Deretsahan
ni Horacio Paredes
Baket ba pinapatulan pa ni Speaker Prospero Nograles si Land Transportation Office chief Alberto Suansing? Speaker na po kayo; hindi na daat pang pumapatol kayo sa mga maliliit na tao kahit na sinasabin niyang mayroong mga kongresistang binebenta ang kanlang mga numero otsong license plate ng kotse o sila’y gumagamit ng mga imported second-hand vehicle.
Ayon kay Speaker Nograles: “He should name names instead of making blind accusations. And if he has any evidence, he should have filed cases in courts. Accusing people is easy.”
Ang bawat kongresista’y binibigyan ng “protocol plate” na numero 8, sa simula ng kanilang terminong tatlong taon. Ang iilan – Paul Daza (Northern Samar), Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro City) at Edno Joson (Nueva Ecija) – ay nagsoli ng kanilang special na numero at nagsulong ng panukalang batas na tintigil ng paggamit ng mga protocol plate. Ang panuklalang ito’y hindi pa man lamang dinidinig ng kongreso. Wala yatang interes ang iba sa batas na ito!
Ayon naman kay Speaker Nograles mabuti pa’y bawiin na lamang ng LTO ang lahat na protocol plale ng mga kongresista ngunit dapat na mawala na rin ang lahat na “Vanity Plates” at “Commemorative Plates” na binebenta ng LTO sa halagang P10,000 hanggang P50,000.
Iimbistigahin rin ng kongreso ang mga pekeng smoke-emission tests, absentee registration of vehicles at ang mga fixer ng drivers’ license sa LTO.
Ayon kay Nograles:”We have to get to the bottom of these things since LTO chief Suansing seems incapable of carrying out the mandate of his office. The House will make its recommendations to the President based on our findings.”
Sa tingin ko’y overkill na ito. Kung anuman ang nagawa o nasabi ng kawawang Suansing na kinagalit ng Speaker, palagay ko’y matagal nang pinagsisihan ito ng hepe ng LTO. Sino ba naman siya na sasagot sa mga galit na tanong ng ika-apat sa mga pinakamataas na pinuno ng ating pamahalaan? Mr. Speaker. Sir, sisiw lamang si Suasing kumpara sa inyo. Huwaf na ninyong patulan.
Marami a pog dapat ninyong pagisipan, gaya ng kapalpakang ginawa ng presidente ninyo sa Mindanao na baka mabaon na sa walang tigil na kagulohan. Pareho po tayong taga-Mindanao. Sa tingin ko lamang, Mr. Speaker, dapat siguro’y mas ibuhos ninyo ang inyong galit sa mga gumawa ng kapalpakang ito kaysa sa napakaliit na taon na si Suansing ma ina-araw-araw ninyo.
* * *
Nag-deklara na si Cardinal Vidal ng mandatory prayer for peace sa kaniyang sinsakop na Visayas. Tama si Cardinal Vidal; wala na talagang makaatulong sa atin kundi na lamang ang dasal. Sana naman ay nakikinig pa rin ang Maykapal sa mga daing ng mga Pinoy! Sana’y hindi pa nagsasawa na wala na lamang tayong tinutunguhan kundi Siya sa bawat problema na gawa-gawa lang naman ng ating mga lider. Baka Nagtataka siya kung bakit palagi na lamang yatang mali ng ating pinipiling mamuno sa atin. Ano bang klaseng mga tao ito?
# # # #
hvp (08.27.08)

Post a Comment