Deretsahan
ni Horacio Paredes
Sa paglabas ng desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang MOA o ang kasunduan magtatayo ang MILF ng kanilang Ancestral Domain, ang Madalas na nagiging komentaryo ay tungkol sa kung hawak pa ba o hindi na ni Gloria Arroyo ang Korte.
Sa pananaw ko’y hindi dapat na ganito ang dapat na pag-iisip natin – na lahat na lamang nga bagay ay maituturing na pulitikal — na pag-kampi o pag-kontra kay Gloria Arroyo.
Ang Korte Suprema’y dapat na hiwalay at malayo sa mga bagay na pulitika. Dapat na independiyente ito; kaya lamang nagmumukhang may bahid ng pulitika ang kanilang mga hatol ay dahil sa ating sistema na ang Pangulo ang bumpily sa mga justice ng Korte. Dapat siguro na sa susunod na pamahalaan ay inaasahan ng magiging Pangulo ang kaniyang pagpili ng mga hukom ng Korte at iwas na magkaroon ng kahit na kaunti lamang na bahid ng pulitika. Kung pati kasi ang Korte Suprema’y sunod-sunuran sa Pangulo, papaano na ang ating bansa. Ang Pangulo na nga ang pinaka mayroong kapangyarihan, magpapapailalim pa ang Korte sa kaniya?
* * *
Sulat galing kay Francisco Almonte: “May katuwiran kayo magsulat tungkol kay Secretary Gonzales ng DOJ tungkol sa huli niyang sinabi. Pero kung matandaan ninyo na si G. Hultman ang unang nagsalita na si Sec. Gonzales ay liar at iba pang akusasyon sa pagkasabi niya na alam ng mag-asawang Hultman ang paglaya ni Teehankee.
“Dito siguro napikon si Gonzales at binuweltahan niya ang mga Hultman sa pagsasalita nang di maganda bilang Pilipino. Di mo rin masisi si Sec. dahil karapatan niya na idepensa ang sarili bilang miyembro ng gabinete at bilang isang tao na di siya snuggling.
“Itong pangyayari ay isang incident ng di pagkaunawaan na pinalake ng media para mabili ng publiko ang mga diyaryo at makining at mapanood sa TV news.
“Kung talagang ayaw natin magpatawad, ibalik natin ang parusa death penalty para yung mga nanagrabiyado ay mabitay na at mawala na sa mundo. Pero may kasabihan na kung di mo pa oras, tiyak na maisasalba ka pa rin. Ang kabutihan kay Sec. ay sinasabi niya ang nasa loob niya, di siya plastic. Kaya dun sa magsasalita ay dapat isipin ng mabuti, kundi lagot ka. Makakarinig ka ng di maganda at mabuti.”
Ang isang miyembro ng gabinete ay dapat na mas malawak ang pananaw – hindi makitid ang utak. At, lalong, hindi siya dapat pikon! Hindi ba niya kayang intindihin ang nararamdamang ng isang magulang sa pagpalaya ng pumatay sa kaniyang anak na para itong isa lamang halaman na pinatay dahil sa sagabal sa pumatay nito?
Dapat naman na ang mga pinagkakatiwalaan ng bansa at ng Pangulo ay ang pinaka magagaling sa atin; hindi ang pinakawalan dating na mga Pinoy.
Kung kagaya lamang ni Gonzales ang ating mga gabinete, ano naman ang bansa na kanilang pinaglilingkuran? Dapat na mas maganda ang pinakikita nilang asal kaysa sa mga butangero at mga pangkaraniwang mamamayan.
# # # #
hvp (10.01.08)

Post a Comment