Skip to content

Ano Nga Ba Ang Demokrasya?

Deretsahan

ni Horacio Paredes

Sulat galing sa isang nagpapalilala sa pangalangMakabayang Mamamayan: “Kaninang umaga, hindi ako pumasok sa opisina dahil meschool activity ang grade one kong anak. Me program and eskwela at inimbitahankaming mga magulang na manood sa may Ortigas Area.

“Umalis kaming maaga sa bahay dahil alam kongmedyo ma-traffic sa lugar na yon. Dala ko ang aming buong maganak, kasama naang digital camera at video camera. Napakaganda ng umpisa ng araw naming lahat: )

“Kaya lang… nung nasa EDSA na po ako eh meconvoy ng sasakyan sa likod ko na nagkakalat ng ingay.. ‘Waaang…waaaang….waaaang’.  Aba eh,pinapatabi ako at kelangan daw silang dumaan. Di ko pinansin at nag-stay ako salane ko. Aba, tinapatan ako ng kasamang PNP na motorsiklo, sinigawan pa ako atbinagalan ang takbo hangang maka-lagpas na ang government official. Doon saconvoy na tatlong sasakyan na may 2 hagad ang isa eh me red plate.

“Bakit ganun? Mas mahalaga ba ang oras ni Mr.Government official sa oras ko?

“Bakit ganun? Pati yung PNP na galing naman sabuwis ko ang sweldo eh inu-una pa ang isa ko ring pinapasweldo na si Mr.Government official?

“Bakit ganun? Kelangan pang makita ng mga anakna dito sa bansa natin maraming abusado.

“Sa inis ko ay hindi ko na nakuha and platenumber.  Paki-usap po sa inyong mgagalit din sa wang wang, pag nangyari din sa inyo, kunin ang plate number atipasa sa mga mamamayan.

“Sobra na! Tama na! Mahiya naman kayo!”

* * *

Ngayong hinihintay ng mundo kung sino angmapipili ng Amerika na mamumuno sa pinakamalakas na bansa sa mundo – angkaisa-isang superpower – na siya ring nagdala ng demokrasya sa atin dapatnating pag-isipan kung bakit ang laki ng pagkakaiba ng kanilang demokrasya saating demokrasya. Sa mga Amerikano naman nanggaling ang demokrasya natin, diba?

Mayroong pag-iisip na hilaw raw kasi ang iniwansa ating demokrasya ng Amerika dahil na tinamad na rin ang Amerika noongpanahon ni President Woodrow Wilson at kanila nang dinesisyunan noong 1912 naunti-unti na tayong pinakawalan kung kaya ang nangyari’y hilaw ang nagingdemokrasya natin. Iniwanan sa atin ang sistemang kolonial na nanggaling pa sapanahon ng Kastila kung saan mayroong mga elitistang mga ilustrado at angkaramihan naman sa atin ay mga halos walang saysay lamang na mamamayan.

Iyon na nga siguro; ngunit, dapat rin na dahilsa ang sistema namang iniwan sa atin ay demokrasya, dapat na – dahil sanapakatagal na rin tayong iniwan ng ating “great white father” — ay dapat na rinna natuto na tayo na ipatupad ang tunay na demokrasya kung saan pantay anglahat na mamamayan.

Nasasa-atin na iyon! Tama si “MakabayangMamamayan.” Dapat ngang labanan natin ang sistemang bulok na iniwan sa atin ngAmerikano at ating palitan ng tunay na demokrasya kung saan pantay tayong lahatsa karapatan at ang pamahalaan ay naglilingkod at hindi nag-hahari-hari saating mga mamamayan! Kaya ba nating gawain iyon? Kayo – ikaw – ang dapat nasumagot sa katanungang iyan!

# # # #

hvp (11.05.08)

Readers who missed a column can access www.duckyparedes.com/blogs. This is updated daily. Your reactions are welcome at duckyparedes@yahoo.com

Post a Comment

Your email is never published nor shared. Required fields are marked *
*
*