laking potential health hazard ng mga dumpsites na ito, sabi nga nila, putok na ang inyong baga.
At ang mga uring skin diseases at problema sa ating digestive system ang pwedeng dalhin ng mga insekto at hayop na nabubuhay diyan.
Ang nakakatakot sa lahat, yung mga tinatawag na toxic chemicals na tumatagas sa mga basurang ito, at sumasama sa ating mga kanal.
Pati na sa Manila Bay, ang mga kemikal na ito, lalo na ang ‘lead’ na sumisira sa ating reproductive system, at sa sting central nervous system. Sa utak. Bukod sa mga dumpsite, ang mas nakita kong problema ay yung paano tingnan ng mga Pinoy ang kanyang basura. Sabi nga nung kolector ng recycle na basura sa lugar namin: ang hirap po kasi sa mga Pinoy ang tingin nila sa basura ay hindi galing sa kanila.
Sabi ng isang pag-aaral, araw-araw daw ay pitong libong tonelada ng basura ang Metro Manila. Halos limang libong tunelada na lang ang nauuwi sa dumpsite. Yung iba binabalibag ng mga tamad sa mga bakanteng ilog, sa mga lote, sa kanal, at sa lawa.
Yung iba sinusunog. Naku laking problema po ng dala nito. Nung 12th Congress, mayron po tayong naipasang batas na. ito po yung Ecological Solid Waste Management Act.
Pangunahin po sa batas na ito ang paghahanp ng paraan para mabawasan ang basura. Ang mungkahi natin noon, composting, recycling, re-use at recovery. Kailangan din dito ang environmentally-sound na solid waste management gaya ng segregation, collection, transport, storage, at disposal at dito gusto ko papurihan ang ilang kumunidad sa Metro Manila na nagpapatunay na kaya natin itong gawin.
Isa sa mga nagsimula dito nung panahong di pa uso pagiging environmentalist, si Ms. Odette Alcantara na siyang convenor ng Mother Earth Philippines. Ang barangay Bagong Bahay sa Project 4, Quezon City – na nagsimula ng 2001 pa. Marami pang Lugar sa Metro Manila at karatig pook ang sumubok at nagtagumpay sa kanilang mga proyekto.
Hindi naman ito limitado sa Metro Manila. Sa Albay, nag lunsad na sila ng linis kanal at Ilog Project. Sa Puerto Prinsesa, naku wala ka halos makitang kalat sa daan dahil sa matibay na pagpapatupad ng batas.
Lalo na sa Palawan na nagtalaga ng mga environmental enforcement officer para linisin ang kanilang coast. Nagsagawa ng environmental education. Magpatupad ng Solid Waste management, at mga regular na pagpapatrol sa dagat para sa mga posibleng violators.
Kaya natin ang zero waste. Kaya natin i-recycle yung mga hindi nabubulok at ito’y maaring pagkakitaan.
* * *
Okey na okey sa aking kapag ang mga pulitiko ay hindi lamang pulitika ang iniintindi!
# # # #
hvp (08.20.08)

Post a Comment