Comments on: The MILF is At War

By: Tina Tulfo
Para sa walang kuwentang pamunuan ng Lansbergh Place Condominium!

MAY pananagutan ang nagmamay-ari (24KDCC)ng Lansbergh Place Condominium sa pagkawasak ng sasakyan ng kanilang tenant na nagreklamo sa BITAG.

Ito ay ayon sa inspeksiyon na isinagawa ng Quezon City Engineering Office sa kanilang gusali nitong May 14, mata­pos mabagsakan ng makapal na tibag ng bato mula sa kanilang gusali ang sasakyan ng nagrereklamong tenant.

Halos ma-total wreck ang sasakyan dahil sa pagkaka-yupi ng bubungan at katawan ng likurang bahagi nito. Paano kaya kung tao ang nabagsakan nito, sigura­dong hindi ito maka­kaligtas sa kalawit ni kamatayan.

Tatlong araw ng nakabalandra ang nawasak na sasakyan sa harap ng Lansbergh Place Condominium, walang pakialam ang namamahala (24KDCC) ng nasabing gusali dahil kung hindi pa nanghimasok ang BITAG, hindi pa nila tatanggalin ito.

Kaya nga rin nagreklamo ang kanilang tenant sa amin dahil hindi humaharap ang kolokoy na pamunuan (24KDCC) ng Lansbergh para kausapin ang mga ito hinggil sa pang­yayari.

Ayon sa nagrereklamo, tanging sagot lamang sa kanila ng building administrator ng Lansbergh na si Socorro­ Layaoen(24KDCC), aksidente lamang daw ang nangyari at wala silang panana­gutan sa pagkawasak ng sasakyan nito.

Hindi pinapasok ang BITAG team sa opisina ng building administrator, tanging ang inspektor lamang daw at ang tenant na nagrereklamo ang pupuwedeng umakyat sa kanilang opisina.

Sorry na lang sa katangahan nila dahil nagawang pu­ masok ng isang BITAG undercover bitbit ang aming concealed camera. Gusto naming siguraduhing TAMA ang mga pag-uusapan sa kanilang opisina.

Sa naidokumento ng aming concealed camera habang kausap ng inspektor ng Quezon City Engineering’s Office ang kolokay na si Layaoen(24KDCC), nagmamagaling pa ang nabanggit na building administrator.

Imbes na humingi ng pasensiya at magpaliwanag ng maa­yos sa kanilang tenant na nagrereklamo dahil sa pangyayari, nakikipagpalakasan pa ito ng boses at nakikipag-unahan pang mangatwiran ng 24KDCC.

Kung hindi ba naman talaga hinayupak ang buil­ding administrator  na ito, sukat baluktot itong nangat­wiran sa kanilang tenant at sa inspektor na isang inhinyero ng Quezon City na “never ho namin sinabi na malaglag ‘yan”.

Socorro Layaoen(24KDCC), subukan mong sabihin ‘yan sa harapan ko, kung bastos kang makiharap sa mga kausap mo, huwag na huwag sa BITAG.

Ibabalik ko sa’yo ang lengguwaheng sinasalita mo at sinisigurado ko sa’yo, hindi mo magugustuhan ito.

Sa inisyal na resulta ng inspeksiyong isinagawa ng Quezon City Engineering’s Office sa inyong mapa­nganib na gusali, ang Lansbergh Place Condominium, “may pananagutan” daw kayo, para sa inyong ka­alaman.

Itinuturo ang pagkukulang sa inyo daw inhinyero at arkitektong gumawa ng inyong gusali, dahil dapat hindi lamang binabalutan ng makapal na semento ang palitada ng anumang building.

Dapat daw ay may mga bakal na nakasuporta dito.

Baka hindi niyo pa ito alam, BITAG na ang nagsa­sabi sa inyo. Kung nanood kayo ng segment namin noong Sabado,matututo kayo.

Umaasa ang BITAG na magiging patas at pawang katotohanan ang magiging resulta ng final investigation ng Quezon City Engineering’s Office sa proble­mang ito.

Nakakakilabot lamang na kapag naulit ang ganitong pangyayari at nagkataong tao na ang nabagsakan ng mga nalaglag na palitada ng Lansbergh Place Condominium, e hindi na naman kumibo ang walang ku­ wentang pamunuan ng gusali.

Patuloy na nakatutok ang BITAG sa kasong ito.