Deretsahan
ni Horacio Paredes
Kahit anuman ang nangyayari sa mundo natin, ang nagyayari ay ang mga mas mahihirap at ang mga dukha ang lalaong nahihirapan at lalong nagiging dukha. Kung sino ang walang nakalaang kahit na ano pa man, gaya ng kwarta sa bangko o negosyo o trabahong pinagkikitaan ang mas nahihirapan. Kung ganito ang nangyayari sa mga taong mahihirap, ganyan rin sa mga bansa. Ang mga bansang walang inaasahang industriya o “savings” o maayos na nagpapalakad ang mas tatamaan sa panahon ng pasamang ekonomiya.
Habang tinatanaw ng mundo ang paparating na pinakamabigat na krisis ng ekonomiya mula noong 1930, marami ang nag-aalala – lalo na sa mga “developing countries” – sa kanilang kinabukasan. Umaasa sila sa kwarta para sa mga “poverty-alleviation program” nila na galing sa ayuda ng mga mas mayayamang bansa o kaya sa kita ng kanilang mga kalakas-panluwas.
Dapat lamang na ma-abala ang mga bansang maliliit at nahuhuli sa ekonomiya. Madalas na ang mga pulitiko’y pagsasamantalahan ang dinadanas na kahirapan ng kanilang mga mamamayan. Sinisisi ang lahat sa sumasamang kalagayan ng mundo kahit alam naman nilang ang kanilang pangungurakot ang tunay na ugat ng kahirapaan ng kanilang bansa.
At, sa mga mayayamang bansa naman, maaari rin ang unang tutunguhan ng mga pulitiko ay ang pagtigil ng kanilang nilalaan na “foreign aid” sa mga developing countries. Dahil dito, ang mga lidder ng 20 pinakamauunlad na ekonomiya’y nagtatag ng isang moratorium sa pag-gagawa ng bagong mga trade barrier sa susunod na taon. Dapat lamang na patuloy pa rin ang “open market” upang malaktawan ng mundo ang paparating na kahirapan dahil sa palubog na ekonomiya.
Kasama sa Millennium Development Goals (MDGs), ang mga bansa gaya natin na sumasama rito ay nangangako na ating itatayo ang isang “open, rule-based, predictable, nondiscriminatory trading system.” Ang mga mas mayayamang bansa naman ay nangako na kanilang tataasan ang kanilang “developing assistance” hanggang sa 0.7 percent ng kanilang gross national income. Ang mga bansang bumubuo ng G-8 ay maglalaan ng “development assistance” na aabot sa $130 bilyon sa 2010.
Ayon sa World Bank, ang global economic growth sa 2009 ay nasa iisang porsiyento lamang. Ang mayayamang bansa ay mababawasan ng 0.1 percent at ang developing countries naman ay tuluyang lalaki ang ekonomiya hanggang sa apat na porsiyento lamang sa susunod na taon.
* * *
Sa ating bansa naman, tuloy-tuloy ang walang katapusang paglitaw ng mga katarantaduhan sa mga proyekto ng pamahalaan na kanila pa namang pinagalanang GMA — Ginintuang Masaganang Ani (GMA) sa bigas. Meron ring GMA sa mais, GMA sa high valued crop program at GMA livestock program.
Sa nakasalang na 2009 budget, umaabot sa P14 billion ang tinatawag na lump sum appropriation o kwartang maaari nilang gamitin sa kung saan nila gustong gamitin. Sa nangyari na, marami sa kwartang nakalaan sa lump sum ay tila pumapasok sa bulsa ng mga kawatan na buong-buo o lump sum na nga. Sa taong 2009, ang GMA rice ay mayroong P10 billion lump sum, GMA corn P1.5 billion, GMA high valued crops P2.72 billion, at GMA livestock P944 million.
# # # #
hvp (12.29.08)

One Comment
Please join the lively discussion on Jose Rizal ongoing at Filipino Voices, where we would love to hear yours!
As the Catholic Taliban Sing Hallelujah
Post a Comment