Abante (09.02.08)
Deretsahan
ni Horacio Paredes
Tama si Kongresman Bienvenido Abante (Lakas, Manila) sa kanyang House Bill 4882 na tinatanggal ang Republic Act 9346, ang batas na pinagbabawal ang Death Pebnalty.
Ang panukala ay buhayin ulit ang RA 7659 (Death Penalty Law) at ang RA 8177 (Death Penalty by Lethal Injection Law).
Ayon sa kongresista, ang walang kabulohang pagkatay ng sampung tao sa isang bangko sa Cabuyao, Laguna noong Mayo at ang lumlaganap na kriminalidad sa ating lipunan ay sapat nang rason upang ibalik ang death penalty. Ayon kay Abante: “The manner of execution has become more cruel and deliberate and the perpetrators have become bolder even in broad daylight and without respect for the age or gender of victims. This has never happened before.”
Si Abante ay isa ring pastor. Sinisisi niya ang mga grupong pro-life na matagal nang tumututol sa death penalty dahi, sa kanilang paniniwala, anf death penalty ay sumasalungat sa kanilang paniniwala na ang Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay at Diyos rin lamang ang maaaring magbawi nito. Ayon pa rin sa mga ito, ang death penalty naman ay hindi rin nagiging hadlang sa mga kriminal na gustong gumawa ng krimen.
Ayon kay Abante: “God instituted this kind of penalty. The argument that it is inhuman and it is contrary to the Scriptures is utterly without basis.”
Kung pakikingan natin ang mga estupidong mga ganyan mag-isip, sa katapusan. Para pa nga nilang sinasabi pa na ang salarin ang nagiging biktima at ang mga biktima ay walang karapatan. Bakit? Dahil ba patay na sila?
Ayon kay Abante, kung ang mga kriminal ay mayroong karapatang pantao, ang mga ka-awa-awang mga biktima nila’y may mga karapatan rin at dapat pa nga’y mas may karaptang mabuhay kaysa sa mga saaring pumatay sa kanila.
Naniniwala si Kongresman Abante na kung ibabalik ang Death Penalty maaaring maging hadlang ito sa mga masasamang hangarin ng mga masasamang tao. Ang masama kasi’y pati na ang mga ganitong bagay ay ginagamit pa rin nila sa pulittika.
Halibawa, bakit nga ba iiniurong ang Death Penalty. Walang ibang rason kundi na ang Pangulong Gloria Arroyo ay takot na panindigan ang batas na sa kaniyang panunumpa bilang Pangulo’y kaniyang pinangakong kaniyang isusulong at ipatutupad.
Dahil rito’y iniatras ni Gloria ang parusang kamatayan para sa mga kinauukulang heinous crimes. Mula noon lalong lumaganap ang mga heinous crimes at dumami ang mga kriminal na sobra-sobra ang kawalanghiyaang ginagawa.
Dapat lamang na maibalik na ang Death Penalty. Kung ito ma’y hindi kayang pigilan ang mga ginagawang kasamaan ng mga kriminal, kahit papaano’y nakakabawas pa rin ito sa mga kriminal dahil kapag sila’y nakatanggap na ng lethal injection, hjindi na natin sila kinakailangan pang ituring na problema pa!
# # # #
hvp (09.01.08)

Post a Comment